Crystal POV
"Pano kung ikaw talaga ang gusto ko crys?" -Kent
Sinasabi niya yan habang nakatitig sa mga mata ko! Wtf! Ano bang trip niya?! Hindi ako makagalaw dahil sobrang lapit muka niya sakin.
Ilang minuto kaming nagkatitigan tapos bigla siyang tumawa. "HAHAHAHAHAHHAHAHHA" - kent"O.-" -Ako
Biglang tumawa? Anong meron? Taena! Nakakabadtrip ah!
"Ang epic mo crystal. Binibiro kalang uy! HAHAHAHA" sabi niya nang hindi parin pinipigalan ang tawa-.-
"EPAL KA!! SIRAULO KANG NEGRO KA!" Sabi ko sabay hampas sa may braso niya tapos nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang mga kamay ko O.O
"Seryoso na crys. Ikaw..." Sheeet!! Nilalapit niya pa lalo yung muka niya!
"....ikaw talaga ang mahal ko"
The heck ba siya?! Gusto ko siya pero pano.. PANO SI KEITH? DIBA NILILIGAWAN NIYA YUN?! UGH?
"Wala kabang sasabihin crystal?" Sabi niya. Ano gusto niya sabihin ko?-.-
"Ah. HAHAHAHA. Nakakatawa ka talaga Kent!" Baka nagbibiro lang siya. Di naman siguro seryoso yun.
"Seryoso ako-.-" ay taena. Seryoso na. Pano ba to?
"Eh. Edi ok" yan ang nasabi ko dahil hanggang ngayon gulat parin ako sa ginagawa at sinasabi niya ngayon
"Alam kong gusto morin ako crystal. So pwede bang manligaw? Nararamdaman ko may feelings ka sakin. At sure ako sa nararamdaman ko para sayo."
"Ah. Pano si keith?" THE FF!! TOTOO BATONG SINABI KO? Ano ba lumalabas sa bibig ko bat ko nasabi yun?! Aish. Wrong moved!
"Ako bahala. Sasabihin ko sakanya lahat-lahat. Basta payagan mokong ligawan ka or... gusto mo tayo na agad? XD HAHAHAHAHA" O.O
"Lul mo!"
"I love you Crystal Emily Sandoval!"
~~
Three Weeks later
Nandito ako ngayon sa garden ng school namin at hinihintay si Kent. At oo si kent ang hinihintay ko. Two weeks na ang nakalipas nang maging kame, at nalaman korin sa sarili kona gusto ko talaga siya. Ay mali, mahal ko pala siya. Ang bilis noh? Diko rin alam kung bakit sobrang bilis ng mga pangyayari.
Si keith? Hanggang ngayon di parin kame nag-uusap at pati ng mga barkada ko. Tuwing nakikita o lalapitan ako ni keith lumalayo at umiiwas agad ako. Natatakot ako sa sasabihin niya sakin. Hindi pako handa. Alam ko rin naman na kasalanan ko to. Pero tuwing nakikita ko siya o nakikita niya ko ang saya saya niya. Para bang wala akong ginawang kasalanan.
Naiisip ko nga kung sinabi na ni kent yung tungkol samin. Pero nung tinanung ko siya sabi niya nasabi na daw niya kay Keith ang lahat. At sobra daw nagalit sakin si Keith. Sabi pa nga ni Kent iwasan ko muna si keith at pati na ang barkada ko. Nagtataka ako kung bakit kailangan kopa iwasan pero ginawa ko naman.
Tanging si Domi lang ang Nakakausap ko at nilalapitan ko. Nung una nainis siya sakin. Ngayon? Di na siya naiinis sakin, pero hindi naman niya gusto si Kent para sakin. Diko alam kung bakit ayaw niya at sobra siyang naiinis kay Kent.
TAENA ANO ORAS NA?! At wala parin si Kent! Nakakainis na ah! This past few days lagi nalang siya nalalate sa nga lakad namin at nakakapagduda na kasi nung una di naman siya ganito naisip ko tuloy bigla yung sinabi sakin sehun nung kinausap niya ko.
Flashback
"Krystal? Pwede ba tayo mag-usap?" Tanung ni sehun. Tagal ko narin soya hindi na kikita ah.
"Ah. Sige. ano bayung sasabihin mo?"
"Krys. Layuan mona si Kent. Masasaktan kalang. Hindi mopa siya kilala" after niyang sabihan yan umalis na agad siya. Hindi niya manlang hintayin magiging reaksyon ko sa sinabi niya.
End of Flashback
Hindi ko maiwasan na isipin yun kasi kaibigan niya si kent diba? Kung nagsisinungaling lang siya bakit niya naman sisiraan kaibigan niya? Hayst.
ang gulo!Umalis nako sa garden at hinanap nalang si kent. Habang naghahanap ako buti nalang nakasalubong ko si Calvin kateammate ni Kent.
"Calvin nakita moba si Kent?"
"Ah. Si kent ba? Nasa Locker room ng mga players"
"Ah. Sige salamat"
Waaaaah! Makikita kona ang aking prinsipe! Hahaha lol. XD pero bakit hindi siya pumunta sa Garden? Baka nakalimutan niya lang. Oo, Krystal nakalimutan niya lang kasi marami siyang ginagawa. OO TAMA GANUN NGA!
Habang papunta ako sa locker room may naaninag akong dalawang tao na naghahalikan. Shet..
Sana hindi nalang ako pumunta dito. Sana hinantay ko nalang siya. Sana diko nalang to nakikita. Hindi ko mapigilan at tumulo na talaga ang luha ko dahil sa nakikita ko.
Si kent... May Kahalikan na ibang babae at sa tingin ko nag-eenjoy siya...

YOU ARE READING
Avoid The User
Teen FictionThere was a girl named Crystal na gagawin ang lahat para lang mapasaya ang kanyang family at friends. Pano kung may isang lalaki na lalapit sakanya and kakaibiganin siya at hanggang mafall siya? Pano kung nalaman niya na ang lalaki palang yun ay ga...