Malapit nang mag-uwian, hindi pa rin siya tinatanong ni Luis. Ni hindi nga siya nito kinausap buong maghapon. Gusto na niyang maiyak. Ilang minuto na lang, magri-ring na ang bell. Nagsimula na siyang sumimangot. Wala na... Sinungaling
ang horoscope na iyon! Sinungaling!Nag-ring ang bell at nagsimula na ring magsi-alisan ang kaniyang mga
kaklase. Hinintay niya kung kakausapin siya ni Luis pero hindi man lang lumingon ang mokong! Pasaway na lalake! Palibhasa kasi gwapo, akala niya kung sino na
siya! Tse!Paglabas niya ng classroom, agad na may nagtakip sa kaniyang mga mata.
"Guess who?" tanong nito. Sinubukan niyang alamin kung kaninong boses iyonnanggaling, subalit hindi niya alam kung kanino iyon. Syet! Ito na ba ito my golly wow? Ngunit laking gulat niya nang makita si Sir Nick sa kaniyang likuran.
"Don't tell me Herms, hindi mo nabosesan ang boses ko? Aba, lumilipad ata ang isip mo ngayon ah! Something is weird, hmm?" sabi nito sa kaniya bago nito
tinapik-tapik ang kaniyang likuran.Ito ang paborito at kadikit niyang teacher sa school. Siyempre pa, tuta siya nito. In short, isa siyang animal- este, paboritong estudyante nito.
Saktong nasa tapat na nang classroom niya si Hermie ng mamataan si Luis
na nakaupo malapit sa pintuan. Nagtama ang mga mata nila. Parang namagneto siya sa mga titig nito. Hindi siya nakakilos agad sa kinatatayuan.Tapik sa balikat ang nagpagising sa diwa niya.
"Hoy, Dhay! Kung wala ka
pang balak pumasok, tumabi-tabi ka sa daraanan ko, kasi baka di ako makapagpigil at maitulak kita. Kanina pa ako excuse ng excuse sayo, eh, wala ka sa sarili mo!"Naiiritang sabi ng kaklase niyang si Jannah. Tumabi nga siya.
"Hmmppp, ang
sungit-sungit, eh, mukha namang palaka. Malalaki ang mga braso, maliliit naman
ang mga balakang." pabulong na sagot niya na di naman umabot sa pandinig nito
dahil dire-diretso na itong pumasok.~~