Luna 5

3 2 0
                                    

Luke's POV

"Sigurado ka ba dito?" Hingal na hingal at halos hindi na makahinga si Tito Ysmael, habang si Tita Eliza halos hindi makausap dahil sa sobrang kakaiyak.

Hindi sa hindi talaga ako sigurado pero, wala na kaming magagawa nandito na kami.

Tumambad saakin ang lamig nang simoy nang hangin. Halos wala nang tao rito dahil sa pagabi na rin.

"Ka..kailangan .. Nating su..subukan Ysmael, ma..magtiwala ta..yo na sana wa..walan nangyari ka..kay Lorthy." Naawa ako kay Tita dahil sa kalagayan nya.

"Insan ni Lorthy, diba nabanggit mo may puno? At angel, ayun ang statue nang angel sa may lapida nang tatay mo, tumingin ka kung san nakaharap yung angel may malaking puno ron."

Halos kumabog ang dibdib ko kung saang dereksyon nakatingin ang anghel sa lapida ni papa.

At yun nga, may nag-iisang puno na nakatayo run.

Hindi naman ito kalayuan pero hindi agad ito mapapansin.

"Reymund, yung pala, maghanap ka nang pala. Hanapin mo yung caretaker o supurturero dito sa sementeryo." Nagmamadali kung sambit sakanya.

Halos kinse minutus na ang tinatagal nang paghahanap namin palibot sa puno na 'to.

"Lorthy, Asan ka?" Halos lahat kami pagod at hirap na.

Sana hindi ako nagkamali.

Lorthy's POV

Nagising ako muli dahil sa naramdaman kong ingay sa labas.

Nang maimulat ko ang mga mata ko,tumambad saakin ang napakadilim na paligid.

Gumalaw ako ngunit napagtanto ko na kasing laki lang nang hinihigaan ko ang nakakapa ko

Rinig ko ang mga bato at pagpapala sa labas.

Nanghihina man dahil sa mga natamo kung saksak sa hita at dahil na rin sa gutom. Pinilit kong sumigaw ngunit parang wala talagang pake sila sa akin.

Inililibing ba nila ako?

Oh my Gash. Sana hindi malaman 'to ni Bessy. Papatayin nya ulit ako pag-nagkataon.

"I..ilabas nyo ko rito." Iyak na ako nang iyak ngunit patuloy parin ang pagtatabon nang lupa sa akin.

Napapikit na lamang ako at nananalangin habang tumutulo ang luha't sipon ko.

"Holy bro ni Seven... Alam ko pong mamamatay na po ako, sana po lagyan nyo man lang nang lapida ang magiging libingan ko." Halos hindi na ako makahinga at naninikip na ang dibdib ko dulot nang sobrang pag-iyak.

"..kung mamamatay man po ako ngayon.. Salubungin nyo po ako nang Milkita at Potchi jan sa Heaven."

Sa mga oras na 'to wala na akong magagawa kundi... Maghintay.

Maghintay nang kamatayan ko.

Narration

Tumatagaktak ang pawis nang isang binata habang pinapatuloy niya ang pagpapala, kasama nang kanyang kasamahan naririnig nila ang mga palahaw ni Lorthy,mga pagmamakaawa nya at ang pagdadasal nya.

Halos tapos na ang paglilibing nila kay Lorthy at wala na rin silang marinig mula sa ilalim nang lupa.

"Ate, tara na." Sambit nya sa kasamahan nya.

Nakatulala ang babae na animo'y may iniisip.

Napabuntong hininga ang binata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's Luna Angeline ZapicoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon