Chapter 7

5 1 0
                                    

Chapter 7

Harry’s POV

*ring* *ring*

"HOY TABS ASAN NA YONG JUICE KO?!" Pagkasabi ko nun binaba ko na kaagad. P*ta naman eh ang tagal naman nyang kumuha ng juice. Isang galon ba ng juice ang kinuha nya kaya natagalan sya? Ayoko pa naman sa lahat eh yung pinaghihintay ako.

Nung nakita ko sya nakabusangot yung mukha nya mas lalo tuloy syang pumapanget. "HOY BAKIT ANG TAGAL MO?"

Hindi nya ako pinansin at nilapag yung juice na sobrang lakas. Buti nga hindi nabasag yung baso. "BAKIT KA NAGDADABOG HA?!" Kabadtrip naman nitong babaeng toh.

"Ang panget mo kasi!!" Pagkasabi nya nun umalis na sya. Anong sabi nya? Ako panget? San banda? Tss baka sarili nya lang yung sinasabihan nya ang gwapo ko kaya. *handsome smirk*

Tumingin-tingin ako sa paligid baka sakaling may chicks. Hahahaha Nakita ko yung vice pres ng SC. Pinsan ko pala yun pero hindi kami close kaya hindi ko sya kilala.

Maya-maya nagsalita na din yung mc. Di ko naman maintindihan yung sinasabi nya. Ang alam ko lang ikakasal si Ate Era at Kuya Ray kaya sila nandito para pag-usapan yun.

Nagulat nalang ako dun sa huling sinabi ni Dad. Ngayon ko lang din napansin na si Dad na ang nagasasalita.

"..gusto ko din makilala nyo ang babaeng nagpatino sa anak ko. Lianna De Guzman!!!" Tapos tumapat kay tabs yung spotlight. Hahahaha nakakatawa yung itsura nya pero bigla akong nahiya kasi naalala ko yung sinabi ni Dad leche kahihiyan ko na naman toh.

Kung hindi lang talaga DUN hindi na ako papayag sa relasyon na toh. Nung una pinag-titripan ko lang sya pero grrr mahirap pala mang-trip mabilis ang KARMA at eto ang karma ko kailangan kong maging girlfriend yang babaeng yan.

Tumingin sya sa akin. Tiningnan ko lang sya ng ganito --> =__=

Mukhang wala syang kaalam-alam sa nangyayari. Masyado kasing masiba ayan napapala. -__-" Tumayo sya at lumapit sa akin saka kumapit sa braso ko. Gusto ko sanang alisin kaso maraming nakatingin. Nag-'yiiiieee' naman sila. Kung alam nyo lang..

"Harry anong meron?" bulong nya sa akin. Hinila ko nalang sya palabas.

"Psh wag mo nalang pansinin yun" Tumango nalang sya. Umalis nalang ako gusto ko munang mapag-isa para makapag-isip.

Lia’s POV

Iniwan ako dito ni Harry sa park. Tch epal talaga nun hindi na nga sinabi yung nangyari kanina iniwan pa ako. Umupo nalang ako dun sa may swing. Pumikit ako kasi pagod na din ako. Simula nung naging kami ni Harry kahit nung friday lang yun feeling ko isang buwan na sa sobrang stress.

Sunday night na at may pasok na kami bukas. Paniguradong trending kami bukas sa school. Ay twitter lang??

Hindi ko pa din pala nasasabi kina Frey at Jia. Nagulat ako nung may naramdaman akong umupo dun sa kabilang swing. Napadilat tuloy ako. Si Frey. Nakatingin lang sya sa akin. Alam ko na yung tingin nyang yun.

I need to explain to him everything. Pero ang usapan namin ni Harry walang makaka-alam nito na kahit na sino. Ayy hayaan mo bestfriend ko naman sya di ba? May tiwala naman ako sa kanya.

"Ganto kasi yan.." Kinwento ko sa kanya lahat. As in lahat. Nakikinig lang sya at wala syang karea-reaksyon. Hindi ko tuloy malaman kung ano yung nararamdaman nya.

"Bakit ka naman pumayag? Pwede namang kahit anong kapalit bakit yun pa?" Yun lang yung sinabi nya after kong mag-explain.

"Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya baka wala na si Papa sa amin, Frey. Sana suportahan mo nalang ako sa desisyon ko. Saka hanggang graduation lang toh at sana wala kang pagsasabihan nito. Ako nalang ang bahalang magsabi nyan kay Jia." Tumango nalang sya. Tinext ko si Lea na uuwi na ako. Hinatid ako ni Frey sa dorm namin tutal may pasok na bukas.

Si Frey naman nasa kabilang building pa yung dorm nila.

"Thank you sa paghatid" Ngumiti lang sya sa akin at umalis na. Pumasok na ako sa room ko. Share kami ni Jia sa room. Pagkapasok ko sinalubong ako ng isang nakapamewang na si Jia.

Uh-oh alam na din nya siguro. Umupo ako sa kama ko. Sya naman tumabi sa akin.

"Anong nangyari sa weekends mo? May nangyari ba?" Ohh I think hindi nya pa alam kasi yan naman ang lagi nyang tinatanong sa akin tuwing umuuwi ako pag weekends sa amin.

"Bakit ang dami mong tanong bessy?" sabi ko at humiga sa kama. I'm so tired.

"Curiosity attacks me?" Ayan na naman ang maarte nyang accent.
"Anong curiosity ka dyan baka inaatake ka na naman ng pagiging chismosa mo" Nag-pout lang sya. Cute talaga ng bestfriend ko oh.

"Ok pero maraming nangyari ngayong weekend baka mag-information overload ka dyan"

"Gora na nga" Ano ba yan? May iba't-ibang tauhan ata tong bessy ko. -__-Kinuwento ko din sa kanya lahat hanggang dun sa usapan namin ni Frey. Reaction nya? >3< Oo nag-pout lang sya. Anong sabi nya? Eto..

"Bakit si Frey ang una mong sinabihan? BV naman oh >3<" Gandang reaction di ba? =___=

"Ok girl what's with that face?"

"Alam mo Jia hindi ko akalaing napaka-bipolar mo" Nag-pout ulit ang loka. "Hilig mong ngumuso pahalik kita kay.. ohhmmp" Bigla nyang tinakpan yung bibig ko. Sheeeeeet ang sakit! T__T Battered bestfriend ata ako.

Tinanggal ko yung kamay nya. "Ang OA bessy ah para naman may makakarinig nitong usapan natin ah" Ngumiti lang sya.

"Syempre para sure di ba. Malay mo may pagala-gala pala dyang aliens tapos sabihin pa sa kanya o kaya may lamok dyan na may voice recorder pala at marecord yung pinag-uusapan natin baka marinig pa nya" Ang lawak talaga ng imahinasyon ng bestfriend ko at sa sobrang lawak ang OA na. -____-

"Matulog ka na nga lang Jia may pasok pa bukas" Pinikit ko yung mata ko. Ano kayang mangyayari bukas?

The Gangster's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon