Kabanata 2

32 2 0
                                    

NAKAHALUKIPKIP at nakakunot noo kong pinagmamasdan ang papasakay kong ama sa chopper. Of course! How could I forget na pwedeng magchopper papunta dito? Damn! Gusto talaga akong pahirapan ni daddy.

Nakangiti si daddy habang kausap si Lucien. Sumulyap saglit ang lalaki sa akin bago ibinalik ang tingin sa aking ama. Tumaas ang kilay ko.

Naalala ko na naman ang plano namin ng pinsan ko para mabilis akong makaalis dito sa probinsya. Seduce Lucien. Yea right. Kasi sabi ng brainy kong pinsan na si Althaira, madali ko na daw mapakikiusapan si Lucien na sabihin niya kay daddy na pabalikin ako sa Manila kapag naging sobrang malapit na ako dito. The logic is absurd but who cares? I'm fvcking desperate kaya sumang-ayon nalang ako dito.

Maya maya pa'y umaalis na ang chopper. Naiiyak na naman ako dahil sa prustrasyon habang pinagmamasdan ang papalayong chopper. Ayoko talaga dito!

Nakita kong papunta sa direksyon ko si Lucien. Nakataas ang kilay nito nang tuluyang makalapit sa akin. "Magbihis ka na. Pupunta tayo ng University ngayon para sa registration mo."

Huminga ako ng malalim. I need to do this. Kung gusto kong makabalik agad sa Manila, I have to do this. Pinilit kong ngumiti dito, "Okay" yun lang ang sabi ko bago parang mabait na bata na tumalikod dito.

Nakasuot ako ng puting midriff top and high waisted jeans partnered with black boots. Hindi naman ako tanga para itapak muli ang mga mamahalin kong heels sa putikan.

Pagkatapos kong mag-ayos ay naabutan ko si Lucien na nagpupunas ng salamin ng kanyang black hummer. Nakasuot ito ng plain black shirt na yumayakap sa matikas na pangangatawan at jeans na humahakab sa matigas din nitong mga hita. Natigil ito sa pagpupunas nang maramdaman sigurong may nanonood sa kanya.

Itinuloy ko ang paglalakad palapit dito. Pinipigalan ang nag-uumpisa na namang hindi kaaya-ayang kaba sa aking dibdib. Malalim ang pagkakakunot noo nito habang nakatingin sa akin.

"What?" Kunot noo ko ding tanong sa kanya.

"Don't you have more decent clothes? Sa school ang punta natin. Hindi sa mall." Nagbilang ako ng lima para pigilan ang sarili na mainis. Hindi man lang sya naapektuhan sa kasexyhan ko? Kainis.

"This is decent." May pagdidiin sa huling salita na sinagot ko. Tinalikuran ko nalang ito at dumiretso ng upo sa passenger seat. Mabuti nga at hindi ako nagshorts! Damn! Kahit na naiinitan ako nagtiis ako na jeans ang isuot!

Akala ko titigilan na nito ang tungkol sa suot ko pero hindi, "You're showing too much skin on your stomach." Ani nito habang nagsusuot ng seatbelt.

Humalukipkip ako at humarap dito. Nakita ko ang saglit na pagsulyap nito sa aking dibdib bago tumingin sa aking mga mata. Napangiti ako sa nakita.

"Well kasama naman kita kaya wala naman sigurong mangyayaring masama sakin dahil lang sa suot ko, right?" Bago mapang akit na ngumiti.

Kumunot ang noo nito. Siguro naguguluhan sa ipinapakita ko. Hindi ito nagsalita. Ibinaling nalang nito ang tingin sa harapan bago nagsimulang magdrive.

Nakabibingi ang katahimikan habang nasa daan kami papunta ng University. Hindi ko alam kung ano ang bubuksan kong topic dahil mukang ayaw naman nitong makipag usap sa akin.

"So.. Do you have a girlfriend?" Umpisa ko. Masyadong mabilis ang tanong ko pero kailangan kong malaman kung may girlfriend siya dahil kahit sobrang desperada nako hindi ko pa din magagawang makaapak ng relasyon.

Saglit itong sumulyap sa akin, nakataas na naman ang isang kilay bago bumaling ulit sa harapan, "You're now interested huh?"

Naramdaman kong nag-init ang aking pisngi sa sagot nito. Masyado nga ata akong nagtunog na interesado sa kanya. Pero interesado naman talaga akong malaman yung sagot pero hindi sa kanya. Whatever!

To Bewitch You (Mondejar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon