CRYSTAL POV
6 months na nang nakalipas nung gumala kame ni Kent or friendly date namin o kung anu man tawag dun. Simulan nun lagi na nga kaming magkasama pero 1 week lang ang nagtagal dahil nga sa nangyari ang pinakamasakit at kinatatakutan ko :( waaaah! Lol ang corny.
FLASHBACK
Pagkauwi ko sa bahay humiga ako. Bigla naman nagvibrate yung phone ko kaya kinuha ko sa bulsa ng pantalon ko.
"Crys!" -Kent"Oh? Napachat ka? Parang hindi naman tayo magkasama kanina lang-.-"
"Crys. Pwede bang... Ilakad moko kay Keith?"
Ouch. Wait. Waaaah! Hindi ako pwedeng masaktan dahil una palang alam kong si keith na ang gusto niya at hindi ako! Bakit ba gento?
"Ah. Oo naman! Yieee! Ikaw ah! Sige uumpisahin ko sa monday"
"Sige salamat :) aasahan talaga kita. Buti nalang nakilala kita."
"Hahaha ang corny mo! Sige na matutulog nako! Bye"
"Bye! Goodnight" -Kent
Monday! (A/N: part parin po ito ng flashback)
Nandito kami ni keith at makikipagkita kame kay Kent pero surprise hahaha.
Habang naglalakad kami ni keith niyaya ko siyang pumunta sa garden ng mall kasi dun namin napag-usapan ni kent na dun niya haharanahin si keith. At oo haharanahin niya talaga.Pagkapunta namin sa garden tinakpan ko muna yung mata ni keith gamit ang panyo at pumasok na nang tuluyan sa garden. Tinanggal kona yung takip ng mata niya at nagulat siya nang makita niya si kent na may hawak ng gitara. Ang ganda. Talagang pinaghandaan ni kent to. May red rose na petals na nakakalat tapos may isang table dun na may candle sa gitna. Lahat ng babae pinapangrap yung gento at si keith ang swerte niya bukod sa maganda, matalino at talented pa siya magkakaroon pa siya nang manliligaw na katulad ni kent. Habang pinagmamasdan ko yung paligid napatingin ako kay kent na naggigitara. Actually Tatlo silang naggigitara. Si Kent,Sehun at Kyle. At yung ibang barkada naman ni kent nasa likod nila at tinataas yung banner na nakalagay " I LOVE YOU KEITH"
Pinagmasdan ko nang mabuti si Kent. Ang gwapo niya talaga lalo na kapag nakangiti. Nakakakilig kasi first time ko siyang makitang kumakanta at nag gigitara. At tinignan ko naman si keith nakatingin lang siya kay kent at nakikita mo sakanya na kinikilig siya. Bagay talaga sila.Nasasaktan ako. Oo, nasasaktan kasi yung taong una kong minahal ay mahal ang best friend ko. Napansin kong nakatingin sakin si sehun habang nag gigitara pero hindi ko nalang muna siya pinansin. Tumingin olet ako kay kent, sa kakatitig ko sa kanya hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko. Shet! Hindi pwede dito!
Umalis ako agad! Hindi kona kayang panuorin. Lalo lang akong masasaktan. Pagkaalis ko, dun kona binuhas lahat ng luha na kanina pang gustong lumabas sa mata ko. Nandito ako sa park. Hindi ko nga alam kung bakit napunta ako dito basta takbo lang ako ng takbo. Umupo ko sa may bench at umiyak lang nang umiyak.Nang natapos nakong ibuhos lahat ng luha ko may napansin akong nakatingin sakin pero hindi ko nalang pinansin dahil pagod nako at gusto ko nang umuwi.
Umuwi ako nang maga ang mata at buti nalang hindi yun napansin ng mga tao sa bahay. At pinapangako kona kailangan ko nang pigilan ang nararamdaman ko para kay kent. "
Sa pangakong yan. Hindi ko parin kayang gawin o tuparin. Nakakainis nga eh. Sa loob ng anim na buwan araw araw akong nasasaktan tuwing nakikita ko sila. At oo sila na nga. Nung gabi nayun dun din sinagot ni keith si kent. Ang bilis lahat nang pangyayari. Tinanung nga nila ako kung bakit ako umalis agad sinabi ko nalang na nagtext sakin si mommy. Simula nang araw nayun lagi na silang magkasama at siyempre may time na niyayaya nila ako pero hindi ako sumasama dahil ang sakit na.
Monday nanaman-.- pinakaworst na araw sa lahat. Papunta nako sa school kasabay ko si Alvin kapatid ko. Bwiset lang! Bakit ba kasi lagi kaming maaga ginigising ni mommy? Buti sana kung maaga rin si Domi eh, kaso laging late yung babaeng yun tapos sila Cara pa iba pa ng section :( ako at si Dominador lang kasi ang nasa last section tapos sila Cara,Keith,Jin,Jasmine, at Angel ay nasa Section A naman. Ang sakit man isipin pero puro matatalino kaibigan ko. Matalino naman ako eh sadyang nakakatamad lang gamitin minsan.
Pagkababa namin ni Alvin ng jeep natural pumasok agad sa school. Alangan naman na mag cutting kame diba? Edi baka nabatukan ako ng mga kuya ko. Nang nasa 4th floor nako ng school namin papunta nako sa room namin at nagulat ako nang makita ko si sehun isa sa mga kaibigan ni kent na crush ko dati. Nasa may bandang pintuan ng room namin siya. Papasok na sana ako mg bigla niyang hawakan braso ko at seryosong nakatingin sakin? Waaaah! Bakit siya gento?"Bakit?" -Ako
"Crystal mag-ingat ka?" -Sehun
"Ha? Kilala moko?" -Sabi ko. Hindi naman niya kasi ako pinapansin dati eh. Never ko rin siya naging kaklase dahil since first year nasa last section ako at siya ay nasa first section. Kaya imposibleng kilala niya ko.
"hahahaha oo naman." Natawa ba sa sinabi ko. Pero hindi ko talaga akalain na kilala niya ko^^
"Ahh. Eh. Pwede ba bitawan mona yung braso ko? At ano yung sinasabi mong mag-ingat ako?" Nahihiyang Tanung ko. Nacurios na kasi ako.
Bigla naman sumeryoso muka niya. Grabe nakakakaba naman bakit ba ganyan siya? At lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.
"Mag-ingat ka lagi lalo na sa mga taong ngayon mo lang nakilala. Wag kang magtitiwala basta basta." -Sabi niya
"Ah? Bakit naman? Sino ba tinutukoy mo?"
"Basta. Mag-ingat ka at kung sakaling mahuhulog ka sa kanya sabihan mo lang ako ah? Handa akong saluhin ka para hindi kana masaktan at para mapunta kana sakin. :)" sabi niya sabay kindat at umalis na.
Naiwan akong nakanganga Waaaaaaaah! Bakit siya ganyan? Ang landi kona talaga T_T. Pumasok nako sa loob ng room at siyempre konti lang yung tao dahil 6:15 palang ng umaga at sa section namin walang pumapasok ng gento kaaga maliban lang sakin.
Habang nagbabasa ako ng bago kong biniling pocket book nagulat ako nang biglang may nagtakip ng mata ko."Hulaan mo kung sino to?" Sabi nitong lalaki na nagtakip ng mata ko -.-
"Lul mo. Punyemas hindi nakakatawa ah!" Sabi ko malay ko ba kung sino to. Aba epal pala siya eh tinakpan niya yung kamay ko tapos tatanungin niya ko kung sino siya. Kung hindi pala isang kalahating shunga to eh.
"HULAAN MONA KASI!" Waaaah! Kilala kona hahaha xD
"Psh. Kent ang corny mo kahit kelan-.-" pagkasabi ko niya biglang niyang tinanggal yung kamay niya sa mata ko at hindi nga ako nagkamali-.-
"Pano mo nalaman na ako?" -kent
"Ako pa ba? Bakit kaba nandito? Wala pa siguro si keith noh?" Sabi ko. Bigla naman sumeryoso muka niya.Yung totoo uso ba ngayon maging seryoso?
"Anong klaseng muka yan? Bat ganyan?" Tanung ko. Bipolar kasi kanina ang saya ngayon ang seryoso na."Wala lang namiss lang kita. May tanung ako crystal" sabi niya nang seryoso parin
"Ano yun?"
"Pano kung may isang lalake na sinabi sayo na ang crush is yung best friend mo pero yung totoo pala ikaw pala talaga gusto niya. Ano gagawin mo?" Sabi niya. Pake ko dun.
"Diko alam. Depende"
"Panong depende?"
"Depende kasi kung yung best friend ko gusto yung lalaki tapos yung lalaki na nagkunwari na yung best friend ko yung gusto pero ako pala.. Hahahaha XD.. ARAY!!! KENT NAMAN EH"
"Seryoso kasi!!" Sabi niya pano ba naman binatukan ako nung pagkatawa ko :( huhu my precious head.
"Ok. Sorry. Yun nga, yung lalaking nagpanggap na gusto yung best friend ko pero ako pala tapos nagustuhan na siya ng best friend ko.. Edi magpaparaya ako kahit na kunwari nagkaroon narin ako nang gusto sa lalaki kasi engot yung lalaki eh! HAHAHA" sabi ko. Totoo naman kasi eh. Ang epal ano dalawa kaming magkaibigan? Aba matinde!
"Psh. -.-"
"Bakit ba?" Tanung ko. Pano napasimangot siya na may halong kawawa yung muka pagkatapos kong sagutin yung tanung niya.
"Crys pano kung.."
"Pano kung?"
"Pano kung ikaw talaga gusto ko?" -Kent
Aano daw?!?
![](https://img.wattpad.com/cover/38968157-288-k905301.jpg)
YOU ARE READING
Avoid The User
Teen FictionThere was a girl named Crystal na gagawin ang lahat para lang mapasaya ang kanyang family at friends. Pano kung may isang lalaki na lalapit sakanya and kakaibiganin siya at hanggang mafall siya? Pano kung nalaman niya na ang lalaki palang yun ay ga...