Sabi mo

0 0 0
                                    

Sabi mo mahal mo ako...
Pero bakit sa isip mo siya ang kapiling mo?

Sabi mo mahal mo ako...
Ngunit paglilingon ka , siya ang inaalala mo?

Mahal mo nga ba ako?
O dahil ito lang ang nakasanayan mo?
At dahil sa pinagsamahang kay tagal na nito?

Mahal mo nga ba ako?
Bakit siya ang nasa isipan mo?
Pag kasama kita, ngiti mo'y halatang pilit,
Di mo namamalayan, Pangalan niya ang iyong sambit, Sa tuwing ika'y nakapikit,
Sa mata mo ay tinatago ang aking hinanakit...
Sapagkat puso ay hangal na kumakapit
Sa pagsintang ito na ubod ng sakit

Strings of heartbreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon