Ikalawang Kabanata

38 1 0
                                    



Mabilis kong sinunod ng pagtawag sa staff na nag-aasikaso ng technical support. Binigay ko ang address at contact ni Adam Vonalegre. I can't help but cursing in myself while thinking that caller. Oo sanay na rin ako sa mga ganoong customer. But there's something in him na ikinaiinis ko pa lalo. Hindi ko lang alam kung ano.

"Miss Bridget..."

Tinanggal ko ang headphone mula sa tenga ko at binalingan ang tumawag.

"Bakit po kuya?" The technical staff called.

Nagkamot ng batok si kuya. "Eh, busy po ba kayo?"

"Oo. Bakit kuya? May problema po ba?" Hinarap at tumayo na ako sa harapan niya. Ano naman kailangan nito? Mahiyain pa naman to kapag kaharap ako.. Tsk. Maliit lang kasi siya kumpara sa akin.

"Yung kanina pong itinawag sa kabila, yung Adam...tinanggihan niya po yung service namin."

Kumunot ang noo ko. "Ano ho?!"

"Oo."

"Kuya, alam niyong hindi puwede yun. Dito nga siya tumawag eh bakit niya naman tatangihan?" Nanlalaki na ang puyat kong mata sa kaniya. Ang bigat-bigat na nga pinapapuwersa pa ni kuya. At saka anong tinggihan? Letse.

"Hindi naman po sa tinanggihan." Tingnan mo to, ang gulo. "Ang sabi niya, kailangang kasama yung tinawagan niya kanina."

Suminghap at umiling ako. "Aba matinde!"

Napa-hehe si kuya. Ay. Hindi niya ba alam na pampadagdag yung tawa niya sa bigat at kirot ng ulo ko? Naman oh.

"Kuya naman!" Nagmamakaawang boses na sabi ko.

"Sige na Ms. Bridget. Sayang po ang oras. Baka tayo pa mapagalitan pag hindi natin ginawa nang maaga. Ang sabi po kasi nang mga nakatataas, may kapit daw yung mga Vonalegre sa may-ari nitong kompanya."

"Saan mo naman nalaman yan?"

"Sa kanila."

Natawa ako saka hinila ang blazer mula sa upuan. Dinala ko na rin ang shoulder bag ko na nabili sa SM saka binalingan si kuya. "Tara na po. Mahirap mawalan ng trabaho." Napapailing-iling na lang ako. Tsismis sa opisina. Ganyan na lang ba talaga?

Inunahan ko siyang maglakad. Dinaanan ko muna sina Irin na kailangan ko munang mag-asikaso ng customer personally. Ewan ko ba at kailangan pang nandoon ako? As if I'm going to solve the wiring. Pero wala eh. I had no choice kaya kesa magreklamo o ano pa man, lakad na kami. My head suddenly throbe when we got out from the building. Dahil na rin siguro sa sikat ng araw. Ugh. My brains doesn't process much kapag ganitong kulang ang tulog ko. Timba-timbang kape at gamot na yata ang nainom ko, wala pa ring talab.

Kasama ang isa pang staff, sumakay na kami sa pick up na pagmamay-ari ng kompanya. That's when I remembered that the address of Adam Vonalegre is near to my building. And to sum it all, silver building...God..napatutop ako ng bibig ng maalala ko na naman ang araw na iyon. That's 5:30. Hinding hindi ko makakalimuttan ang oras na yun. Wait...

"Kuya?"

Nilingon nila akong dalawa. Kumunot din ang noo nang mapansin sigurong hindi maipinta ang mukha ko.

"Bakit po?"

"Ah...w-wala po. Tayo na po."

Habang papalapit sa building na pupuntahan namin, todo sabay naman ang pagkabog ng dibdib ko. Alam ko, hindi ako dapat kabahan. Pero kasi, anong mararamdaman mo kung babalik ka sa lugar na kung saan isa sa dahilan kung bakit ang pait pait ng buhay ko ngayon? HIndi na nga ako makatulog ng maayos, bangag na nga ako, babalik pa ako sa lugar na nagpagulo sakin.

The 5 O'Clock CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon