Kabanata 3

15 2 0
                                    

HINDI ako umiimik habang nasa sasakyan. Tinutungo na namin ang daan pauwi. Nagyaya na agad akong umuwi pagkatapos ng nangyari sa karinderya. Sht lang! Hanggang ngayon pakiramdam ko namumula pa din ang mukha ko.

Ramdam kong pasulyap sulyap sa akin si Lucien kaya naman iniharap ko nalang ang mukha ko sa katabing bintana.

Mabilis akong bumaba sa sasakyan pagkarating namin sa hacienda at tinungo agad ang aking kwarto.

"Althaira!" Sabi ko sa aking pinsan nang sagutin nito ang tawag ko.

"What the hell Olivia?" Mukhang nagising ito sa tawag ko. I check my watch. Alas dos na bakit natutulog pa to?

"Anong oras na nakahimlay ka pa? Anyway, hindi ko kaya." Tuloy tuloy kong sabi. After what happened earlier nalaman ko na hindi ko pala kayang lumapit kay Lucien ng matagal. I don't like the feeling. Yung kinakabahan when I'm near with him.

"What?" Sabi nito habang humihikab.

Mabilis kong ikinwento sa kanya ang nangyari kanina. Pagkatapos ay bigla nalang itong tumawa, "I can't wait to tell this to the girls"

Kumunot ang noo ko, "You're telling this to them?!"

"Of course!" Humalakhak itong muli, "This is the first time you'll be seducing a guy. Anyway back to your story, ano bang problema mo sa nangyari? Para ngang mas nagiging mabilis na ang pagseseduce mo dun because the odds are in your favor." Tumawa na naman ito.

Anong nakain nito? Bakit parang masaya?. "Don't tell me, naiinlove ka na dyan sa lalaki? I thought he's not your type?"

Kinilabutan ako sa narinig. "Of course I am not in love with him"

"Then why are you backing out?" Alam kong nakangiti ito sa kabilang linya.

"You got it wrong Ira." Bumuntong hininga ako. "Okay fine. I'll do this. You got your point. Para ngang nagiging mas madali ito para sakin."

"Alright problem solved. Will you let me sleep again? Napagod ako kagabi" Sabi nito na humihikab na naman.

I just wonder why, "Kelan niyo ko bibisitahin dito?" Tanong ko bago tapusin ang tawag.

I heard her groan, "Kapag wala kaming pasok Olivia. I'll just text you. I'll sleep now. Bye!"

Hindi nako nakasagot pang muli dahil mabilis nitong pinatay ang tawag. Humiga ako bago nag isip. Come to think of it. Mukang hindi na nga ako nahihirapan dito.

Bumangon ako nang makarinig ng katok. Napagbuksan ko si Lucien, "Uuwi nako. Kung may kailangan ka pa just text me. O kaya sabihin mo kay mang Lino."

Tumango lang ako dito. Nang makaalis ito ay naligo ako at bumaba na para kumain. Nakaramdam ako ng lungkot nang makitang puro katulong lang ang nasa loob ng bahay.

Mabilis kong tinapos ang pagkain. Kumuha ako ng isang bote ng wine ni daddy bago tumungo sa garden.

Tahimik ang paligid. This is why I hate provinces. Kapag gabi na masyadong nakabibingi ang katahimikan hindi tulad sa Manila.

Malapit ko ng maubos ang wine na iniinom nang tumunog ang aking phone. Hindi ko na tinignan kung sino ang tumawag and I regretted it the moment I heard his voice on the other line.

"Olivia! Where are you? Pumunta ako sa condo mo, you're not there." Bumuntong hininga ako.

"Stop going there Shyn. And I told you, we're over." Hindi ko na ito pinagsalita at agad na pinatay ang tawag. Biglang sumakit ang ulo ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To Bewitch You (Mondejar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon