Martha
Bumalik na lang ako sa kwarto ko ng makaalis na si Jake. Until now ay hindi pa din ako makapaniwala sa rules na pinag-effortan pa niya talagang gawin. Like seriously? He really need to make that rules ha. Siguro, gigil na gigil na talaga siya sakin at galit na galit dahil sa pagpapakasal namin. Tama naman kasi siya e, ayaw naman niya talaga sa marriage na to. We do have choice para hindi matuloy ang pagpapakasal namin pero dahil isa akong malaking martir at masokista, that's why I chose to be with him. I chose to break my heart para lang magpakasal kami. Pinili kong magalit na lang siya sakin basta matupad ko lang ang pangarap ko. Iyong pangarap kong maging asawa siya.
Pumunta na lang ako sa terrace ng kwarto ko at umupo sa may duyan doon. Malakas ang hangin ngayon kasi gabi na at tumatama ang malamig na hangin sa muka ko at tinatangay ang buhok ko. Kitang kita din ang madaming stars sa kalangitan sa pwesto ko. Nakakarelax itong pagmasdan. Nakakawala ng problema. At tugtog na lang ang kulang at magkaka-music video na ako.
"Hays! Why life so complicated?" Naalala ko na bigla kung paano kami napunta sa sitwasyon na to ngayon.
*Flashback*
Kakauwi ko lang galing sa bagong premiere night ng movie ng ultimate crush kong artista na si Jake Villafuente. Nadatnan ko pang gising sila Mom at may kausap silang mukang magasawa ayon sa pagkakahawak ng kamay ng mga ito. I think ka-edad lang sila nila Mom at Dad.
Pumasok naman ako sa bahay para batiin sila Mommy at maging ang mga bisita ng mga to.
"Good evening po." Magalang na bati ko. Nag-bow pa ako sa magasawang kausap nila Mom bago ako umakyat sa room ko. Ewan ko ba kung likas ba talaga akong tsismosa o ano pero imbes na pumasok na ako sa kwarto ko ay eto ako ngayon nagtatago pa talaga para lang makinig sa usapan nila.
"Siya na ba si Martha?" Tanong nung babae. Base sa itsura nung babae ay muka siyang mayaman. Nakita kong tumango lang sila Dad at Mom sa tanong nito. Napaisip naman ako kung bakit bigla akong tinanong nung babae? Kilala niya kaya ako?
"Napakagandang bata naman. Alam kong magugustuhan siya ng William namin." Sabi naman nung asawa niya. Ano daw? William? Sino naman yon? Si William Shakespeare? Kidding! Oo na, korni ko na talaga!
"Kailangan na nating sabihin sa mga bata ang nalalapit nilang pagpapakasal." Kasal nino? Chismosang chismosa na talaga ang peg ko nalaki na tuloy ang tenga ko sa pakikinig sakanila. Sorry po. Curious lang talaga kasi ako sa pinaguusapan nila.
"Ah, Janet. Pwede bang tanungin muna natin sila kung payag ba sila sa kasalang to?" Tanong ni Mommy dito na parang maiiyak pa. "Kasi, ayaw ko sanang pilitin si Martha dito. Gusto kong ikasal siya sa taong gusto niya at nagmamahalan sila. Diba Honey?" Tumango lang si Daddy sa tanong ni Mommy.
"Sige kung ayan ang gusto niyo. Pero alam niyo naman na may usapan na ang mga Lolo nila tungkol sa pagpapakasal nila ngayong taon." Sabi naman nung asawa nung Janet ang pangalan. Swear! Naguguluhan na ako talaga sa pinaguusapan nila.
Lumapit pa ako ng konti para mas marinig ko ng maayos ang pinaguusapan nila. Nakinig na din naman ako e, edi lubusin ko na.
"Tsaka masyado pa kasing bata si Martha para ipakasal namin. Baka mapakiusapan namin si Papa na ipagpaliban muna ang pagpapakasal." Seryosong sabi ni Daddy sa mga ito.
Literal naman na tumigil ang mundo ko sa narinig. What? Kasal? Kasal ko ba talaga ang pinaguusapan nila? Bakit ako kailangang magpakasal? "Tsaka, nag-aaral pa ang anak namin." Dugtong pa ni Daddy.
BINABASA MO ANG
Married To Mr. Artista #Wattys2016
Romance✅ COMPLETED ✅ Nagpakasal ang isang fangirl na si Martha sa kaniyang iniidolo dahil sa kasunduan ng mga Lolo nila. Pabor na pabor kay Martha iyon dahil wala naman siyang ibang lalaking nagustuhan maliban kay Jake but not in Jake because he has a girl...