First day of school

18 1 0
                                    

Erin's POV

bagong school nanaman, lagi na lang akong palipat lipat. I just wish na Sana wala na naman akong magawang kalokohan dito....

naglalakad ako sa hallway ng bago kong school. Ang ganda dito Ito na ata ang pinaka magandang school na napasukan ko tapos ang cute pa ng uniform namin

sinadya kong agahan ng pasok para mahanap ko agad kung anong section ako at kung anong number ng locker ko at syempre para na rin makapaglibot ako sa bago kong school

"Ano ba yan, kanina pa ko paikot ikot dito di ko pa din mahanap ang locker ko" nakakainis na eh, one hour ma akong naghahanap wala pa din, letse kasing school to eh napakalaki buiset!

"Ah, Miss kailangan mo ba ng tulong?"

nagulat ako ng bigla akong tinanong ni kuyang gwapo shet, ang aga aga gwapo agad ang nakaharap ko

"Miss?"

ngayon ko lang napansin na kanina pa pala ako nakatulala sa kagwapuhan ni kuya

"Ha?ah, eh- oo kuya kailangan ko ng tulong San ba dito yung locker ng mga third years?" medyo na tatanga parin ako sa kagwapuhan ni kuya

"Ah, yun lang ba?Sa second floor lang yun. Halika samahan na kita" sabi ni kuya habang pinapakita ang kanyang smile na nakakalusaw

"I'm Ralf by the way at tsaka wag mo na akong tawaging kuya same year lang tayo no" sabi nya habang naglalakad kami

"ano bang section mo Ralf?"

baka kasi pareho kami ng section, hihihih

"section B ako, ikaw ba anong section mo?"

anubayan magkaiba kami ng section...

"Ay sayang, section A ako eh" sabi ko habang makapout pa

nahanap ko na rin ang locker ko at nagpaalam na rin sakin si Ralf na babalik na daw sya sa classroom niya

noong on the way na ako papunta sa classroom ko, di ko maiwasang mainis. Kasi naman ma chichismisan na nga lang, ipaparinig pa -_-

"OMG, diba yan yung transfer student?Ghad ang kapal ng mukang kausapin si baby Ralf di naman maganda."- girl one

"I know right, ang lakas ng loob lumapit Kay Ralf"-girl two

ano ba yan, inulit lang ni girl two yung sinabi ni girl one at tsaka hindi naman ako ang lumapit dun sa Ralf na yun ah. Arghh, nakakagigil. "hayaan mo na Erin" inhale* " first day of school ngayon don't mess this up" exhale* hayss pasalamat sila kailangan kong maging mabait ngayon kundi.... hmp. Nevermind

-------------------------------------

nakarating naman ako on time sa first class ko, parang lahat at a pinaguusapan ako eh. Anobayan first day na first day ako agad ang topic sa chismisan.

kakatapos lang ng second class ko at break time na. Naglalakad ako pauntang canteen ng may tatlong babaeng biglang humarang sakin

"Hey, You flirt stay away from our Ralf" sabi nung babaeng parang leader ata sa kanila, with matching glare pa

Akala naman nila natatakot ako, tss they don't know me I'm not easily scared

"excuse me, I don't have time for this nonsense. I have to go now" sabi ko at tumalikod na ako sa kanila

"I'm talking to you bitch! don't turn your back at me you coward!"

automatic na kumulo yung dugo ko sa sinabi ng babaeng yon ang ayoko sa lahat ay yung tinatawag akong duwag

"FYI miss feelingera, hindi ako ang lumapit sa Ralf nyo! sya ang nag alok ng tulong sakin!" galit na galit na talaga ako, baka mamaya tamaan sakin tong babaeng to+__+

"aba! ang kapal naman ng face para sabihing si Ralf ang lumapit sayo! feelingera ka din eh no? Why would Ralf offer help to a trash like you?"

sa sobrang inis ko tumalikod na lang ako baka kung ano pa ang magawa ko dito ayokong magkaroon ng record sa first day of school

"Kinakausap pa kita!Wag mo sabi akong talikuran! Girls, hold her"

pumunta naman sakin yung mga kasama nyang alagad at hinawakan ang magkabila kong kamay at dinala ako sa harapan ng malanding babaeng yon. Madami na palang nanonood sa eksena namin

nagulat ako ng bigla akong sinampal nung babae. Grabe ang lakas nung sampal nya feeling ko umaapoy yung pisngi ko, kung hindi lang ako hawak ng dalwang babaeng to kanina ko pa nasapok ang malanding to!

" worst pa dyan ang aabutin mo, pag hindi ka pa lumayo Kay Ralf. Back off bitch. He's Mine. Let's go girls " tinulak at  inirapan nya pa ako

binitawan naman ako nung dalawang alipores nya. Aalis na Sana sila kaso bigla kong hinila yung buhok nung babaeng sumampal sakin

" Akala mo ba palalampasin ko lang yung pag sampal mo sakin? You don't know me girl" Sinampal ko sya at parang nagulat naman sya dahil hindi pa din sya makagalaw, hawak hawak nya lang yung pisngi nya habang nakatingin sakin

tumalikod na ako sa kanina ayokong makita ang mga muka nilang nilagyan ng makapal na make up, eww

"oh, and one more thing. I'm not a coward, if you call me that again, one more time, I will make your life a living hell" and with that umalis na ako nawalan na rin ako ng ganang kumain tumambay na lang ako dun sa isang bench malapit sa soccer field nang may biglang lumapit sakin na babae...

ang isa sa pinaka kinatatakutan na babae sa gangster world

"Hi Erin, it's been a long time..."

hindi ko inaasahang makikita ko ulit sya

A/N: hello sana po nagustuhan nyo yung Simula, thank you all the love x

Breaking the Bad Boy's heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon