Maganda. Matalino. Mabait.
Yan yung mga common na adjectives na binibigay pag sinasabing Describe *name*, pero this time, we won't describe her. Siguro yung physical aspects, oo. Pero we will go deeper. We'll get to know her.
Name: Megan Jade Mendel Capili
Birthday: March 29, 1997
Age: 16 turning 17
Address: Confidential! Baka puntahan niyo e. Haha.
Hobbies: Magbasa, kumain, mag-adventure
Aminin man natin o hindi, lahat tayo may kany kanyang talino. Yung iba academically, iba naman practically. Well, siya? Si Megan? BOTH. Isama mo pa yung sangkatutak na facts and places na alam niya. Masyadong laboy tong batang to e. Umabot na ng Shanghai, Hawaii, Barcelona at kung san san pa. Taray no?
Hm, lovelife? Magbubulgar tayo ng kaunti. Tipong patikim lang.
First boyfriend:
Elem days. Elem classmates sila ni Megan. Eto yung tipo na fling fling lang. Nothing serious. No hate.
Siya si Ras Angelo Verra a.k.a. Ras
Reason for breakup: Takot sa tatay ni Megan
Di ko lang alam sa inyo ah, pero for me, ambabaw naman ata nun. Pero dahil nga fling fling lang, nothing serious, no hate.
Second boyfriend:
Eto na. Seryoso na to. High school days. We could say eto na yung first love. Mas mahaba ang kwento nito kasi nga seryoso na to. Haha. He was a sophomore then and Megan was a freshie.
Siya si Pierre Maxwell Dara a.k.a. Max
Seven months naging sila ni Megan.
Reason for breakup: MADAMI. Takot sa LDR. Ayaw ng parents ng both parties. Lastly, THIRD PARTY.
Ang masakit pa sa third party, Max fell in love with Megan's bestfriend, Alliyah.
After these relationshits Megan had, naging bitter siya. Masyado syang nasaktan. Lalo na sa first love. Masyado nyang minahal si Max. Pero di natin siya masisisi. Feelings yan e. Mahirap controlin.
Well, currently, Megan is a junior. She consider herself as an average student. Petix mode lang. Enjoy dito, kain doon, earphones everytime. Ever since she broke up with Max, she shut the world off dahil ayaw na nyang magtiwala. Ayaw na niyang magmahal. She even cursed the idea of LOVE. Lagi na lang nakasalpak sa tainga nya yung earphones nya. Yung tipong wala siyang pakialam sa mundo para di na siya masaktan.
Mababago pa kaya ang tingin nya sa Love?
Maeenjoy pa kaya niya ang good feeling together with some fights para maspice up ang buhay?
Mafofall pa ulit kaya siya?
Ibubukas pa kaya nya ulit ang puso niya para magmahal?
Magtitiwala pa kaya siya?