Chapter 5
LIA's POV
Nandito ako ngayon sa ospital at nagbabantay kay Papa.
Hayy successful naman ang operation nya pero hanggang ngayon di pa din sya
gumigising.
Kahit alam kong ligtas na sya di ko pa din maalis sa sarili ko ang matakot.
"Hoy ano ba tabs di ka naman nakikinig?!"
Arrggh oo nga pala kasama ko ngayon ang aking BOYFRIEND-slash-MASTER na si
Harry.
Yan na naman sya dyan sa 'TABS' na yan. mataba daw kasi ako. Err ang payat
ko kaya.
Pinag-uusapan namin ang mga rules tungkol dito sa 'RELATIONSHIP' namin.
"Rule ko: Girlfriend kita sa harap ng lahat pero kapag tayo lang master and slave
na tayo" sabi nya at nag-grin.
Nakaka-irita talaga sya. Kung wala lang akong utang sa kanya mabubugbog ko
toh. -__-"
"Rule ko naman: Walang kiss, hug o kaya holding hands. Wag kang touchy at
chansing. Pag may nagtanong kung bakit hindi tayo touchy sa isa't-isa ang sabihin
mo ayaw natin ng PDA."
Tumawa lang sya.
"Para naman gusto kitang chansingan. Hindi tayo talo tabs"
"CAN YOU PLEASE STOP CALLING ME TABS!!"
Okey I'm pissed off.
"Relax lang tabs I'm your master kaya kung ano ang gusto ko yun ang
masusunod"
"Arrggh ok MASTER" I said and emphasize the word 'master'
"Ok tara" sabi nya at hinila ako.
"Hoy san mo ko dadalhin? Walang magbabantay kay Papa"
Hindi nya ako pinansin at hinila lang.
Pumunta kami dun sa station ng mga nurse.
Yung mga babaeng nurse naman dun kinikilig.
"Pakibantayan nga yung patient dun sa room 203."
Pagkasabi nya nun hinila nya ako palabas.
Grabe sya kung makapag-utos dun sa nurse ah. Boss sya?
"Hoy Albert san ba tayo pupunta? Saka bitawan mo nga ako chansing ka na eh"
Binitawan naman nya ako tapos sumakay na sya sa kotse nya.
Sumakay naman ako sa backseat.
"Tabs lumipat ka nga dito pagmumukain mo pa akong driver"
Grrr ang yabang talaga nya. >.<
Lumipat naman ako dun sa passenger seat.
Nag-drive na sya. Naknang grabe naman toh mag-drive parang 'drive me to hell'
ang drama.
"Waaaaaaaaaaaahhhhhhh Diggery magdahan-dahan ka nga!!"
Huminto kami sa malaking bahay.
Hinarap ko sya.
"Papatayin mo ba ako ha?! Saka wala ka pa atang lisensya eh"
Nag-grin lang sya at may pinakita. Student liscense ata?
BINABASA MO ANG
The Gangster's Slave
Teen FictionPrologue Simula ngayon, ako na ang boyfriend mo at ikaw ang alipin ko. -Harry