Isang isang tiningnan ni Cel ang walong kasama niya sa conference room. Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala kung paano siya napahinod ng mga magulang niya at ng mga magulang ng mga taong kasama niya ngayon sa kapritso ng mga ito.
''Ate cEL,sino sa amin ang pwedeng maging Vocalista? I think it should be me.My father was Picayz' lead vocalist back then, '' wika ni Jonathan habang iniikot sa isang kamay ang Parker pen niya na hiniram nito kanina.Pinaningkitan niya ito ng mga mata.Tulad ng sinabi ng tinamaan ng kayabangan lAlAKI, anak ito ng lead vocalist ng Picay'z.He was her Uncle Orlando firstborn. ''No! It should be me! My mother was the first vocalist of Picayz,'' mariing kontra ni Jessica habang nakataas pa ang isang kamay at ang kaliwang kilay nito. Magpinsan ito at si Jonathan kaya di nagtataka na female version ito ng lalaki.
Kahit kalmado siyang tingnan, sa tingin niya ay nagkakaroon na siya ng internal bleeding.She was also seeing red. Dalawang araw nang kung sino ang magiging bokalista ng itatayong banda ng mga ito ang tema ng ''meeting-meeting-an'' nila na pakulo ng mag ito. Gusto man niyang magawa dahil pinakausapan siya ng mga magulang ng walong magkakaibigan ng huwag muna.Mabuti raw na may naiisip na pangarap o pagkakaabalahan ang mga ito.Sa malas, siya ang napeperwisyo at napepeste. Nagulo ang maaayos niyang trabaho, gayundin ang maaayos na daloy ng kanyang dugo.Pakiramdam niya ay may bara na ang mga ugat niya.
Nang magsimulang magtalo-talo ang mga kaharap niya at magkampihan kung sino ang mas magiging magandang bokalista ay nahahapong napipikit siya.
''Tumigil kayong lahat!'' mayamaya ay galit na sigaw niya. Hinampas pa niya ng isang kamay ang mesa upang lubos na makuha nag atensiyon ng mga ito.''ikaw jonathan, kahit ama mo si Uncle Orlando walang dudang hindi ka puwedeng maging bokalista dahil wala ka sa tono!'' naiinis na sabi niya, pagkatapos ay binalingan niya si Jessica. Isa kapa Napakahina ng memorya mo na pati ang kaalaman ng hindi ka marunong kumanta ay nakalimutan mo!''nanggigigil na sabi naman niya rito.Natahimik ang walong Tukmol. Magkakaibigan ang mag ito........sa paggawa ng kabalustugan.Dahil halos magkakaedad,iisa ang takbo ng utak ng mga ito. SiJessica ang kasunod niya sa pagiging matanda pero parang mas humabol ito sa kapayid,pinsan,at mga kaibigan nito.
BINABASA MO ANG
Love THY Boss :)
RomanceHindi alintana ni Cel ang kawalan ng Lovelife.Kontento na siya sa routine na bahay-trabaho-bahay.Ang gusto lang niya ay paluguran ang mag asawang umampon sa kanya.. Kaya nang gustuhin ng tunay na anak ng mga ito na bumuo ng isang banda, kahit tamb...