Three- Alice

19 5 2
                                    

THREE

It's been a week since our wedding. Natapos na ang honeymoon namin sa Japan. Wala naman kaming ginawa  sa lugar na yon eh. Hiwalay kaming dalawa sa kuwarto at para kaming estrangherong hindi magkakilala sa isang hotel.

Ngayon ay nasa bahay na kami ni Raven. Umagang-umaga ay nagising ako para mapaghandaan ko ang mga kailangan kong gawin para sa asawa ko. Inaayos ko na ang damit na susuotin ni Raven. Inilapag ko sa kama para makita niya. Bumaba ako at gumawa ng baon ng asawa ko. It maybe foolish pero gusto kong kainin niya laman ay ang luto ko. Nagluluto ako para sa umagahan namin ng makita ako nang isa sa mga maid namin.

"Ay mam, ako na ho ang magluluto. Baka mapatay kami nang asawa mong amo namin." dalidaling lumapit sa akin para siya na ang gumawa ng ginagawa ko.

Natawa na lang ako sa reaksyun niya na para bang takot na takot.

"Hahaha. Manang. Kaya ko na toh. Atsaka, gusto ko ang ginagawa ko. Mas Mabuti na lang kung I-prepare mo na ang lamesa para makakain na sina lolo. "

"Ah-eh. Sige." Dali dali siyang kumilos at nagsimula nang I-prepare ang lamesa.

Habang busy kami sa kusina ay may biglang bumati.

"Good morning." Masayang bati ni lolo sa amin.

"Good morning rin po lolo." Masaya ko rin binati siya.

Pati ang tita ni Raven na si Rose ay gising na at umupo para makakain.

"Abah, Hija. Wag ka nang magluto. Nanjan naman sina manang. Baka paano pa ang apo ko sa tuhod niyan." Sabi ni lolo ni Raven sa akin.

" Hay, naku. Dad. Kahit ilang beses mo nang pagsabihan si Alice ay hinding-hindi yan susunod. Masarap naman ang mga niluluto niya eh. Mukhang tataba pa ako nito eh. " suway na natatawang sabi ni tita.

Habang kumakain sila ay hinihintay ko ang asawa ko na bumaba at pakisabay sa amin.

"Hija. Kain nah. Hihintayin mo si Raven?" Lolo

"Ah, opo." Nahihiyang sagot ko sa kanya.

Nakarinig kami ng bagong bukas na pinto atsaka sumarado. Napatingin naman kami kay Raven na pababa galing sa taas. As usual, hindi na naman niya sout ang inihanda ko para sa kanya. Tiningnan niya lang kami.

"Oh. Apo. Halika na. Naghihintay sayo ang asawa mo." Lolo

"Masarap magluto ang asawa mo." Tita Rose

"Hindi na ako kakain." At agad nang lumabas.

Hindi man lang niya ako tiningnan. Malungkot naman akong tiningnan nina tita at lolo.

"Ay, nakalimutan kong ibigay sa kanya ang baon niya." Tatayo sana ako para habulin ng pigilan ako ni tita Rose.

"Wag nah. Alam mo naman kung saan hahantong ang baonan mo. Masasayang lang. Sige nah kain nah. Baka gutom na si baby." Tita Rose

Napabuntong hininga na lang akong umupo. Tama si Tita. He's been like that since first. He is ignoring me. I knew it and I felt it.

***

Palagi akong kinukulit ng mga maids kung ano ang ginawa namin sa honeymoon. Kunwari akong nahihiya.

" Maam (2×). Anong nangyari sa honeymoon mo? Naging sweet ba si sir sayo? Nag enjoy ba kayo?"

Tanong isa sa kanila.

I lied. I lied to them kung anong ginawa namin sa Japan. I told them that we made a memorable days in Japan when in fact,  wala talaga.

habang nang kukuwento ako nang sana ay iyon ang nangyari sa honeymoon ay hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.

"Ay, umiiyak ka ba, mam?" takang tanong ng isa.

lahat sila natahimik at hinihintay na magsalita ako.

dali dali kong pinunas ang mga luha at ngumiti sa kanila.

"Ha-ha. Tears of joy toh. Ang sweet kasi niya eh even though parang iniiwasan niya ako ngayon. Ayaw niya kasing ipakita sa iba ang sweet side niya. Kailangan ko nang magpahinga. Pagod na ako." kunwari ay sumakit ang ulo ko.

nabahala naman sila.

" Ay, magpahinga ka na. Baka mapaano ang bata at lagot kami sa amo namin." tilang takot na takot at dali dali nila akong ipinaakyat at pinasom sa kuwarto.

Nang maisara nila ang pinto ay sinadya kong mapaupo sa sahig na parang nawalan nang lakas.

Hindi ko alam kung kaya ko tong ipagpatuloy. Habang tumatagal ay lalo siyang lumalayo sa akin.

Tumingin ako sa paligid nang kuwarto namin. or should I say, kuwarto ko.

Ako lang naman ang natutulog dito eh. Palaging sa office ni Raven siya natutulog.

Hinay hinay akong tumayo at tiningnan ang nihanda kong susuotin ni Raven sa kama. Ni hindi man nagalaw. Maging ang sapatos ay hindi ginamit. kinuha ko ang mga gamit at ibinalik sa cabinet.

Hindi ko maiwasan maawa sa sarili ko. Ganito na ba habang buhay?

Gusto kong sumuko pero naisip ko na kasalanan ko naman eh.

I love him

I love him so much that I would take everything na ibato niya sa akin.

I have to let him realize that Ako talaga ang nararapat sa kanya kahit ganito ang ginagawa niya sa akin.

I have to make him fall for me before he know my secret.

My secret that
.
.
.
.
.
.
.
I am.
.
.
.
.
.
.
Not
.
.
.
.
.
.
.
really
.
.
.
.
.
.

PREGNANT!

to be continue!

Author Notes:
Hi, lovely readers. Too short? Pasensiya kung hindi na to na uupdate. Hindi  ko kasi alam kung anong isusunod ko na update eh. Masyado akong nafocus ngayon sa trabaho ko kaya hindi ako nakakaupdate. Nag update ako para at least malaman niyo na may pag asa pang maupdate ang mga stories ko.

Till next time... Hope you like this one.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"ALWAYS BE YOURS ..."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon