***
“Anong hindi ako crush ng crush ko e sa tuwing makakasalubong ko nga siya kulang nalang mahimatay ako sa tindi ng pag irap niya sa akin, kiligin ng sobra sa pagdampi ng malambot niyang palad sa pisngi ko at biruin mo nag iwan pa siya ng marka kaya mas umaapaw ang paghanga ko sa kanya” –ako
“Wahahahahaha! Tuwang tuwa ka pa Pedro! Astig mo! Iboboto na kita Idol!” – estudyante 1 na pumalakpak ng pagkalakas lakas at tumayo pa kaya nakigaya narin ang iba pa niyang mga kaklase.
Matapos ang mahabang palakpakan nila ay pinakalma ulit sila nung teacher.
“Pedro, mahaba pa ba ang sasabihin mo?” –teacher
“Konti nalang po to Maam at akoy magpapaalam na din” –nakangiti kong sabi
Tumango nalang yung teacher kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.
“Ika nga ni Cedie mahalin mo ang taong mahal mo, hindi ninyo malalaman kung sinong crush ko kung hindi ninyo itatanong at kaya nga pag nanalo ako isa sa gagawin ko ay mahalin kayo at ang taong mahal ko hanggang sa abot ng aking pagmamahal. Matalo, manalo tuloy ang laban na ‘to. Muli ako po si Pedro Kwadrado Ignacio de Jesus, tatakbo nilang representatib ng Grade 7 Councilor (*kamot ulo) A-at your service mga tol” – ako
“Woooooooh!!! Pedro! Pedro! Pedro! Wooooooh!! Idol!!” –sigaw nila at may kasamang pagpalakpak
Nag bow muna kaming lahat at nagpasalamat at lumabas narin ng room.
“Grabe ka Pedro, ang galing mo. Saan mo nakuha ang mga sinabi mo ha? ha?” –Ingko
“A-eh sabi kasi ni tatay , kung ano daw tinitibok ng puso ko yun ang sabihin ko eh”
“Waaaah! Pedro ang galing galing mo hehe” –singit ni Bekya hmp! Singiterang babae.
“Hehe ako pa hehe” –sagot ko pero huh? Sa loob loob ko iba hmp!. Iba na talaga ang kagwapuhan ko at si Bekya ay nahuhumaling tsk tsk.
Nagpahinga muna kami at natapos ang buong araw na nangandidato lang kami buong maghapon.
“Bespren, Bekya paalam na sa inyo. Uuna na ako, may sopresa pa ako kay tatay hehe.”
“Ah sige, pabati na lang kay tito na maligayang kaarawan” –Bekya
“Pasabi kay tito Happy Birthday sabi ko ^_^” –Ingko
Lumapit ako kay Bespren at inakbayan siya.
“Uy bespren, solo mo na si Bekya mo. Dumamoves ka na ha.” –sabi ko ng pabulong sabay tap sa balikat niya.
Hahahaha si Bespren, namumula.
“Pe-pe-PEDRO!!!!” –sigaw ni Bespren kaso tumakbo na ako palayo ahihi.
*Bakery Shop
“Manang magkano po to” –sabay turo dun sa pinakamalaking cake.
“Anak may nakapaskil na naman diyang presyo” –manang
“Ai pasensya na po Manang , ngayon ko lang napansin”
Binalik ko ang tingin ko dun sa cake na malaki at
O___O
.. MALAKI nga ang cake.. Malaki din ang presyo. Kaya naghanap ulit ako ng iba.
“Eh Manang magkano naman po to, hep hep hep Manang walang presyong nakapaskil dito”- sabay turo dun sa cake na sinundan nung malaki.
BINABASA MO ANG
High School Representative na si Pedro
Teen FictionMasasabi ko lang! MASAYA!~ kaya basahin niyo na lang PEDRO's Highschool Life BOW~ ALL RIGHTS RESERVED © July 13, 2013