Simula

1.5K 37 5
                                    

WHEN I'M IN HIGH SCHOOL 2nd Generation ang storyang ito.

Sana suportahan nyo rin sila at basahin :) SALAMAT WITH FEELINGS :)

--

Simula

"Mag-iingat ka d'yan anak ha!" sabi ni Mommy sa video call.

"Oo naman mommy!"

Nagliligpit ako ng mga gamit mula sa maleta na mga dala ko at isa-isang inilalagay sa cabinet dito sa maliit na bahay. Okay na ito sa akin dahil ako lang naman mag-isa ang titira dito at bibisitahin naman ako ng aking Tita na kapatid ni Mama.

Ang Tita ko ang nag asikaso ng matutuluyan ko dahil pinakiusapan siya ni Mommy na maghanap ng matitirhan para sa akin.

Iyong bahay na tinitirhan ko maliit lamang siya. Isang kuwarto, may maliit na kusina, CR at sala. May maliit rin na hardin sa harap. Maayos at malinis naman ang bahay at may mga gamit na.

Somehow I can do things alone pero hindi pa lahat. My parents allow me to go here because they know that I can manage myself, although sometimes I also need them kagaya nalang sa pag-eenroll ko sa school na papasukan ko. My Dad helped me.

I'm Lalein Cassandra Samonte I'm from Canada and I decided to live here in the Philippines from now on. I don't know pero nagsawa ako na naroon sa ibang bansa dahil iba pa rin dito sa pilipinas. I lived there for almost 10 years of my life and I'm 17 now.

Pagkatapos kong kausapin si Mommy sa call. Lumabas muna ako ng bahay para bumili ng makakain. Ini-lock ko ang pinto at gate ng bahay bago tuluyang lumabas. I am wearing a hoodie and shorts.

Wala pa akong pagkain sa bahay dahil nabanggit ko kay Mommy na ako na lamang ang bibili ng mga stocks dahil nakakahiya rin kay Tita Melly kung siya pa ang gagawa no'n.

Magandang lugar ang nahanap ni Tita dahil maraming bilihan hindi kalayuan sa tinutuluyan ko at maraming tindahan. Marami pang tao sa labas ngayong mag aalas osto ng gabi.

Pumasok ako sa loob ng isang kainan at nag order ng pagkain. Bumili na rin ako ng maiinom kagaya ng softdrinks. Pagkatapos ay umalis na ako roon para bumalik na sa bahay.

Habang naglalakad ako biglang may kumalabit sa akin kaya nilingon ko iyong lalaking nasa likod ko. Matangkad siya at hindi ko kaaganong makita ang mukha niya dahil madilim na.

Inalis ko ang hood sa ulo para makita iyong lalaki.

"Sorry akala ko 'yong kapatid ko," sabi niya.

"It's okay," sabi ko at nginitian siya.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad para makauwi na.

Class President's Love Story (When I'm in High School 2nd Generation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon