Louis' POV
Woah! Bakit ba ang hirap mag move on! Oo tama ang narinig nyo, MOVE ON, agghhrr!! Oh by the way I'm Louisabel Scott oh dba taray ng name ko pang americana, I'm 17 years old, matangkad ako, matalino ako, mabait naman ako sa mga taong mabait din sa akin, morena, maganda, balingkinitan ang katawan at marami pang magagandang salita na maaaring idescribe ang aking perpektong katauhan, hahaha just kidoyng. Andito ako ngayon sa mall nagpapalamig lang ako, kaso medyo nagutom ako kasi kanina pa ako naglalakad dito. Buti na lang pala malapit na ako sa Starbucks kaya ayun naghanap na ako ng mauupuan ko, then nagorder ako then habang papunta ako sa mesa kung saan ako nakaupo ehh may nabunggo ako.
"What the F! Bakit hindi ka ba tumitingin sa di-na-da-a-nan m-o" mabagal at pababa yung boses ko habang habang nakatingin ako dun sa lalaking nakabungguan ko. Ehh kasi naman sa dinami dami pa nang mga lalaking makakabungguan ko ehh siya pa, hay! Buhay nga naman eh noh? Minsan mapagbiro din ehh noh? Nakakainis!
"Isa nanamang tanga! Tsk!" Ang sakit naman magsalita. Sige na porke crush kita ginaganyan mo ako.
"Sorry na. It's my fault na. Excuse me!" Sabi sabay tulak sakanya palayo. Nakakainis naman siya akala mo kung sino. Siya si Therence Patrick Rutherford gwapo, matalino, sikat din siya kasi may boy group siya ay este bad boy group, mayaman at ayun crush ko nga siya. Ewan ko ba kung bakit sakanya pa ako nagkagusto eh alam ko namang hindi niya ako magugustuhan at sumakay na sa kotse ko. Hay! Buti na lang d ako hinabul kainis!
Papunta ako sa bahay ng best friend ko na si Lourence Thompson, oo panglalaki nga yung pangalan niya pero babae yan mga loka, you can call her Rence for short. Bata pa lang kami magkakilala na kami kaya ayun maging magbest friends kami hangang ngayon. Ay d ko namalayan na nandito na pala ako sa bahay nila.
"Bro, anyare sayo?" Yan yung tanong na sumalubong sa akin hay naku.
"Ok lang ako bro. May asungot lang akong nakita sa mall eh, lalo tuloy akong hindi makamove on. Naku!" yan na lang nasabi ko sa kanya. Totoo naman ahh, asungot naman talaga yun ah asungot sa buhay ko! Leche siya! Hindi tuloy ako nagkagusto sa ibang nanliligaw sa akin.
"Ahh nakita mo si.." Hindi na niya natuloy yung sinasabi niya kasi tinakpan ko yung bibig niya ng kamay ko hahaha, ang kyot niya kapag naiinis siya hahaha!
"Oops! Ayokong nang marinig yung pangalan niya, kaya never mo na yung sasabihin ah. Lalo akong mahihirapan eh." sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa kwarto ko.
Nagdive ako sa kama ko, wala kang paki alam, ang lambot kaya nito noh? Walang nagbabago kay Therence. Gwapo parin siya, cool parin yung mga damit niya, tapos yung hasky voice niya. Woahhhhhh!!! Crush ko pa din siya, oo dati mahal ko siya, pero simula nung iwan niya ako parang may pagtingin parin ako sa kanya. Si Rence yung best friend ko, classmate nya yung si Therence. Si Rence yung magkakilala sa akin Kay Therence tapos yung ako yung nagsusundo pa lagi kay Rence, so lagi ko siyang nakikita, hmm actually hindi ko siya naging boyfriend eh, hihihihi. Sadyang feeler lang talaga ako, crush ko siya 2 years na hangang ngayon, oo crush ko parin siya. Ang gwapo kaya niya tapos ang talino pa tapos maganda pa yung bo-
"Bro, magbihis ka may pupuntahan tayo. Dali!" Akala ko naman emergency yun lang pala eh nagde daydream pa ako eh. Hay naku! Rence talaga.
"Ok cge, labas ka na. Magbibihis na ako, bababa na lang ako." Tsaka ko siya tinulak palabas ng kwarto ko tapos sinarado ko yung pintuan. Siguradu kapag hindi ko pa yun pinalabas, ayy madami pang sasabihin yun. Kaya ayun naligo ulit ako binilisan ko lang baka masigawan nanaman ako nun ehh. Nagsuot ako ng riped jeans then croptop na white na may no. 10 na nakasulat na kulay black tsaka ako nagairmax na kulay gray na may kulay orange na may kulay white, ohh diba bongga diniscribe ko yung suot ko. Bumaba na ako, nakita ko naman si Rence pero hindi siya nagiisa may kasama siya sino kaya yun?
"Hi bro, tara na? Sino yung kasama mo? Sasama ba siya sa atin?" Tanong ko sa kanya habang tinuturo ko yung lalaking kasama niya.
" Yes bro, sasama siya. Actually siya yung nagsabi na aalis tayo ehh. Opss by the way Louis this is Clark Mendez, Clark thi-" hindi na natuloy ni Rence yung sinasabi niya kasi tinulak siya ni Clark tapos nakikipagshake hands siya sa akin. Hmm I smell something fishy.
" Hi Louis, I'm Clark Mendez But you can call me Clark" sabi niya sa akin.
"I don't talk to strangers!" Sabi ko sa kanya tapos tinulak ko siya pero hindi naman gaanong malakas. Konti lang hahaha, hindi pa ako nakakalayo may binulong si Clark kay Rence.
"Anyare doon sa kaibigan mo?" tanong niya kay Rence.
"Kasi yung gusto niya hindi siya gusto!" Sagot naman ni Rence, aba! Gagu tong Rence na toh ah. Gusto atang makatikim neto.
"Sino b-" hindi na niya natuloy kasi nagulat sila sa sigaw ko.
"Hoy! Kayong dalawa! Anong pinaguusapan niyo ha?! At ikaw Rence, would you please shut up?!" Huh?! Kala mo Rence hindi kita e englishin no huh! Nagkakamali ka!
"Sige na nga. Tara na alis na tayo" sabi naman ni Rence. Mabuti na lang at sumunod ka agad sa akin. Good gurl.
On the way na kami papuntang Marqee Mall. Dun daw kami pupunta kasi may pupuntahan daw si Clark na friend niya tatanungin niya daw kung gusto niya sumama tapos pupunta na kami sa SM kasi magii Sky Ranch daw kami. Hinihintay namin sila kami kasi ni Rence nandito lang sa medyo malayo sa kanila. Tapos may binulong sa akin si Rence
"Hmm, Louis? Hmm.. Ano kasi.." Ano kayang sasabihin netong babaitang toh?
"Ano?"
"Yung kasing friend niya." Sino kaya?
"Kilala mo?"
"Oo ehh" hay naku pinapahaba pa ehh.
"Sino b-" d ko na natuloy yung sasabihin ko kasi nakita ko mula sa likod ni Rence si Clark na kasama si Therence yung yung yung cr-crush ko for 2 years actually meron pa silang isang classmate naging crush ko din kaso siya talaga yung nagtagal Kong crush ehh. Nakakainis naman, bat siya pa? Aaaggghhhrrr!!!
***
Author's Note
Hi guys! Pls support my first story.
Sana bumenta sa inyo first story ko toh kaya medyo. Ayun you know na.
Plss support me guys.
BINABASA MO ANG
Mr. Bipolar Meets Ms. Lover
Teen FictionAng kwento ng isang babae na nagkagusto sa isang lalaki na alam niyang hindi kaylan man magkakagusto sa kanya. Napakadaming umaaligid na babae Kay Therence. Paano kung isang araw nawala ang mga ala alang bumubuo sa katauhan ni Louis? Paano na ang pa...