I.
"bulls eye"
Kynegia:
I smirked. May bago ba? syempre I perfectly hit the target everytime.
"are you sure kailangan mo pa ng training?"
I just shrugged. "i think so."
He just laughed saka inayos yung mga weapons na nakapwesto rito sa training grounds.
By the way, he's Taicho Devera. He's 20 but the way he thinks, you'll be confused about his age.
"Taicho." tawag ko sa kanya kasi titig na titig sya sa cellphone nya.
He looked at me. Parang may gustong sabihin. Now I'm curious.
Pumamewang ako. "what is it?"
"It's already 9 in the morning, kanina ka pang 4 nagtetraining." kumurap kurap pa sya na parang gulat na gulat.
I laughed. "Are kidding me? alam mo kung gaano ko kapursigido sa training."
"Do you really hate demons that much? I mean, why are you pushing yourself too much?"
I stared at him coldly. "alam mo yung mga rason ko kung bakit ako nagtetraining."
"pero once na makaalis ka na dito, hindi ka na makakabalik pa. Saka what if sundan ka ng mga demons kapag umalis ka na? Wala sa mga DH ang tutulong sayo kapag nagkataon"
I smirked."kaya nga uubusin ko muna lahi nila bago ko umalis."
"Pero---"
"mahal mo ang DH.at mawawala ito kapag nawala ang demons" I rolled my eyes. Kahit kailan talaga sya.Hindi ko tuloy malaman kung kampi ba sya sa hunters or sa demons.
Yung mga sinabi nya kanina, totoo yon. Nakapag nagquit na ko sa pagiging demon hunter ay wala nang pakialamanan. Kapag nagkita kita kaming mga demon hunters at kapag di na ko kasali sa Demon Hunters Association of Region Kynos o mas kilala bilang D.H.A.R.K na pangalan ng grupo namin, hindi kami pwedeng magusap tungkol sa mga nangyayari sa DHARK.
Saka kapag nagquit ka na, hindi ka na pwedeng mangialam sa mga nagiging gulo na kasangkot ang demons. Or kahit ano pang krimen na magpapaka vigilante ka dahil sa natutunan mo sa loob ng Grupo. Maliban nalang kung kailangan mo ng self defense, baka sakali. Pero kung papatay ka at magpapasikat. Magingat ka.Dahil kung hindi, ipapapatay ka nila.
Kahit mga demon hunters kami, wala rin kaming sina santo kapag tungkol sa mga rules at sa paghahunt ng demonyo.
Dahil kung may mas masahol pa sa pangalang demonyo, yun ang tawag sa mga hinahunt namin.
Yun nga lang, hindi ko alam kung paano makakaalis rito sa dh. Ang kailangan ko lang ay gumawa ng maraming misyon na tatanawin nilang utang na loob para makahingi ako ng kapalit at yun ang pagalis ko, kasi ang alam ko, once you get in, there's no way out. Parang legacy ang pagiging demon hunter at pasa pasa lang ito sa magkakalahi.
Halos lahat kami rito sa demon hunters ay kalahi ang mga pinakaunang batch ng demon hunters noong 1800 pa. Kaya naman masyadong pribado ang grupong ito. May iba't ibang grupo pa ng mga demon hunters. At isa na nga ang region na kinabibilangan ko, ang region kynos. Kynos is a greek word for dog leaders. Kaya obvious naman na nasa pinakamataas akong region.
Kalat kaming mga demon hunters dito sa pinas. Actually meron rin sa ibang bansa. Yun nga lang, hindi pa ko nakakakuha ng misyon na kailangan sa ibang bansa.
Sana magkaron.
Dahil kung marami kaming hunters, tiyak na mas marami ang mga demons. Kaya lang naman sila nanggugulo ay para kainin ang puso ng mga taong punong puno ng galit para maipamukha sa diyos na hindi tayo malinis. Para patunayan sa sarili nila na mas makapangyarihan sila at sila dapat ang naghahari.

BINABASA MO ANG
Demon Hunters
FantasyDalawa lang naman ang lugar na pwede mong puntahan kapag nawala ka na sa earth.Ang impyerno at ang langit. Paniniwala ng karamihan. Ngunit hindi nila alam, maraming taga impyerno ang nakikita na rin rito sa mundo ng mga tao. Does that make this plac...