Kahit masakit na ang mga mata ni Francesca dahil sa halos dalawang oras na pagharap sa computer ay hindi pa rin siya sumusuko. Siya na lang ang gising sa kanilang bahay. Alas dos na ng madaling araw pero eto at nasa harap pa rin siya ng computer at naghahanap ng trabaho online. Parang gusto na niyang sumuko sa tatlong araw niyang pagja-job hunting sa internet. Lahat na yata ng trabahong alam niya ay inilagay na niya sa search bar,ultimo ang housekeeping ay naghanap na rin siya pero bigo pa rin siyang makahanap.
Tatlong araw na siyang walang trabaho dahil umalis siya sa pinagtatrabahuhan sa kadahilanang ginagamit ng boss niya ang kanyang talino at kaalaman para ito umangat sa posisyon. Pinapagawa sa kanya ang mga trabahong dapat ay ginagampanan nito, at sa huli ay palalabasin na ito ang may gawa at siyempre ay wala sa kanya ang credits. Nang mapagod sa ganoong sistema ay nag-resign siya, Nagtataka pa nga siya sa sarili kung paano siyang nakatagal sa ganoong trabaho. Siguro kasi ay kinonsidera niya pa ang mararamdaman ng ninang niya na siyang nagpasok sa kanya sa trabahong iyon bago nagdesisyon. At dahil na rin ang trabahong iyon ang nagtutustos sa kanyang pag-aaral para matapos ang kursong kinukuha. Last semester na niya kaya naman todo hanap siya ng mapapasukang part-time. Hindi pa kasi siya pwedeng mag-full time dahil nag-aasikaso pa siya ng graduation niya kaya indefinite ang oras niya.
Sandali siyang tumigil sa pagsesearch at nagbukas ng bagong tab para pumunta sa you tube at maghanap ng music videos ng mga kantang gusto niyang pakinggan ng mga oras na iyon. Ni log-out na rin niya ang facebook niya dahil wala naman siyang ka-chat. Kung meron mang naka-online for sure mga busy rin ang mga iyon at walang oras para i-chat siya. Sinandal niya ang likod at sandaling napatitig sa monitor ng computer na para bang doon makikita ang hinahanap.
"Hay, naku naman hanggang kailan kaya ako magiging ganito. Ayoko na!"pigil ang pagsigaw na sambit niya sa sarili. Gusto niyang umiyak pero ayaw lumabas ng luha niya at ayaw makisama nito sa pag-eemote niya. At ayaw niya rin na marinig siya ng mga kasama sa bahay na lahat ay naghihihilik na sa pagtulog. Bagaman hindi siya inu-obliga ng parents niya na tumulong sa gastusin sa bahay, she felt responsible pa rin. Ayaw man niyang maging pabigat ay tila naman hinahabol siya ng kamalasan. After four years of lacking confidence at pagkukulong sa bahay ay nagkaroon nga siya ng trabaho pero tumagal lang ng halos anim na buwan. Hindi niya tuloy malaman kung siya ba ang may problema o ang trabaho mismo. Her bestfriend Keiandra suggested na umuwi muna siya ng province nila after her graduation rites to relax and do some self searching. She's considering it but she have to wait for more than two weeks before siya makaalis dahil nga sa graduation na hinihintay niya.
Ginalaw niya ang mouse dahil nagbablack na ang screen ng computer, saka niya lang nakita na nasa Google ang tab at nagbiblink ang mouse pointer sa search box nito. Naisip niyang i-type ang Personal Assistant job at i-search, marami ang lumabas na result. Tinitigan na muna niya ang mga nakasulat sa screen parang gusto pang magbago ng isip niya. Sa dami ng mga lumabas na result ay sumakit ang ulo niya at hindi na niya binasa pa isa-isa.
"Kahit naman gusto ko ang trabahong ito hindi pa ako puwede dahil sa graduation ko. At saka malayong lugar ang gusto ko hindi dito sa Manila. Hay naku!" mahinang sambit niya sa sarili.
Nang hindi na malaman ang gagawin ay pinasya niya na lang na i-off na ang desktop nila at matulog na. Pagdating sa kuwarto niya ay nahiga siya agad pero hindi siya makatulog, kinuha niya ang kanyang cellphone at nakinig ng music. Pinatay na niya ang ilaw at pumikit, pero pagkalipas ng ilang minuto ay hindi pa rin siya hinihila ng antok. Nagpasya siyang tumayo at magtimpla ng gatas para antukin, limang minuto bago mag-alas tres ang oras sa kanilang wall clock ng tingnan niya iyon pagdaan sa sala.
Pagdating sa kusina nila ay nag-init na siya ng tubig sa electric kettle nila, dinamihan na niya para hindi na mag-init pa ng tubig ang Mama niya paggising nito ng alas-kuwatro. Tumayo siya sandali at kinuha ang notepad nila na pinaglalagyan ng mga oras ng gising nila at sumulat sa mama niya na nag-init na siya ng tubig. Pagbalik niya sa kusina ay naglagay na siya ng gatas, asukal at konting kape sa tasa niya at hinintay na kumulo ang iniinit na tubig.
BINABASA MO ANG
Love Song Stories 2: OF ALL THE THINGS
ChickLitFrance decided to have a vacation on their province to seek herself and satisfy her adventure-seeker body. On the way there, she met Renz and instantly make a connection with him. Hanggang sa pagdating sa kanilang destinasyon, ay naging mas close p...