VII. Ang Sundo

486 26 4
                                    

GUSTO ko sanang isiping nagbibiro lang si Nim dahil hindi naman talaga kapani-paniwala 'yung sinasabi niya kaso naalala ko palang wala na ako sa puntong i-deny ang mga paranormal o supernatural na mga bagay na maaring sabihin ni Nim na nagi-exist pala dahil nai-experience ko na siya mismo. At ngayong nagkita kami, medyo natuwa ako doon (na hindi ko rin maipaliwanag kung bakit dahil ang logical na maramdaman ko ay matakot dahil multo pa rin siya at ang mga kasama niya) at parang nakahinga rin ako nang maluwag. Siguro kasi dahil sa napatunayan kong totoo talaga siya at hindi lang siya produkto ng aking wild imagination.

Pero hindi tulad ko, mukhang hindi natutuwa sa aming muling pagkikita itong si Nim. Bukod sa nagsisisigaw siya ay parang gusto niya pa akong ipagtabuyan mula rito sa mansiyon niya. "At sino naman yung nilalang na yun?" tanong ko sa kanya. May tinutukoy kasi siyang isang nilalang daw na nangunguha ng mga kaluluwang-ligaw na tulad ko.

"Tinatawag namin siyang 'Sundo.' Dahil kadalasan ang mga nahuhuli niyang mga kaluluwa ay mga kaluluwa ng mga namatay na. Kinukuha niya ang mga ito at dinadala sa kung saan."

"Wait, parang si Kamatayan?"

Umiling si Nim. "Hindi pero magkatulad sila ng konsepto, Danver. At hindi talaga siya sundo dahil hindi naman siya nanunundo ng mga kaluluwa. Kinukuha niya ang mga ito at ginagawa niyang koleksyon."

"Koleksyon? In what logic does that make sense?" naguguluhan nang tanong ko kay Nim. "May ganoon ba talaga?"

Sinamaan niya na ako ng tingin. "Basta, Danver! Umalis ka na lang kasi rito! Wag ka nang magtanong pa!"

"Sige, pero babalik ako dito sa susunod," saad ko naman dahil actually, I kind of find this experience very exciting. Ang lakas makabigay sa akin ng adrenaline sa katawan ko, kahit na isa lang akong kaluluwa ngayon.

"Hindi magandang ideya na bumalik ka pa rito bilang isang kaluluwa, Danver. Makinig ka na lang sa akin. Wag ka na munang bumalik dito, kung gusto mo pang mabuhay nang matagal."

"Pero paano 'yung pangako ko sa 'yo? Di ba gusto mong sumanib sa katawan ko?"

Bahagyang lumambot 'yung expression ng mukha ni Nim doon sa tinuran ko. Pero halata pa ring may kinakatakutan pa siya. "Salamat, Danver. Pero mukhang hindi ko pa magagawa yun ngayon---" Ngunit hindi na niya natapos pa kung ano 'yung sinasabi niya. Para siyang naestatwa at nakatitig siya sa may bandang likod ko. At alam ko ng may kakaiba doon. "D-DANVER...TAK-TAKBO!"

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko 'yung pamilyar ngunit nakakakilabot na nilalang na tinutukoy ni Nim. At pamilyar siya sa akin dahil nakita ko na siya dati. In fact, hindi ko makakalimutan ang itsura niya. O ang 'anyo' niya for that matter.

Siya lang naman 'yung nilalang na nakakakilabot na dumalaw sa akin habang natutulog ako.

Ito yun!

"Danver, takbo na!" Sumisigaw na naman si Nim kaya napatakbo na rin ako palayo mula doon sa nilalang. Nagtatakbo ako palabas ng mansyon ni Nim at kinakabahan ako kahit ang totoo ay isa lang naman akong kaluluwa ngayon at walang katawan.

Pero nang nilingon ko 'yung nilalang, hinahabol pala ako nito at malapit na siya sa'kin kaya lalo akong nangilabot. Alam kong katapusan ko na kapag maabutan ako ng nilalang na yun kaya binilisan ko na ang aking pagtakbo. Yun nga lang mabilis talaga itong nakakahindik na nilalang na ito dahil halos nasa likod ko na lang ito. Nakalutang siya sa ere at napansin ko pang may dalawa itong mala-kalansay na mga kamay na iniaabot papunta sa'kin. Gustong-gusto niya talaga akong kunin!

Buti na lang at humangin nang malakas, at natangay ako nito. Sobrang lakas ng hangin kaya alam kong malalayo talaga ako nito mula sa humahabol sa akin na mala-God of Death ang itsura. Madilim ang gabi kaya wala akong maaninag habang patuloy akong tinatangay ng malakas na hangin. Buti na lang at kaya na nga pala akong matangay ng hangin. Naalala ko pa nga nung sinundo ako ni Nim mula sa bahay, sumakay pa kami nun sa isang malakas na ihip ng hangin. Bumilib pa nga ako sa kanya noon dahil hindi tulad niya, wala akong control ngayon kung saan ako dadalhin ng hangin. Hindi tulad nung kami ni Nim na parang alam niyang maniobrahin ang sarili niya sa hangin at kaya niya pang mag-landing sa lupa kung kailan niya gusto.

Spooky HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon