It takes time to realize that you fall to someone...sometimes i asked myself is this what they call love? An undefined feeling? Can this be love?
By the way I'm Angel Alcantara, a simple, quite beautiful, and not famous... In short just an ordinary girl... (^_^)
lahat ng mga nkaka-close ko at first akala nila masungit ako at tahimik but habang tumatagal ay nakikilala nila ang tunay na ako...
My first year in high school was so quiiiite booooring... Wala akong masyadong friend coz i'm not that friendly...
Until on my second year, nagbago ang mga friend ko dahil nga na-shuffle kame and this is the real beginning of my story... i met a guy na hindi naman kagwapohan pero marami ang nagkaka-crush, in short my appeal sabi nga nila.... His name nga pala is jm monteverde, obiously nakilala ko sya dahil sa classmate ko sya this year, but even na classmate ko sya and halos sa lahat ng subject eh kagroup ko sya at leader ko pa ah... We're not that close,
Until one day "ah Cess lets go to canteen" sabi ko sa aking friend...
Si cess nga pala ay ang best friend ko, her full name is princess cortez, halos magkaugali kami kaya siguro naging best friend ko sya kahit magkaiba kami ng religion...
"Wait lang may sasabihin ako kay angel" sabi ng isang lalake... Pag talikod ko nakita ko sya, si jm.
Hindi ko sya binigyan ng chance na masabi nya ang gusto niyang sabihin sa akin bagkus mabilis akong naglakad hilahila ko si cess....
Mukhang may iniiwasan ka ha?Paasar na tanong ni cess... H-ha? Wala no - me...
"hmm i can't sleep naiisip ko yung nangyari kanina, iniisip ko kung ano ang gusto nyang sabihin sa akin, how crazy i am pagkatapos kong umiwas ay naintriga naman ako kung ano ang gusto nyang sabihin sa akin..."timang ka talaga angel, wag mo na ngang isipin, for sure kalokohan lang ang sasabihin sayo nun"sabi ko sa isip ko... (-.-)
*morning*
Gel gising na malalate ka na, sigaw ni mama na nagsisilbing alarm clock ko tuwing papasok ako ng school, nga pala gel ang tawag saakin ng family ko at mga kamag-anak namin...
Naman eh inaantok pa ko, pagdadabog ko...
hayan hindi ka kasi agad matulog para hindi ka antokin, araw-araw ka na lang nagpapagising kailan ka kaya matututong gumising ng maaga...
hmmmmmm ewan ma, hindi ko alam, hehehe!
Aba tatawa tawa ka pa jan maligo kana at baka malate kana naman...
*in school*
Good morning class. Bati ng teacher namin na mukhang good mood...
good morning ma'am, bati ng buong klase... (^_^)
Ok go to your group we will have an activity...
"oh my, bigla akong kinabahan at dahil kasama ko sya sa group and leader ko pa sya, ewan parang feeling ko my mangyayaring hindi maganda"...
In a carolina you will make a poster about the mother earth and explain, instruct by our teacher...
Nga pala hindi ito mapeh subject kundi english subject...
"too quiet", sabi ko sa isip ko habang pinapanood ang isa naming ka group na nagdodrawing ng aming activity...(-_-)
Until bigla na lang lumuhod si jm sa harap ko...
Ah angel matagal ko ng gustong sabihin sayo to, malumanay na sabi nya habang bigla syang may kinuha sa loob ng kanyang bulsa...
And taaadaaan it is a ring hala magpopropose ata ang baliw... Slaaap!!! "baliw!" Sabi ko sakanya with matching sampal bago pa nya matuloy ang sasabihin nya... Kakahiya naman to... Nang biglang lumapit ang isa naming class mate na si april... Kanya pala yung ring... Baliw talaga tong jm na to humiram pa talaga sya ng ring para pagtripan ako gusto talaga ata akong ipahiya ng gunggong na to...
Uy angel mukhang like ka ni jm, pang aasar ni cess...(^_^)
huh? Parang hindi naman, like lang nun na pag tripan ako no- me(-_-)
Trust me may gusto syo yun...
Hay, bahala ka kung ano ang gusto mong isipin... I don't care if may gusto sakin ang baliw na yon...
Sus pakipot kapa mukhang like mo din naman sya...
Neeeever, kahit sya nalang ang matirang lalake sa mundo never akong magkakagusto sa kanya...
Aysuuus nasasabi mo lang yan, buti ka nga sigorado na may gusto sayo si jm, si april nga hindi ko maintindihan puro lang sya pakita ng motibo-malungkot na may pagkainggit na sabi nya...
Haaay naku pare pareho lang ang mga yan sa una paaasahin ka tapos sa huli iiwan ka, mga paasa lang ang mga yan! Mayhalo na pagkagalit na sabi ko...
Kung makapagsalita ka parang naexpirience mo na ha? Pagtatakang tanong nya...
Ano kaba wala pa noh, alam mo namang "no boyfriend since birth" ako...
Ok fine sabi mo eh, hahaha!
Hindi ko talaga maintindihan si cess, bigla nalang malulungkot tapos bigla nalang tatawa, kaya ata naging ko syang bestfriend eh dahil pareho kaming crazy hehehe...
*next day*
Break time namin, at nasa loob lang ako ng classroom kasama si cess ng biglang....
"i think i'm fallin', fallin'in love with yooou..............."si baliw kumakanta sa harap ko habang nakatitig sa akin, baka gusto atang masampal ulit nito...
iiiiiieh gosh kakahiya, siguradong aasarin na naman ako ni cess...
Nakangiti pa talaga tong baliw...
Ayiieeh ang sweet... Kinikilig na sabi ni cess
Huh? Anong nakakakilig dun, naiinis na sabi ko... Hoy mr. Jm monteverde pwede ba tigilan mo na ako...
But why? - tanong ni jm na medyo nabigla ata sa sinabi ko.
Dahil i hate people na lagi akong pinagtritripan and yang ginagawa mo it is embarrassing.
I'm sorry, i didn't mean na mainis ka sa ginagawa kong pagpapakita ng nararamdaman ko sayo, and hindi kita pinagtritripan i really like you, seryosong sabi nya...
Oh really? Then if you really like me at hindi mo talaga ako pinagtritripan, how come na pati sa ibang classmate natin kinakanta mo yan, pagtatanong ko na ayaw maniwala sa mga sinasabi nya...
Bigla syang tumahimik... "oh bakit natahimik ka dyan, i knew it like mo lng talaga akong pag tripan" after kong sinabi yon ay tumayo ako sa upuan ko at lumabas ako sa classroom namen...
"Angel!"Napatigil ako sa paglalakad ng madinig ko ang pangalan ko... "i promise papatunayan ko sayo na seryoso ako sayo"sumunod pala sya sakin...