"Okay lang," sabi ko kay Yuan.Nalaman niya kaagad? Sabagay malamang makakarating yon kaagad sakanya dahil class President namin sya at may nakakita rin kanina.
"Nasaan si Uno?" tanong ni Yuan sa mga kaibigan nya.
"Ewan. Hindi daw sya sasabay sabi nya kanina," sabi naman ni Ravi.
"Uy Karina yung kaibigan nyong si Benj nagpunta sa clinic," sabi ng isang babae na lumapit sa table namin.
May kasama siya na isa pang babae. Tumingin kami sakanila ng kausapin nya si Karina. "Nakita namin kanina sinamahan ko kasi tong kaibigan ko sa clinic kaya nakita namin si Benj doon."
"Huh? Anong ginagawa non---" sabi ni Karina pero hindi nya na natapos ang sasabihin nya dahil bigla nalang tumakbo paalis si Yuan.
"Yuan sandali!" sabi naman ni Vince.
Uminom sya saglit ng tubig pag ka tapos ay sinundan si Yuan na lumabas ng canteen.
"Tara na," sabi naman ni Dianne.
Nag alisan kaming lahat sa canteen kahit clueless ako sa mga kilos nila. Sinundan ko sila habang naglalakad. Alam kong papunta kaming clinic para puntahan si Benj. Ano kayang nangyari sakanya?
Anong nangyayari? Bakit parang ang gulo?
Pagdating namin sa clinic naabutan namin si Benj na nakatagilid sa kama. Nakaharap sya kay Yuan at Vince na kinakausap sya.
"So ibig mong sabihin pinipilit ni Uno si Lalein?" rinig namin na tanong ni Yuan kay Benj.
Tumango naman si Benj. Seryoso silang tatlo na nag uusap.
"Alam mo naman mainit ang ulo ni Uno sainyong dalawa ni Yuan. Dapat tinawag mo kami," sabi naman ni Vince.
Ano bang meron sakanilang tatlo bakit parang hindi sila okay? Magkakaibigan naman sila ah?
"Benj anong nangyari?" tanong naman ni Aya.
"Tumama daw yung likod nya sa pako ng puno. Alam nyo na kung bakit," sabi ni Vince sa amin.
Napa-awang labi ko sinabi ni Vince. Pako? Tumama ang likod nya doon.
Magkakasama kaming lahat na nandito sa clinic. Ako, Yuan, Vince, Aya, Benj, Dianne, Karina, Shannie, Jessy, Arkisha, Patrick, Andie, Fritz, Francis, Ravi, Shan and...Sofia.
"Si Kuya Uno na naman no? Napagalitan kasi sya kagabi dahil late na umuwi. Nakainom pa kaya kinuha ni Papa iyong sasakyan na ginagamit niya kaya ayun mainit ang ulo," sabi ni Jessy na kapatid ni Uno.
Napabuntong hininga nalang halos lahat. Ano bang ginagawa ni Uno sa buhay nya?
Napansin ko ang pagtingin ni Yuan saakin na para bang sinusuri nya ako. Hindi ko alam kung ano bang iniisip nya. Nang mapansin nyang nakatingin ako sakanya iniwas na nya ang tingin saakin saka sya tumingin kay Benj na ngayon ay kinakausap na ng mga kaibigan.
Nagstay ang mga kaibigan ni Benj haggang 12:50 pm dahil may pasok na lahat ng ala una ng hapon.
Rules are rules kaya kailangan nilang pumasok dahil bawal ang malate sa klasw. Nagpaiwan muna ako dito sa clinic para makausap ko si Benj.
Pinauna ko na sila Vince pumasok sa classroom baka malate pa sila dahil saakin. Ang sabi ko naman papasok rin naman ako kakausapin ko lang si Benj sandali.
Si Yuan nagpaalam kanina na babalik na sya sa meeting nila dahil nagpaalam lang sya na sandali lamang ang pag alis niya.
"Ano pang ginagawa mo dito? Pumasok kana. Malate ka pa," sabi ni Benj habang nakapikit.
BINABASA MO ANG
Class President's Love Story (When I'm in High School 2nd Generation)
Teen FictionWHEN I'M IN HIGH SCHOOL 2nd Generation