Chapter 3

18 0 0
                                    


Glen's POV

6 p.m na at tulog parin si kuyang varsity player

Magdidinner kami mamayang mga 7 pero dahil sa mabait ako, hindi ako kumakain pag naka duty

Haaay nakailang pasok nako dito sa room ni kuya no.9 pero wala eh himbing ng pagkakatulog

Siguro dahil na rin sa pagod

Binabantayan ko itong dextrose nya kasi pag over infuse ako may extension

At pag sinabi kong extension, hindi bumababa sa 48 hours extension ang patakaran sa school namin

" ui glendale! Tara na kain na" sabi ni richard na isa dun sa dalawang lalaki ko na kagrupo

" sige lang cha babantayan ko muna tong alaga ko" sabay ngiti

Yeeee gwapo naman kasi si cha eh

Akala ko nga noon may pag-asa kami kaya lang gusto nya pala yun isa naming kagrupo

Buti nalang hindi ako umamin

Siguro kung nangyari yun, nakakahiya ako

8:30

Hala pagod na pagod na ako kasi nag endorse sa akin yun dalawa kong kaklase, ibig sabihin tatlong pasyente na ang binabantayan ko

0____0 haggard na talaga ako

Pumasok ulit ako sa kwarto ng pasyente ko

At ayun gising na pala si kuya no.9

"Sir kumusta po pakiramdam nyo" tanong ko

"Okay naman, yun lang napuruhan tong maganda kong mukha haha" sabi niya

Haay nako may sapi ata tong isang to

Hahaha pero in fairness ang ganda mg smile nya

"Sir ndyan na po yun pagkain galing dietary, kailangan nyo po ng katulong sa pagkain?" Tanong ko

" dietary? Walang lasa yan! Katulong? Hindi na ok lang ako. Ikaw liit, di ka pa ba kakain?" Tanong nya.

Hindi ko talaga alam kung masungit sya o mabait?

Haay nako, ako nanaman tong si assumera haha

" ay sir ok lang po ako" ngumiti ako at tumalikod para umlis na

Pero bago ko pa mabuksan ang pinto

" miss liit hindi yan pwede sa college of nursing, may extension kayo pag hindi kumain di ba?"

Natigilan ako, kasi isa sa pinaka iiwasan ko ay ang extension

Hindi pwede to!

" uhmmm sir tapos na po kasi ang break time kaya hindi narin po ako makaka-"

Hindi ko na natapos yun sasabihin. May pag ka bipolar din ito

" sige pwede ka na lumabas" sabi ni no.9

Sa totoo lang nainis ako, kasi para syang amo ish! Nurse ako ! Hindi katulong!

"Uy glen bat ngayon ka lang? Eh tignan mo yun oras oh, 10:39 na" sabi ni mariae

So ganun kahabang oras pala yun linaan ko para kay no.9 badtrip

" ay oo nga, sige magcloclose na ako ng chart" naisagot ko

Mga 11:45 nag out na kami sa ward

Hindi ko na pinuntahan si no.9 eh nakakainis eeh.

" ingat sa pag uwi" sabi ni Lance

Tumango tango nalang kami

Ethans POV

Hahaha tawa ako ng tawa paglabas ni liit

Haha namutla sya nung sinabi kong extension haha

Paano ko nalaman na may ganun pala?

Natural galing din ako sa college of nursing hahaha

Nakita ko medyo naningas sya sa kinatatayuan nya hahahhahahaah

Pero teka 12 a.m na ah

Kaya pala hindi na ulit bumalik si liit

Tapos na ang shift nya

Hahahahahaha nakakatawa talaga sya

*knock knock

" pasok"

At dumating na nga si mama

" anak ano nanaman ba ang nangyari sayo ha?" Tanong nya

" asus nagalusan lang ng konti mama"

" sinabi ko naman di ba? Kakayanin namin ng papa mo ang pagpapaaral sayo, itigil mo na yang basketball anak please" pagmamakaawa nya

Hindi naman kasi ako ganun kayaman para makapasok sa achievers university, ginamit ko ang basketball para naman makatulong ako kina mama

Pang apat kasi ako sa aming magkakapatid and what do you expect, hindi madaling magpa aral

"Ma apat na taon nalang, ay hindi tatlo nalang pala tapos doctor na ako..mama wag na kayong mag alala" Sabi ko sakanya

" sige na anak, next time nalang natin ito pag usapan. Magpahinga ka muna"

Sabi niya

At natulog na ako

-----------------------

Oh ayan ha unti unti nyo ng nakikilala ang characters natin

Nagmamahal,

Greatacousticwhite

SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon