Martha
I was rubbing my eyes nang lumabas ako ng kwarto. Kakagising ko lang kasi at hindi na ako nagpakaabala pang maligo muna. Later na lang siguro. Dumiretso na muna ako sa dining area to eat my breakfast. Maya-maya lang ay may umupo sa tapat ko. Muntik ng malaglag ang eyeballs ko sakaniya. He's wearing plain white tee pero napapanatili niya pa din ang kakisigan niya at syempre masyado siyang gumwapo. Nakakahiya sakaniya di pa ako naliligo kasi naman 10 o'clock pa ang klase ko. Isa pa, I am not expecting him na madadatnan ko siya dito ngayong umaga kasi usually naman hindi na kami nagkikita pa sa bahay. Minsan maaga siyang umaalis o di kaya di na siya umuuwi sa bahay. Nakakagulat tuloy na nandito siya sa harapan ko.
"Good morning." Nakangiting bati niya sakin. Maniniwala na sana ako sa pinapakita niya pero nagising ako sa katotohan ng magsalita si Lolo Fred na galing sa may garden namin. Dito kasi siya natulog kagabi. Dapat nga yung Lolo ko dito na din mag-over night pero nagkaroon ng emergency sa company kaya umuwi din siya kasama ang parents namin.
"Good morning din." I greeted him at malapad na nginitian ito. Wala lang feel ko lang na ngumiti para makita niyang maganda din ako. Lol! "Good morning po Lolo." Bati ko sa matanda.
"Oh, good morning iha. Wala ba kayong klase parehas?" He asked at umupo na sa pinakagitnang upuan sa tabi ko. Nasa left side ko kasi si Jake.
"Grandpa, meron akong pasok pero mamaya pang 10." Nagulat ako sa sinabi niya. Ano? 10 din ang klase niya? Ang alam ko kapag Friday 1PM pa ang start ng klase niya. Psh. Oo na. Alam na alam ko na. Isa na naman to sa script niya.
"Ikaw iha?"
"Ah, 10 din po." Nahihiyang sabi ko.
"Okay good. Sabay naman ata kayong napasok. Tama ba ako? Aalis na din ako mamaya kasi may flight pa ako papuntang Canada for some business meeting."
"Ingat po kayo Lolo." Mahinhin kong sabi.
"Iha, you can call me Grandpa like what Jake is calling me." Tumango na lang ako. Eh sabi niya e, wala na akong magagawa.
"Ilang araw kayo don, grandpa?" Walang galang na tanong ni Jake. Hindi man lang marunong gumamit ng 'po' at 'opo' sa matatanda. Grabe talaga siya. Bad boy! Psh.
"I will be leaving for a week. I have 3 meetings there." Sagot ni Lolo Fred at nagsimula ng kumain.
"Ah." Eto na ang pinaka-ewan na sagot na nasabi ko. Parang ewan lang.
After a couple of minutes, we already finished our food. Nagpunta si Lolo -este Grandpa sa may living room at nagbasa ng dyaryo. While, me and Jake is pumunta na sa kaniya-kaniya naming kwarto para maligo. 7 palang naman kaya we have a lot of time pa to prepare.
Dumiretso na ako sa walk-in closet ko para mamili ng damit na isusuot. Wala kasing uniform sa University kaya always freestyle lang ang suot. Wala namang bawal kahit magshorts ka nga e, that's fine, syempre wag ka lang mag-bibikini kundi lagot ka sa mga manyak. Haha.
Black dress ang napili kong isuot na tinernuhan ko ng 3 inches na black heels. Nagsuot din ako ng mga accessories, yung gold chain, bracelet and ung apat kong rings, my wedding ring and my knuckle ring. Pinlantsa ko din ang brown kong hair para straight na straight and put some lipstick and konting make up. Tadaa! I'm ready to go.
Sinukbit ko na din agad ang bag ko at lumabas na ng kwarto. Natigilan pa ako kasi magkasabay kami ni Jake na lumabas sa mga rooms namin. Mukang nagulat pa nga siyang makita ako. Haler? Jake, nakalimutan mo na bang nasa iisang bahay lang tayo? Hmp.
Maya maya lang ay tumingin na siya muka ko tapos sa suot ko. Bakit? Anong problema niya? Ayaw ba niya sa damit ko?
"Jake? Bakit?" Lakas loob na tanong ko kahit pa kinakabahan na ako sa way ng pagtingin niya sakin.
BINABASA MO ANG
Married To Mr. Artista #Wattys2016
Romance✅ COMPLETED ✅ Nagpakasal ang isang fangirl na si Martha sa kaniyang iniidolo dahil sa kasunduan ng mga Lolo nila. Pabor na pabor kay Martha iyon dahil wala naman siyang ibang lalaking nagustuhan maliban kay Jake but not in Jake because he has a girl...