Chapter 6

129 10 3
                                    

CONCERN

"Susuportahan ka namin. Don't worry," sabi ni Yuan sa tabi ko.

Napansin siguro nya na lumilipad ang isip ko. Kinakabahan kasi ako para sa event na yun!

Nasa may canteen kami ngayon dahil maaga kaming pinalabas ni Ma'am pagkayari nyang mag announce ng tungkol sa Mr. & Ms.

Hindi pa recess ng mga kaibigan ni Yuan kaya kaming tatlo lang nila Vince ang magkasama ngayon. Napansin siguro nila na tahimik ako at nakatulala naiisip ko kasi yung mangyayari sa event na yun. Kinakabahan talaga ako. Sino bang hindi diba? Competition yun.

Saka kinakabahan talaga ako kahit hindi pa naman sigurado na ako nga ang isasali nila dahil pag uusapan pa ng section namin yun kasama ang homeroom teacher namin na si Ma'am Elizabeth.

"Thank you," sabi ko saka nila ni Vince.

Kanina pa nila ako kinakausap pero lutang ang isip ko. Mahina kasi talaga ako pagdating sa atensyon, yung saakin nakatingin. Nahihiya ako!

"Maganda ka naman! Kaya may chance na manalo ka. Kaming bahala sayo. Naka ilang panalo na yung section natin. Kaya mo rin yun," sabi ni Vince bago kumagat sa binili nyang burger.

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi nya. Dahil sa sinabi nya lalo lang akong kinabahan. Ibig sabihin dapat rin akong manalo bukod sa dapat ay enjoyin ko ang pagsali. Dapat ko ring seryosohin dah kaya ka nga sumali o sinali para makipag compete sa iba. Bonus nalang ang enjoy!

"Anyway next week magiging busy ka na. Magpapractice na kayo para sa gaganapin na Mr. & Ms. August," sabi ni Yuan.

Medyo nalilinawan na ako sa kung ano ang mayroon sa school na 'to dahil kay Yuan. Ineexplain nya saakin ang mga hindi ko alam.

"Ikaw rin naman magiging busy. Tutulong kayong mga class president na mag ayos ng event kasama ang mga student council diba?" Sabi ni Vince. Tumango si Yuan.

Marami palang tungkulin ang class president parang nakakapagod naman ang ginagawa nila.

Nag-stay kami ng matagal sa canteen hanggang sa unti unting dumating ang mga kaibigan nila Yuan sa table namin nang magrecess time na.

Maraming tao rito sa canteen tuwing recess time mabuti nalang  malaki ang school na to at may roong dalawang canteen ang school. Isa sa tabi ng gymnasium at iyong isa naman ay itong kinaroroonan namin sa may tabi ng building ng mga grade 7.

Ang table namin ang pinaka maingay dahil sa tawanan namin. Siguro ay sanay na ang mga tindera rito dahil sa madalas silang ganito bago pa nila ako makasama.

Mahilig silang magbiruan. Unti-unti nasasanay na ako akong makisalamuha sa kanila iyong casual na akong nakikipag usap sakanila.

Hindi na kami kumakain nila Yuan at Vince dahil busog parin kami. Iyong mga kaibigan nalang nila ang kumakain ngayon.

"Kuya Yuan, si Arkisha iyong representative sa section namin," sabi ni Jessy sa gitna ng tawanan.

"Oo nga Kuya! Tulungan mo naman akong magsabi kay Mama at Papa na kasali ako," sabi ni Arkisha sa Kuya nya. Tumango si Yuan.

"Yey! Thank you Kuya! Kaya love kita eh!" tuwang tuwa nasabi ni Arkisha. Si Yuan naman ay napailing nalang.

"Ang sweet nyo talagang magkapatid sana ganyan din saakin si Kuya Uno," sabi ni Jessy pagkatapos ay ngumuso. Umiling iling ang Kuya nya na si Uno.

At first di ko alam na magkapatid pala sila. Nabanggit lang ni Vince sa akin kahapon.

"Never," sagot ni Uno.

Class President's Love Story (When I'm in High School 2nd Generation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon