III. Pagsapit ng Alas Dose

561 32 6
                                    

BUMAGSAK kami ni Nim na nagpagulong-gulong sa semento. At dahil mula sa second floor ng bahay namin kami tumalon, akala ko talaga ay maghihiwa-hiwalay na ang katawan ko nang tumama ako sa sementadong kalsada sa labas ng bahay namin. Pero napatayo ako agad dahil hinihila na naman ako ni Nim na parang wala lang sa kanya ang ginawa namin.

"Teka lang!" protesta ko saka ako tumigil sa pagtakbo. "What the f*ck are you doing?" tanong ko sa kanyang puno ng nerbiyos at pagkalito. Tapos napuno na rin yata ng adrenaline ang buong katawan ko dahil sa nangyari. "What just happened?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kasama ko sabay tingala sa second floor ng bahay namin kung saan kami tumalon. 

"Wag mo ako Inglesin---"

"Nim, alam mo ba kung gaano kataas 'yung tinalon natin? Paano kung namatay tayo?"

"Hindi naman tayo mamamatay," sagot niyang natatawa sa akin. "Isa ka na lang kaluluwa ngayon, Danver Justin Lim, kaya hindi ka mamamatay kahit anong mangyari sa 'yo ngayon dito. Kahit konting kirot nga wala kang naramdaman eh, 'di ba?"

Napanganga ako dun sa mga sinabi ni Nim. Naisip ko, kung tutuusin nga naman, dapat nabagok na ang ulo ko mula sa pagkakabagsak ko! O kaya ay nalumpo na ako! Pero kahit isang galos ay wala ako!

Ibig sabihin, talagang isa na akong kaluluwa ngayon? Yun ba ang dahilan kung bakit hindi ako nakita o napansin ng pamilya ko kanina?

Sh*t, parang nasa isa akong bangungot!

"Wag kang mag-alala, masasanay ka rin," sabi sa'kin ni Nim na parang alam na alam niya kung ano ang tumatakbo sa isip ko ngayon. "Hindi ikaw ang unang kaluluwa na ganyan ang reaksiyon sa nangyari."

"Well, I hope so! Kasi hindi naman ito normal! What do you mean na kaluluwa na lang ako ngayon? Paano naman kaya nangyari yun?"

"Sinabi ko na ngang huwag mo akong Inglesin kasi hindi ako masyadong nakakaintindi ng Ingles," singhal niya sa akin. "At tungkol naman sa katanungan mo kung paano nangyaring isa ka na lang kaluluwa, mamaya ko na ipapaliwanag sa 'yo. Kailangan kasi nating makabalik agad sa katawan mo kung gusto mo pang mabuhay."

Bigla akong natakot doon sa sinabi niya dahil nagkaroon ako ng sudden realization na oo nga, kung totoo man na pwedeng may ibang sumanib sa katawan ko ay baka tuluyan na akong maging ganito--- isang kaluluwa. At sa tingin ko naman ay nagsasabi ng totoo itong si Nim, dahil iyong nangyari kanina sa loob ng bahay na hindi nila ako nakikita ay imposible namang isang malaking prank lang ng pamilya ko. Wala ng ibang logical explanation sa nangyari sa akin other than me being literally a spirit. And that means umuwi nga ako sa bahay mula sa school na isang kaluluwa.

Napamura tuloy ako ulit. "Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari," I said. "Am I really just a spirit? Kaya ba hindi ako nasaktan nang tumalon tayo nang ganyan kataas?"

"Danver, bilang isang kaluluwa, marami kang pwedeng gawin na hindi mo magagawa kung nasa iyong katawang-tao ka. Pero, may mga bagay rin na hindi mo na magagawa ngayong isa ka na lang kaluluwa."

"Tulad ng ano? Na mabuhay? Don't tell me malaki talaga ang chance na hindi na ako makabalik sa katawan ko?"

Tinitigan ako ni Nim nang maigi. Naging seryoso ang mukha kaya kinabahan tuloy ako sa sasabihin niya. "Oo, kaya tayo na. Kailangan natin siyang maunahan sa katawang tao mo."

"Siya? Sinong siya?"

"Basta, mamaya ko na ipapaliwanag sa 'yo!" aniya na mukhang may naalala na naman siyang importante. "Kailangan na nating makabalik sa mansiyon! Bilis!"

At yun na, hinila na niya ako ulit. Tumakbo siya kaya napatakbo na rin ako. Napatingin naman ako sa langit ng wala sa oras, at dun ko napansin na bilog ang buwan ngayon. Mas lalo tuloy akong kinilabutan dahil dun. "Baka hindi tayo umabot! Kailangan nating gawin 'to! Danver, humawak ka sa'kin nang mahigpit! Yakapin mo ako sa likod ko kung kinakailangan!"

Spooky HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon