"GOOD morning, Zaldy, ma beybeh!" Masiglang bati ni Steffi sa kanilang kagalang-galang at ubod, sagad in major-major pak na pak na wave sa five-by-five picture ni Zaldy Imperial, St. Archangel High School's Principal, kung saan si Steffi nagtuturo at kumakayod para sa kinabukasan ng bayan!
Huh! Mabuhay ang mga indio! Mabuhay ang mga erehe at filibustero! Rawr!
"Hoy, Ystephanie Yslas! Dumale ka na naman diyan. Kararating mo lang imbes na lesson plan ang atupagin mo, inuna mo pa iyang pakikipaglandian diyan sa picture na iyan." Saway sa kanya ni Jelly, her best friend at dakilang pakialamera sa pagmamahalan nila ni Zaldy.
Aware din ang buong English Faculty kung gaano kapatay na patay si Steffi sa kanilang kapita-pitagang Principal.
"Alam na ba niyang boyfriend mo siya?"
"Hindi pa," sabi niya kay Jelly. "Pero one of these days, mare-realize din niyang may forever sa aming dalawa." Aniya habang nangangarap nang gising ang kanyang mga mata.
"Huwag ka nang umasa pa, Steffi." Si Jihan na kapapasok lang sa loob ng kanilang faculty. Dumiretso agad ang binata sa kanyang table at walang sabi-sabing inagaw nito ang picture ng kanyang sinisinta! "Hindi ikaw ang type ni Mr. Imperial. Type niya ay maganda, sexy, at matangkad hindi midgets."
Ngali-ngaling tarakan ni Steffi ng ballpen ang ngalangala nito! Sinisira na naman ni Jihan ang araw niya!
"Maghanap ka ng kausap mo." Sabay agaw niya sa picture ng future husband niya. Pero naagaw rin ni Jihan iyon sa kanya.
"Tsk! Tsk! Tsk!" Iiling-iling na tinitigan ni Jihan ang picture ng kanilang Principal. "Ano ba'ng nagustuhan mo rito sa Principal natin? 'Di hamak na mas guwapo at mas may appeal naman ako kaysa sa kanya." Sabay baling nito kay Jelly. "'Di ba, Jelly?"
"Of course, Jihan! Kahit ilan pang Mr. Imperial ang itambak sa harap ko, ikaw pa rin ang stand out!"
"And you're the most beautiful bestie ni Steffi."
"Hoy, tama na iyang utuan ninyo riyan. Malapit nang mag-time kaya mag-ayos-ayos na kayo. Akin na 'yan." Tukoy niya sa picture na hawak-hawak pa rin ni Jihan.
"You know what Steffi? Tigilan mo na ang kabaliwan mo sa Principal natin. He will regard you as a teacher. Sasayangin mo lang ang oras mo sa taong hindi ka naman pinag-aaksayahan ng pansin."
"So? Panahon ko lang naman ang masasayang hindi panahon mo. Akina iyan."
"At balita ko may girlfriend na siya."
Hinablot nga niya rito ang picture nang hindi nito ibinalik sa kanya at hindi pinansin ang huling sinabi sa kanya ni Jihan. Pero ang impakto! Push na push pa rin ang kadaldalan! Iyong tataa?!
"She's Janeth Frando. Filipino teacher." Dagdag pa imporma pa nito sa kanya.
"Heh! Chismis lang iyon! Inggit ka lang kay Mr. Imperial kasi mas stand out ang kaguwapuhan niya kaya kung ano-ano na lang ang pinagsasasabi mo para masira ang image niya."
"Ako? Maiinggit kay Mr. Imperial?" He laughed. "Come on, Steffi. I don't have any single jealous bone in my body. Wala akong dapat kainggitan dahil kung charm lang din ang pag-uusapan, mas charming ako sa kanya. Posisyon lang naman ang kinaguwapo niya sa akin."
But the way he said those was opposite to what his eyes expressing. She could not identify those feelings in his eyes. But she felt a bit of irritation in his voice.
"Charming, ha? Kaya pala mas sikat siya sa buong school kaysa sa 'yo."
"Sikat din ako rito sa school at mas marami akong fans club kaysa sa kanya. As I remember, ilang kababaihan din ang sumalubong sa akin kanina dala ang mga karatola nila how much they adore me—"
BINABASA MO ANG
Cupid's Gift
Short StoryCupid's Gift (Short Story) Date Completed: March 05, 2016 All Rights Reserved 2016 Book Cover: Canva