This is a work of fiction. Any resemblance to any names of specific people, places and events are unitentional.Please don't publish, reproduce, reform, modify, and any illegal copying of this work without any permission. Thank you my beloved reader. :)
*******
"Sure ka na hindi ka sasama?"
Umiling ako sabay hithit nang hawak kong Marlboro. Bumuga ako ng usok.
"Kayo na lang."
Pinag-ekis ko ang braso ko habang hawak ang sigarilyo sa kanang kamay. Ngumisi ako.
"Hmmp. KJ ka talaga kahit kailan Bridget. Tara na nga!" Walk out ang kaibigan kong si Kim. Inilingan ko lang siya. Lagi siyang ganyan. Tss. Ano bang mapapala ko sa bar? Eh gastos lang yan.
"Sana pag-puti ng uwak, makasama ka na ano?" Sarkastiko namang sabi ni Irin. Isa sa malapit na kaibigan ko.
"Nako malapit na yon. Huwag kang mag-alala. Masasayang lang ang oras ko, ipapahinga ko na lang ito. Pano? Una na ako?"
"Hay nako ewan ko sayo. Sige na! Una na kami. Hindi ikaw ang mauuna." Sinamaan niya ako ng tingin. Nginitian ko siya nang tipid. Umayos ako ng tayo mula sa pagkakasandal sa bakal na gate ng Call Center na pinapasukan ko.
Humalik siya bilang pamamaalam. Tinalikuran niya na ako saka naglakad patungo kina Kim na naghihintay na sa kaniya sa kanilang sasakyan. Patungo sila ngayon sa isang bar na madalas nilang puntahan. Sa dalas ding yun ay lagi nila akong niyayaya. Madalas din akong tumatanggi. Gaya nga nang sabi ko. Wala akong panahon sa ganoon.
Masyadong masakit ngayon ang ulo ko lalo na alas tres na ngayon nang madaling araw. Katatapos lang ng shift ko at masyado pa akong mabait para abusuhin ang katawan ko. Sanay na ako pero hindi yung katawan ko ang hindi masanay-sanay. Laging nanghihina. Siguro nga ay ganon talaga kapag ilang buwan pa lang sa ganito. Ang aga ko natuto sa bisyo nang paninigarilyo, eh anong choice ko? Stress reliever ko na rin ito.
Makauwi na nga.
.
.
.
.
.
Hapong hapo akong pabagsak na dapa sa kama ko. Mabuti na lang kinaya ko ang condo unit na to. Salamat sa loan. Amen.
Pumikit ako nang mariin. Hah. Sana kaya ko pang tiisin to. Ilang minuto lang, tuluyan na akong lumubog sa dreamland ko
.
.
.
.
.
.
.
"It's beautiful life..."
Padarag kong kinuha ang cellphone nang marinig ang tunog ng paborito kong soundtrack. Mahal na mahal ko ang kantang to pero bakit ngayon ka pa tumunog?
Fuck. My head hurt from sudden wake kaya lalo akong napamura. Itinapat ko sa aking tenga ang telepono saka malalim na huminga.
"Putragis ka. Wala kang magawa sa buhay mo?" Asik ko sa kabilang linya. Nakadapa pa ako habang nasa loob pa nang kumot.
"Magpapakamatay na ako."
"A-ano?" Takte. Parang nawala bigla ang antok ko. Bigla yata akong nakalunok nang balde baldeng cobra energy drink.
BINABASA MO ANG
The 5 O'Clock Call
Ficción GeneralOne specific time that changed her life. And that's where the story begins..... For my beloved followers and soon to be... thank you sa pagsuporta. Mahal ko kayo!!! ♡♡♡♡♡♡♡