Chapter 4

893 32 2
                                    

THOUGHTS

"Hoy! Uno kay Yuan yan," sabi ni Karina kay Uno na kasalukuyang umiinom ng tubig.

Hindi sya pinansin ni Uno dahil tuloy tuloy lang ito sa pag inom ng tubig habang ako naman ag napanga-nga na lang sa sitwasyon at nakatingin kay Uno na ngayon ay nakaupo na sa harapan ko. Pina usog nya pa si Shannie kanina para lang makaupo katapat ko.

Hindi ako makapaniwala na nandito si Uno na ex-boyfriend ko na kaibigan nila Yuan! Ganoon na ba kaliit ang mundo para magkita kami dito?

Dito sya sa school nag aaral base narin sa suot nyang school ID.

Hindi ko alam na nakabalik na sya dito sa pilipinas alam kong nagbakasyon lang si Uno sa ibang bansa dahil nabanggit nya rin saakin na babalik rin sya dito sa pilipinas dahil dito sya nag aaral.

Hindi ko naman alam na dito sya nag aaral sa school na to. Sa dami ng eskwelahan ay dito pala sya nag aaral at sa daming ng lugar sa pilipinas dito talaga sya sa lugar na to nakatira!

Hindi naman sa bitter ako o ano man. Nagulat lang ako talaga ako dahil kaibigan pala nila si Uno. Nakamove on na ako 3 months na kaming wala ni Uno at ako rin naman ang nakipaghiwalay dahil hindi ko naman sya talaga gusto.

"Welcome back to me," sabi ni Uno saamin at ngumisi.

Napailing nalang ako. Ang yabang talaga.

"Pasalubong namin?" tanong ni Ravi kay Uno. Nakalahad pa ang kamay nya.

"Nasa babay. Pumunta nalang kayo doon kunin nyo," walang buhay na sabi ni Uno.

"Nice man! Thanks," masayang sabi ni Ravi. Nakipag high five pa sya kila Vince.

"Arkisha palit tayong upuan," sabi ni Uno kay Arkisha.

Napakunot naman ang aking noo sa sinabi ni Uno.

Bakit pa sya makikipag palit ng upuan? Makakatabi ko sya?

"Bakit? D'yan ka nalang Kuya Uno," nakangusong sabi ni Arkisha.

Tama yan Arkisha wag kang pumayag.

"Basta. Gusto ko dyan," sabi Uno.

Napakamot nalang ng ulo si Arkisha at tumayo. OMG Uno! Ano bang ginagawa mo?! Umusog ako ng kaunti palayo kay Uno ng maupo sya sa tabi ko.

"Kahit kailan talaga Uno ang yabang mo. Kanino ka ba nagmana? Hindi naman mayabang si Tito Owen ah?" Inis na sabi ni Aya.

Nagkibit balikat lang si Uno at umupo sa tabi ko.

Napigil ang hininga ko nung biglang lumapit si Uno saakin.

"Hindi ko alam na nandito ka pala, Babe." sabi ni Uno saakin at umakbay.

Sinamaan ko sya ng tingin. Sobrang yabang nya talaga! Nakakainis! Yung mata ng mga kasama namin nakasunod sa kamay ni Uno na nasa balikat ko.

"Wag mo akong tawagin nyan," mahinang sabi ko sakanya bago tanggalin yung kamay nya sa balikat ko.

Pagdating talaga kay Uno pumapangit ugali ko. Siya lang ang lalaking nagpalabas ng kasungitan at katarayan ko lalo noong nasa canada.

Class President's Love Story (When I'm in High School 2nd Generation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon