Louis' POV
"Hmm, Louis ito nga pala si Therence. Friend ko." Oo kilala ko siya! Crush ko yan ehh. Ngayon feel na feel ko na namumula yung pisngi ko ehh. Kainis naman ehh.
"Oo kilala ko siya Clark. Lagi siyang pumupunta sa school namin para sunduin si Rence, tapos kilala niya rin sila Ylaenna, Benj, Mariela at Allan." Sabi niya. Ihhh ang gwapo niya! Shete! Pwede na bang mahimatay?!
"Ahh oo Clark, kilala ko na siya Therence Patrick Rutherford, Pat for short." Sabi ko, kasi Pat yung tawag ko sa kanya ehh. Tapos naiinis siya hahaha! Lalo siyang kumu cute eh hahahhaa!! Kakilig naman!
"I said don't call me with my second name!" Ang cute niyaaa!! Perl cold parin siya sa akin. Simula naman nung nakilala niya ako cold siya sa akin ehh. Pero hayaan mo na yun. Kyaaaaa!!!"wait Clark kasama ko nga pala sila Ylaenna, Benj, Allan and Mariela. Pwede ba silang sumama sa atin?" Tanong niya.
"Pwede!" Sabi ko ay mali sigaw ko pala. Ewan ko pero ang pogi parin ni Benj ehh. Sakto naman na papunta sila kung nasaan kami. Actually ito yung first malling namin nila Ylaenna, Benj, Allan, Mariela, Rence at Pat eh, ang kaso kasama si Clark panira ng BFF Squad.
"Hi" sabi ko sa kanila. Emeged ang gwapo ni Benj! Shete!
"Hi Louis!" Bati naman sa akin ni Benj. HUWAT!? SI BENJ?! Binati ako?! Emeged. Silang lahat nag "hi" na sa akin at sasakay na kami sa kotse ni Clark. Kaso may problema.
"Hmm, Louis pwede bang kayo na lang tatlo nila Therence at Benj sa kotse ni Therence? Kasi puno na yung kotse ko ehh, hayaan mo sa sky ranch lang tayo pupunta. Pwede ba?" tanong ni Clark sa akin. Ano ba yan?! Tinatanong pa ba yan, ha?! Syempre pwedeng pwede!
" Ok lang sige" bored kong sagot sa kanya. Pero deep inside ang saya saya ko talaga.
Sumakay na ako sa kotse ni Pat kasama si Benj. Nakakabingi na dahil sa sobrang katahimikan, bigla namang magsalita si Benj.
"Therence sasakay ka sa super Viking? Balita kasi yun yung extreme ride sa sky ranch eh." Sabi ni Benj kay Pat.
"Of course" sagot ni Pat . Ay grabe hindi man lang ako tinanong. Kainis!
Nakasandal lang ako sa likod. Nakakaboring kac walang nakikipagclose usap sa akin.
"Ikaw Louis sasakay ka?" Tanong sa akin ni Benj. Ay salamat. Sa wakas. May kumausap na sa akin.
"Oo" boring na sagot ko.
"Andito na tayo guys!" sabi ni Pat, para siyang bata hahahaha ang kyot. Pumunta agad kami doon sa pinagbibilhan ng tickets. Una daw naming sasakyan yung super Viking, ewan ko pero hindi ako kinakabahan ngayon eh. Nung first time Kong sumakay doon as in super yung sigaw ko pero ngayon let's see hahaha! Bibili na kami pero tinanong muna kami kung may hika kami or may sakit kami sa puso or what, sasabihin ko sana na may sakit ako sa puso eh. Hahaha charot!
"Miss magkano po yung ticket sa super Viking?" tanong ko dun sa counter.
"150 pesos po ma'am. Ilan po ang bibilhin niyo?"
"8 po na tickets" ako nagbayad tapos ililibri na lang daw nila ako sa ibang rides kaya pumayag na ako. Yung mga boys sumakay sa pinakadulo tapos kami namang mga girls nasa gitna. So ayun umandar na, kami lang yung nakasakay.
"Waaaahhhhhhh!!!!!!" Sigaw nila Ylaenna, Rence, Mariela lalung lalo na si Benj kung makatili parang babae, mas malakas pa yung tili niya kesa sa mga kasama niyang babae.
"Louis! Paano mo nagagawa yan!?" Tanong sa akin ni Ylaenna habang sumisigaw, kasi naman ninanamnam ko yung hanging habang nakatingin ako sa langit. Ang nasa isip ko lang si Pat si Pat si Pat si Pat, paulit ulit na lang kaya hindi ko feel yung rides na yun, Ewan ko ang layo na niya sa akin yung boses niya parin yung naririnig ko. Tapos hindi ko namalayan na tapos na pala, kaya bumaba na kami tapos si Ylaenna nagsuka kaya hindi na siya sumakay sa ibang rides.
"Tara drop tower" yaya ko sa kanila. Pumayag sila pero si Allan, Clark at Ylaenna ay hindi sumakay kaya kaming 5 lang yung sumakay. Nasa gitna ako nila Rence at Mariela then nung pataas na ang tahimik nung bumaba na.
"Waaaahhhhhhh!!!!" Sabay sabay sila, tapos si Benj naman.
"Mommy sorry sa lahat ng kasalanan ko!! Mommy!!!" Waaahhaaaa! Grabe siya, natatawa ako dahil sa kanya eh.
Tapos tumigil sa baba akala ko tapos na yun pala pinapababa lang yung mga may ayaw ng sumakay. Tapos bumaba si Rence ayaw na daw niya baka matulad daw siya kay Ylaenna kaya pinalipat sila Benj at Pat doon kung nasaan kami. So bale ganito yung pwesto namin si Benj, ako, Mariela then si Pat. Bago tumaas timawag ako ni Pat.
"Benj dapat walang sisigaw ah. Ang sumigaw pangit." Sabi niya pero alam ko namang kahit sumigaw ako eh maganda parin ako.
"Pat kahit sumigaw ako maganda parin ako." pang iinis ko sa kanya, tapos nagpout siya hahahaha kyot.
Nung tumaas na as usual sumisigaw nanaman sila ako minsan lang, tapos nung tapos na yung drop tower nagspace shuttle kami grabe pala tong si Benj akala mo siga tapos space shuttle lang konti na lang lilitaw na yung ngalangala eh pati yata intenlstins niya lilitaw na. Hahahaha sakanya ako napapatingin imbis na kay Pat, hay naku! Nung tapos na gusto kong magloop coaster.
"Tara Rence loop coaster tayo" yaya ko kay Rence.
"Ayaw ko natatakot ako eh, ikaw na lang" sabi niya kahit anong pilit ko talagang ayaw niya eh.
"Tara Louis loop coaster tayo" ata sa akin ni Pat, gustong gusto ko kaso nahihiya ako kasi baka mayakap ko siya kapag natako ako eh, nakakahiya naman.
"Ihh si Rence ayaw niya eh" sabi ko naman.
"Tayo na lang dalawa uy cge na." Pagpipilit niya sa akin, ihh ang cute niya.
"Pilitin mo muna ako" pang iinis ko sa kanya hahaha. Hinawakan niya yung braso ko tapos sabi niya.
"Plssss Louis, plsss" nagpuppy eyes pa siya. Ihh ang cute niya kaya.
"Sige na nga"
"Boom!" Ang saya saya niya hahaha tapos tumingin siya Kay Benj ng seryoso then nag grin smile siya.
Nakapila na kami para sa makasakay sa loop coaster, nasa gitna kaming dalawa.
"Kinakabahan ka ba?" Tanong niya sa akin.
"Medyo" totoo naman ah, tapos umandar na. Woohoo!! Nakaka kaba naman.
"Waaaaaaaaahhhhhhhhhh!!! " sigaw ko ng napaka lakas. Sa sobrang takot ko naiiyak na ako. "Ayoko na!!!!" Sigaw ko ng napaka lakas. Tapos may biglang humawak sa kamay ko, nung tinignan ko, si Pat pala tapos tinaas niya yung kamay naming dalawa.
"Woohooo!!" Sigaw niya na para bang nageenjoy siya. Kaya nakalimutan kong natatakot ako.
"Woohooo!!" Sigaw ko din pero hindi tulad nung kanina na natatakot ako yung sigaw na nageenjoy ako. Yung feeling na magkahawak kayo ng crush mo tapos nageenjoy kayo. Nakaka kilig. Hindi ko nga namalayan na nasa baba na kami ni Pat eh.
"Louis bat ka namumula?" Tanong sa akin ni Benj. Napangiti na lang ako yung ngiting ewan yung parang papilit.
"Pat ang saya pala non noh? Ulitin natin." Sabi ko sakanya pero inirapan niya lang ako. Ano ba yan may pagka bipolar naman tong lalaking toh.
Pagkatapos nun sumakay pa kami sa pampanga eye tapos nun nagsiuwian na kami.
Nagdive agad ako sa kama ko. Tapos may nakita akong sulat na nasa unan ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Bipolar Meets Ms. Lover
JugendliteraturAng kwento ng isang babae na nagkagusto sa isang lalaki na alam niyang hindi kaylan man magkakagusto sa kanya. Napakadaming umaaligid na babae Kay Therence. Paano kung isang araw nawala ang mga ala alang bumubuo sa katauhan ni Louis? Paano na ang pa...