LS- Chapter 1

13 2 0
                                    

Kabubukas pa lamang ni Erica ng kaniyang Facebook account ay agad na niyang nabasa ang kaniyang horoscope.

Ayon doon, "Magiging boring ang iyong araw ngayon teh! Pero wag mag-alala, dahil kung sino ang lalakeng magtatanong sayo at hindi mo naman alam ang iyong isasagot, tiyak, siya na ang iyong soulmate!"

Siyempre pa, tuwang-tuwa siyang umalis upang pumasok sa kaniyang
eskwelahan habang bumubulong sa sarili, "Ito na ang araw na hinihintay ko! Kakagatin ko na para magka-bf na ako! Magiging akin ka na rin Mark!"

Ibang level ang energy ni Hermie pagdating sa kanilang classroom.
Halos lahat ng mga kaklase niya ay nagulat sa kanya. Paano namang hindi, eh, daig pa niya ang isang henyo sa kakasagot ng mga tanong ng mga ito.

Kahit mga walang kwentang tanong ay sinasagot niya. Himala namang alam niya lahat ng sagot sa mga tanong na iyon.

Dapat alam ko lahat ng sagot sa tanong nila. Dapat ang tanong lang ni Mark ang hindi ko kayang sagutin. "Hay, Mark! Kailan ka ba magtatanong sa akin? Dapat iyong mahirap. Dapat iyong hindi ko kayang sagutin. Sige na, magtanong ka na sa akin." piping usal ng kaniyang puso.

Love SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon