Rated K. Katarantaduhan. True to life. Chos! Itago nalang natin ang bidang si Joshua Entico Aquino ("popapang" sa wattpad) sa pangalang Joshua Aquino. Huehue.
Enjoy reading!
***
"Hoy Joshua! Anong ginagawa mo dyan sa make up kit ko!? Bading ka talaga! Bading! Beki! Baklush!" sigaw sa akin ni Fernan. Oo lalaki sya. May etits. Kung makasabi ng bading kala mo sya hindi. Tse. Panget mo gago. Mukha kang kargador.
"Ulol. Hinahanap ko yung record cards namin. Ikaw leader diba? Nasaan na?" sagot ko. Naabutan nya kasi akong nilalabas yung make up kit nya kasi nga hinahanap ko yung records namin mula sa bag nya.
"Ah ayun ba? Hehe. Ikaw naman masyado kang hot. Chill. Nandito oh." sabay kindat niya sa akin at binigyan pa ako ng malagkit na tingin. Kadiri puta.
"Hoy ikaw tigilan mo nga patitig sa akin. Kadiri ka. Panget!" sabay umalis na ako. Mahirap na at baka magahasa pa ako ng pangit na dugyot na mukhang kargador na haliparot na pangit pangit na yun. *hingal* hooo! Nakakapagod idescribe yung pangit na dugy- ayoko na. Kapagod.
Pagpunta ko sa upuan ko, agad kong hinanap yung record card ko. Lalagyan ko ng score kahit na wala naman akong ginawa. Huehue. #NinjaMoves.
Pagkatapos nun ay pumunta ako sa baba para magcr. Sakto namang nakasalubong ko si Kim Camos, ang pinakamaganda sa aming campus. Haaaay *_* nung mapadaan sya sa harap ko ay inamoy ko siya. Kaso bakit parang.... Parang amoy.. Amoy ewan. Bantot. Jusko. Sana napadaan lang yung amoy na yun at hindi si Kim my loves yun.
Nagcr na ako at bumalik sa room pagkatapos. Naabutan ko naman si Fernan na pangit na dugyot- na sinisinghot ang bag ko. Ano bang natira nito at pati bag ko pinagdidiskitahan?
"Hoy! Ano nanaman bang trip mong ulol ka? Lumayo ka nga dito! Baka masapak ko pa yang kapangit mong mukha na mukhang pinuta! Alis!" singhal ko sa kanya. Umalis naman siya na parang walang nangyari. Kapal ng ano. Bwiset. Malapit na akong makapatay ng bading dito eh!
"Ay bading!" nagulat ako ng biglang may humawak sa balikat ko. Si Mia pala. Ang abnormal kong kaklase. Hehehe.
"Ano? Bading? Ikaw? Anong bading? Bading ka no!? HAHAHAHAHAHAHA!" oh diba abnormal?
"Ewan ko sayo. Teka ano bang kailangan mo?" tanong ko sa kanya.
"Wala. Trip ko lang." sabay irap at umalis na siya sa harap ko. Yung totoo? Nag aadik na ba mga tao ngayon? -_-
Mabilis na lumipas ang oras. Kasing bilis ng pagmomove on ng ex mo sayo. Pangit mo daw kasi. Hahahahaha! Joke.
Namalayan ko nalang na uwian na. Nililigpit ko ang mga gamit ko ng mapansin kong may makaipit na papel na may design na puso sa libro ko ng El Fili.
"Hi Joshua! Ingat sa pag uwi! Mwaaa. -Your secret admirer. <3"
Ano daw!?
Hindi ko na pinansin yung sulat at iniwan ko nalang sa kung saan. Wala akong panahon sa ganyang kalokohan.
Kasalukuyan akong naglalakad palabas ng school namin ng may isang tumatakbong babae ang bumunggo sa akin. Tapos parang.. Yung amoy na yun... Yung mabantot.. Teka? Agad kong tiningnan kung sino yung babae at tama nga ang hinala ko. Si Kim nga. Umiiyak sya.
AT TAMA NGA AKO. AMOY PUTOKCXZS SYA.
Agad ko syang tinulungang tumayo. Syempre kasi natumba sya. Haller?
"Oh Kim? What happened? Bakit ka umiiyak?" tanong ko. Kahit nasusuffocate na ako sa amoy niya. Parang amoy panis na tocino.
"A-ah wa-wala. Ayos lang ako. Salamat." nakangiting tugon nya. Ang ganda talaga nya. Wag mo lang aamuyin.
Pagkatapos ng insidenteng yun ay di ko na muli pang nakita si Kim. Balita ko ay lumipat na siya kasama ang kuya niya sa States. Sayang naman yun. Ganda e
Sakto namang isang araw, habang naglalakad ako pauwi ay nahulog ako sa isang manhole na ginagawa ng manila water. Tangina lang. Nawalan pa ako ng malay pagkahulog ko doon.
Nagising ako na puro puti lang ang nakikita ko. Deds na ba ako? Waaaah. Di pa ko nakakakan- kanta. Pangarap kong magkaroon ng concert no. Dirty ng mind mo ha.
"Ayaaan! Gising na sya!" narinig kong sabi ng mommy ko. Ay putakte. Nalaglag pala ako sa manhole kanina. Nakakahiya. Lecheng buhay.
"Anak? Ayos ka lang ba? Nandito tayo ngayon sa ospital in case na itanong mo. Kaya inuunahan na kita. May masakit ba sayo?" nag aalalang tanong ni mommy. Aba't unahan daw ba ako?
"Ok." yan lang ang sinagot ko. Wala e. Inunahan na nya ako. Imbis na marami akong lines sa story na to e -_-
Sabi ng doktor ayos lang naman daw ako. After magbayad ng hospital bills ay umuwi na kami.
Dumiretso ako sa condo ko. Yes. I'm rich. Gwapo ako. Maraming naghahabol na babae. Pero wala pa akong nagiging girlfriend. Kanina ka pa nagbabasa pero ngayon ko pa lang ipapakilala sarili ko. Aayusin na ni Author ang story at di na nya ako masyado kakawawain tulad ng nasa plano. Medyo nalang. Ginawa na nya akong pogi. Mayaman at habulin. Mabait si author. Tularan natin siya. Pagpalain ka fuke.
So like I said, ayun na nga. Uulitin ko pa ba? Ulol. Di pa ako nagkakagf dahil ayoko. Ewan ko ba. Di ko trip.
Nang makarating ako sa condo ko ay nagbukas kaagad ako ng PC dahil ang boring. Nagpatugtog pa ako ng malakas. Twerk it like Miley by Brandon Beal. Sa sobrang bored ko ay magtwerk ako hanggang malibot ko ang kabuuan ng condo. Magii-split pa sana ako ng biglang may nagmessage sa fb ko.
Sya: "Kuya, palike naman ng Dp ko. With good comment na rin. Thankyou!"
Me: Sure :)
Agad naman akong nagcomment ng pagkalutong lutong na mura. Kala mo naman ang ganda nya sa Dp nya. Kepangit. Mukhang kalyong napaltusan.
Sa inis ko ay binlock ko agad yung famewhore na pangit. Tse.
Napagod ako sa kakatwerk kaya nahiga ako at natulog na.
****
Hi! This story is dedicated to @popapang HAHAHAHA! What will happen next? Abangaaaaan~
Pps. Sorry ang iksi. Baguhan pa lang ako huhuhu. Hahabaan ko na yung next chapter. Thanks!