"hoy Gab! nananaginip ka nanaman ng gising. sino nanaman bang iniisip mo ha? yung ex boylet mong iniwan ka sa ere? hello! 2 years na kaya ung nakakalipas! move on na bes! yang looks mo nga nagmove on na, kaya ikaw rin dapat!" sabi niya sakin sabay tawa.
"hoy ikaw tigilan mo ko ha! baklang to, ikaw lang naman may gustong mag-move on tong hitsura ko eh!" hirit ko naman sakanya.
siya nga pala si Trixie Guillen, bestfriend ko since grade 3. magkasama kami ngayon kasi date-day namin to. lumalabas kami every Saturday, may boyfriend naman siya, ewan ko lang bat ako ang gusto niyang kasama tuwing sabado eh. haha
"pasalamat ka nalang kaya sakin at naging ganyan ka! jusko! ang ganda ganda mo non pero yang bangs mo grabe maka Betty LaFea. ahy hindi pala, tinalo mo pa siya sa bangs niya!HAHAHAHA" pasalamat to mahal ko to eh! makapanlait eh wagas! haha
"okay! salamat ha? haha" pero tama nga naman siya. kung di dahil sakanya di magbabago hitsura ko ng ganto.
"pero maiba ako bestfriend ha, siya nanaman ba iniisip mo kanina?" seryosong tanong niya.
hindi ko pwedeng sabihing oo, kasi masesermunan nanaman niya ako. haha
"hindi no! iniisip ko lang ung boss ko, ang gwapo niya kasi!" pagsisinungaling ko.
ahy. gwapo naman talaga ung boss ko. kaso ang sungit eh. kung makapagbigay ng paperworks akala mo secretary niya ako. hello! civil engineer kaya ako! kaso siyempre di pwede magreklamo. pati first job ko palang kasi to. haha
"ahhh. si sir Loren MO? gaga ka pala eh! crush ka nun! haha"
"abnormal ka ba? kita mong pinaparusahan niya ko sa bawat araw na ginawa ng diyos eh! palibhasa magkasing apelyido sila nung kumag kong ex eh!"
Loren Matteo San Juan. yan ung pangalan ng boss ko. Renzo Mickael San Juan naman ung sa ex ko. ewan ko kung magkamag anak sila. wala naman kasing nabanggit na kapatid ung ex ko eh, tatlong taon din kami nun pero ang sabi niya sakin mag isang anak lang siya. kaya ewan ko lang.
"teka nga bakla, natry mo na bang itanong sa boss mo kung kilala niya yung ex mo?" tanong niya sakin, akala ko nagbibiro siya pero seryoso pala.
"seryoso nga ako." may pagkamaligno talaga tong bestfriend ko.
"hindi ako psychic at wala din akong super powers. tignan mo kaya hitsura mo sa salamin at nang malaman mo kung bat ko alam nasa isip mo." sabi nia habang tumatawa.
"bat ko naman itatanong? ikaw na nga nagsabing 2 years ago na ang nakakalipas diba? abnoy ka talaga! haha" kunwari di affected pero deep inside gusto ko talagang itanong.
"sabagay. sige wag na. medyo magkahawig sila, pero wala namang kapatid yung si Renzo eh. hayaan mo na nga. haha."
naglibot libot at kumain pa kami sa mall bago napagod ang mga paa namin.
"bestfriend, uwi nako. ingat ka sa pagdrive mo ha? love you bes! see you next week!" paalam niya sakin.
"ingat ka rin sa pagdrive bes! see you! love you!"
at nagbeso kami.
pagdating ko sa bahay,
hindi ko maiwasang isipin kung nasan na nga ba siya ngayon. actually hindi naman niya ako bastang iniwan, nagpaalam siya sakin. maayos ang naging pagpapaalam namin sa isa't isa. masyado lang talaga akong nasaktan kasi siya ung first boyfriend ko. two years na. two years na ang nakakalipas pero hindi pa rin ako nakakapa move on sakanya.
*bzzzzt bzzzzt bzzzzt
ahy nagvavibrate phone ko. may tumatawag , international number.
"hello? sino po to?" wala naman kasi akong kilala sa ibang bansa eh, kaya agarang tanong na.
"i miss you, baby. i'm coming home."
![](https://img.wattpad.com/cover/61440766-288-k282440.jpg)
BINABASA MO ANG
Hopeless No More
Teen FictionGab, a shy-type girl, who was left by her boyfriend, changed herself to become like her bestfriend. She did not change to have a better love life, but she did to have a better life.... ...or did she?