Ice cream

35 0 1
                                    

I can't remember the date pero ang alam ko February 27, 2013

Poof! Bigla siyang pumasok sa isip ko.

Bigla na lang pumasok sa isip ko na bigyan sya ng ice cream.

"Tara bitch. Baba tayo ng canteen. Bibili akong ice cream."

Yung bitch? Di talaga sya malandi. Tawag ko lang yun. Ako lang kasi nakakaalam ng lahat ng kalandian nya. Pero mabait yan. Yan yung tipo ng tao na pwede kong tawaging bestfriend pero di ko tinatawag kasi awkward. Haha.

"Libre mo ako?!"

"Di ah. Para kay ano." Sabay senyas at taas ng kilay.

"Aw. :( Libre mo ako."

"Yaw."

"Ge na nga. Silay din yan. Haha."

"Bitch ka talaga."

Teka. Di ko pa sya ganun kakapa. Anong flavor??

Got my phone and texted her. Binigay nya kahapon number nya. Ampangit naman siguro na malalaman ng iba na kami pero wala akong number nya di ba? Haha.

"Uy. Gusto mo ng Ice Cream?"

"Sge. Kaso may teacher kami. Physics e."

"Okay lang yan. Anong flavor gusto mo? Ibibili kita. :)"

"Kahit ano basta chocolate. Thank you. Bayaran ko pag dating dito."

"Wag na."

Ayos din to ah. Kahit ano basta chocolate??

Edi punta kami ng canteen. Hm, kahit etong nasa stick lang. Baka naman maumay pag binigyan ko agad ng bonggang. Parang sa effort ko. Baka naman masuya pag sobra agad.

Punta kami ni Bitch sa room nya. May teacher nga. At in fact, recitation pa nila.

SAKTO! Pampawala ng kaba. Haha.

 Kumatok ako sa pinto. Sakto, yung teacher nila adviser ko nung second year!

"Knock knock?" Naglingunan lahat sakin. I mean samin. May bitbit nga pala akong tuta.

"Yes?"

"Pwede po ba kay Megan?" Sabay lingon naman niya.

"May ibibigay lang po ako." Painosente effect.

Inabot ko yung ice cream.

"Thank you."

KINILIG AKO! KINILIG AKO! KINILIG AKO! SHET. :'>

Pag alis ko,I mean namin ni Bitch, bulungan mga kaklase niya.

"Bitch, akyat na tayo."

"Sige tara. Dito tayo daan. Para may silay ako. Wag umangal, napagbigyan na kita."

" Haha. Opo."

Habang umaakyat, may nagtext...

"Thank you sa ice cream. :) "

"Sure. You're welcome. :) "

Message sent.

Sht. Namumula ako at yung ilong kong malaki. Kinikilig ako.

After that, I spent my day na tambay na lang. Wala nang klase e.

LUNCH TIME.

"Bitch, sa stix tayo?"

"Eh. Tinatamad ako."

"Sige na. Malay mo, dumaan din silay mo?"

"Wala. Tulog yun. Nocturnal yun e. Naglalaro sa gabi, tulog sa umaga."

"Eh. Sige na. PLEEEEEEAAAAAAASEEEE?"

"Sige na nga. Andun naman tropa e."

Habang pababa. Text.

"Lunch nyo na?"

"Di pa."

"Matagal pa?"

"Di na. Sandali na lang to. Bakit?"

"Ah. Haha. wala lang. :) "

Sabay upo sa tambayan sa stix.

Dati, pag nandun tropa, lahat ng dumaang kakilala kong chix, pinagttripan namin.

Ngayon?

"Bakit ka ba lingon ng lingon dyan? Daig mo pa si Newell sa haba ng leeg mo kalilingon dyan. Sinong dinudungaw mo?" Tanong ni Ichan. Tropa.

"Basta."

AYUN! LUMABAS NA KAKLASE NYA! LUNCH NA NILA!

Dumungaw siya. Nagsmile ako. Nagsmile siya sabay wave.

KILIG! Haha.

Teka. Biglang nawala? AWWWWWWWWWWWW. :(

Ayun! Lumabas! Dala cellphone. Papuntang stix.

"Hi." Bati nya.

"Hi." Laki naman ng ngiti ko.

Hanggang sa lumawak na ang usapan.

The day went on.

 Puro ganun.

 Kilig ako dito.

 Kilig ako dun.

 Pero alam ko sa kanya wala yun.

 Okay lang. Alam ko namang ako lang tong umaasa na parehas kami ng nararamdaman.

 At least napangiti ko siya today. Mission accomplished.

I met the unexpected on the unexpected timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon