Chapter 8
Lia's POV
Monday morning.
Waaaahh another stressful week.
Papasok na ako kasama si Jia at Frey.
Pagkapasok namin ng gate pinagtitinginan kami...
or AKO?
Anong meron?
Lagi naman akong pinagtitinginan eh pero ngayon iba kasi ang tingin nila.
Parang kakainin ako ng buhay?
Siniko ako ni Jia.
"Bessy kalat na siguro"
Napahinto ako sa paglalakad. Tumingin ako kay bessy at Frey.
"Ang alin?" tanong ko sa kanila.
Nagkatingin sila at tumingin sa akin.
"SLOW!" sabay nilang sabi.
"Ha? Ba--"
Napahinto ako ng biglang may umakbay sa akin.
"Hi girlfriend kong tabs!"
Waaaaaaaaahhh bakit ko nga ba nakalimutan yun?
Boyfriend kuno ko pala ang devil na toh.
Tinanggal ko yung kamay nya. Duh PDA.
"So totoo nga na sila na"
"Seryoso na kaya talaga si Papa Harry"
"Oh my taken na si Prince Harry?"
Napatingin ako sa paligid. Halos lahat nasa amin ang atensyon.
Grr ganito ba talaga kapag kasama mo ang isang Harry Diggery?
"Hoy tabs sumisikat ka na" bulong sakin ni PG (payatot na gangster)
"Duh sinong may sabing gusto kong sumikat. Ano ako araw? Che dyan ka na nga"
Inirapan ko sya at hinila si Frey at Jia paalis.
Madami pa din yung nagbubulungan at tumitingin sa akin.
Nakakairita sila. -___-Dumiretso kami sa room.
"Hay nako best dapat kasi hindi ka na pumayag dun" -Frey
"Psh ayan na naman si tatay Frey manenermon na naman" sabi ko at nagtago sa
likod ni Jia. Alam ko kasing mababatukan ako nyan eh.
"Tatay daw >3<" -Frey
Nagtawanan lang kami.
Nagulat kami ng may biglang may bumato sa akin ng papel.
Lumingon ako at nakita ko ang tatlong bruhilda este ang FHM o Famous Hot
Mommas.
Sila ang may ayaw sa akin at sila din ang leader ng Prince Harry fansclub.
Maganda sila pero eww ang mga ugali. Super duper ang arte.
"Oh sorry hindi ko sinasadya" sarastic na pagkakasabi ni Wendy. Sya si Wendy
Samonte ang leader nila.
Sabay-sabay silang tumawa. Take note yung super arteng tawa.
"Girls sya ba ang new girlfriend ni Prince Harry?" sabi ni Penelope Cruz. Para sa
akin sya ang pinakamaganda sa tatlo pero sya din ang pinakamalandi.
"Yah grabe akala ko matino syang babae pero duh nasa loob din pala yung kulo"
BINABASA MO ANG
The Gangster's Slave
Teen FictionPrologue Simula ngayon, ako na ang boyfriend mo at ikaw ang alipin ko. -Harry