"Ma'am, sumakay na po kayo sa helicopter, pinapasundo po kayo ni Sir." Naputol ang pag usyoso niya sa paligid ng marinig ang boses na iyon. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung bakit siya naroon sa lugar na iyon, isa iyong aviation base na rin sa mga nakikita niyang mga eroplanong maliliit at sa mga helicopter na naroroon sa loob ng parang warehouse na lugar na kinaroroonan niya. Hindi niya alam kung paano siya nakarating doon at takang tiningnan ang nagsalita na sa tingin niya ay isang piloto dahil sa suot nitong puting uniporme at pantalong itim.
Nagpatianod siya ng igiya siya nito sa hagdan paakyat ng helipad kung saan naghihintay ang sa palagay niya ay ang sasakyan nilang helicopter. Wala siyang ideya kung saan sila pupunta, pagdating sa loob ay may sumalubong sa kanya na isang nakangiting babae. Tinulungan siya nito na maupo sa likuran ng piloto at pinasuot sa kanya ang headset na gagamitin saka ito umupo sa tabi ng piloto. Matapos siyang lingunin ng piloto at tinanguan ay nagsimula ng umangat ang helicopter. Sa palagay niya ay malayo ang kanilang lalakbayin kaya naisipan niyang pumikit hanggang sa makatulog siya.
Nagising siya dahil sa naulinigan niyang mga boses na nag-uusap na tila may hinahanap. Nagulat siya ng makitang nakatulog pala siya sa isang mesa, ang pagkakaalam niya ay nakasakay siya sa helicopter, ano ang ginagawa niya sa lugar na iyon at doon pa siya natutulog? Paglinga niya sa paligid ay nakita niya ang dalawang lalaki na tila nagtatalo, isang binata at isang may katandaan na. Paroo't parito ang binata at hindi mapakali habang ang matanda ay pilit itong kinakalma. Namataan siya ng mas matandang lalaki nang minsan itong luminga sa gawi niya at itinuro siya sa kasama, agad namang lumapit sa kanya ang younger guy and he hugged her.
BINABASA MO ANG
Love Song Stories 2: OF ALL THE THINGS
ChickLitFrance decided to have a vacation on their province to seek herself and satisfy her adventure-seeker body. On the way there, she met Renz and instantly make a connection with him. Hanggang sa pagdating sa kanilang destinasyon, ay naging mas close p...