Edit edit din pag may time. HAHAHA! :)
-
MARTHA.
I was packing all my things when someone tap my right shoulder.
"You don't need to this, anak." Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pag-iimpake. "Anak, alam kong masaya ka naman sa magiging buhay mo ngayon. Pero ingatan mo pa din ang sarili mo. Ayoko mang mangyari to pero eto ang ginusto ng Lolo mo. Wala kaming kakayahan para hindi sumunod sakaniya." Seryosong pahayag ng Mommy ko pero hindi ako sumagot.
I'm not mad naman to my Mom lalong lalo na kay Lolo. In fact, sobrang saya ko pa nga kasi yung lalaking iniidolo ko ay asawa ko na ngayon. Yes, I already got married and yes, I know naman that my Mom only wants the best for me since only child lang nila ako ni Daddy. Pero sadyang matigas lang siguro ang ulo ko at pinilit pa din ang kasalang to.
Jake William Villafuente and I are married 2 weeks ago. Just because of that arrange marriage na pinagkasunduan ng mga Lolo namin. Nakakatawa diba? Sa generation namin ngayon uso pa pala ang fixed marriage. Pero ayos lang, masaya naman ako sa naging outcome ng pagpapakasal na 'yon. Dahil sa kasal na kami ay kailangan naming magsama ni Jake sa iisang bahay. Pabor sakin 'yon kasi lagi ko na siyang makikita. Because, I am his loyal fangirl. At kahit sinong isang fan na tulad ko ang mapakasal sa iniidolo nitong artista ay sobra sobrang saya. Gaya lang ng nararamdaman ko ngayon.
Pero si Jake? Sure akong ayaw niyang magpakasal sakin. Alam ko na ayaw sakin ni Jake because he has a long time girlfriend and he loves her damn much. Balita ko nga ay ang dalawa ang magpapakasal pero dahil umeksena ako kaya hindi na iyon matutuloy pa.
But instead of letting Jake go, ay hindi ko ginawa. Talagang martir at tanga lang siguro ako like what my best friend said kaya masaya pa ako na kasal na kami. Pero bagay naman sa pangalan ko diba? Edi panindigan ko na lang. Atleast now, I am Mrs. Martha Domiguez-Villafuente. And it's a dream came true!
"Mom, I can take care of myself. Ikaw po ang kailangan magingat dito, kayo ni Daddy. Pwede niyo naman po akong puntahan don sa magiging bahay namin ni Jake." Sinarado ko na ang maleta ko at kinuha ang shoulder bag ko. Nauna ng ilipat yung ibang gamit ko don. "Mom, I have to go. Basta, just text me if there's a problem here. Okay? I love you so much." I kissed her forehead at lumabas na ng room ko. Sumunod din naman siya sakin agad.
Naabutan ko sa baba si Dad na inaayos ang sasakyan ko. Hindi ko mapigilang mapa-ismid. Nasan ang driver namin? Bakit si Daddy ang gumagawa nito?
Napabuga na lang ako ng hangin atsaka lumapit sakaniya. "Dad, aalis na po ako. Di niyo na naman po ako kailangang ihatid pa. I can manage." He just nodded. I kissed him and he handed me my car key.
"Take care baby. Don't hesitate to call us ha?" I smiled to them and started the engine. "Bye baby girl." Sabay na sabi ng mga ito.
This is the first time na mawawalay ako sa parents ko kaya ganun na lang ang pag-aalala nila sakin. They're not really agree to this marriage gaya nga ng sabi ni Mommy kanina, kung kaya lang nilang suwayin si Lolo nagawa na nila. Pero hindi. Wala silang nagawa at nagpakasal agad kami ni Jake. Gustong gusto ko ang nangyayaring to kasi mahal na mahal ko ang artistang 'yon kaya kinausap ko sila na pumayag na lang at wala na din naman silang nagawa at sinabi na lang na they trusted me naman daw.
Basta, ang rule lang nila sakin ay, wag daw akong iiyak.
How I wish, hindi nga ako umiyak habang magkasama kami sa iisang bahay. Pero sana hindi, sana gaya ng ibang love story ay matutuhan din niya akong mahalin o kahit hindi niya ako mahalin basta maging mabait lang siya sakin. Sana. Madaming sana.
BINABASA MO ANG
Married To Mr. Artista #Wattys2016
Romance✅ COMPLETED ✅ Nagpakasal ang isang fangirl na si Martha sa kaniyang iniidolo dahil sa kasunduan ng mga Lolo nila. Pabor na pabor kay Martha iyon dahil wala naman siyang ibang lalaking nagustuhan maliban kay Jake but not in Jake because he has a girl...