"Gab, let's meet up."
Gab? matagal tagal na rin yung huling pagtawag niya sakin sa nickname ko. lagi kasing lovey, babe, baby o loves eh. basta kung anong matripan niya. seryoso siguro siya ngayon.
"uhm. okay. where and what time? you seem so serious baby."
sabi ko nang may halong kaba.
"let's talk later. i love you. don't you ever forget that."
May 09, 2014
"HELLO! Earth call to gabriella danielle!" sabi ni Trixie habang winewave yung kamay niya sa harapan ko.
"Ha?! oh, bakit?"
"anong oh bakit ka diyan? bat ba kanina ka pa nakatulala ha?" sabi niya habang sumusubo ng kinakain niyang crispy pata. ewan ko ba sa babaeng to, napakatakaw pero di tumataba.
date day namin to, kaya andito kami ngayon sa Gerry's Grill dito sa SM Rosales para mag lunch.
"bes, kung sakaling magkita pa kami ni Renzo, may pag asa pa kaya kami?" walang atubiling tanong ko sakanya.
"ewan ko sayo. ikaw lang makakasagot niyan. bakit, namimiss mo na ba? haha ang lakas parin talaga ng impact niya sayo no? mahal mo parin ba hanggang ngayon?" sabi niya. mahal ko pa nga ba? hindi na siguro. two years narin naman eh. namimiss ko lang siguro siya.
"hindi na." maikling sagot ko sakanya. para di na siya mangulit. kilala ko tong babaeng to eh. mas mangungulit to pag papahabain ko pa sagot ko, at sasabihin niyang defensive ako. tssk
"okay bes. whatever you say."
naglakad lakad pa kami after namin kumain. kwentuhan at shopping na rin.
*bzzzt bzzt (phone yan. HAHA)
"unknown number. sino naman kaya to?" sabi ko sa isip ko.
"hello? sino po sila?"
"Gaby, ang dad mo to. pwede ba tayong magkita ngayon?"
"ahh--" tumingin ako kay trixie at nagtataka siyang tinitignan din ako.
"-- wait lang po dad-- trix, okay lang ba kung mauna na ako sayo?"
"sure bes! ingat ka sa pupuntahan mo ha? kwento mo nalang sakin yan next time. lovelots!" sabay beso niya sakin. and i mouthed her "thank you bes!" and a flying kiss.
"--hello dad. nasan po ba kayo?"
"dito ako ngayon sa Sm Rosales. puntahan nalang kita. naglunch ka na ba? sabayan mo naman ako, princess."
"tapos na po ako maglunch dad. samahan ko nalang po kayo kumain. san niyo po ba gusto?"
"sa Kuya J nalang, anak. aantayin nalang kita dun. i miss you my princess."
"sige po. see you rin po."
ahy, may nakalimutan ako. hindi ko nga pala alam hitsura niya. i mean, nakalimutan ko na.
"dad, may itatanong po sana ako..."
"ano yun anak?"
"...ano po bang kulay ng shirt niyo? sorry po pero hindi ko po kasi matandaan hitsura niyo eh."
sorry naman daw diba? 3 years old palang ako nung "namatay" siya eh. so wala talaga akong maalala.
"hahaha. oo nga pala, i forgot. i'm sorry my Gaby. i'm wearing a navy blue shirt. andito na nga pala ako sa kuya j. i'll wait for you."
"okay po dad. see you po!"
and we hang up. i'm a little bit scared and super nervous. natatakot ako sa kakahantungan ng pagkikita naming to, at ninenerbyos ako sa magiging explanation niya. kung bat niya kami iniwan ng ganun ganun na lang. ano man ang mangyari, in the end, tatay ko parin siya. siya parin ang dad ko, kaya tatanggapin ko kung ano man ang sasabihin niya.

BINABASA MO ANG
Hopeless No More
Teen FictionGab, a shy-type girl, who was left by her boyfriend, changed herself to become like her bestfriend. She did not change to have a better love life, but she did to have a better life.... ...or did she?