Chapter 2

1 0 0
                                    

Lorenz can't help but to swear dahil sa kamalasang nasuungan. Nasira ang sasakyan niya bago pa man sila makalabas ng mall sa Alabang. Alas-kuwatro pa lang ng hapon at sumasabay sa init ng panahon ang init ng ulo niya dahil sa nangyayari.

"Ano, Mang Jun, magagawa niyo po ba yan?" usisa niya sa kasamang driver, sumilip na rin siya sa hood ng sasakyan niya at tinitingnan ang ginagawa nito.

"Eh, sir, mapagawa ko man po ito, baka bukas pa po matapos ito." saad ng driver at pinaliwanag sa kanya ang sira ng sasakyan.

Naiinis na sinuklay niya ang buhok gamit ang kamay, kailangan niyang makabyahe ngayong araw dahil bukas ng hapon ay aatend siya ng seminar organize by college students. Hindi pwedeng hindi siya dumalo dahil siya ang guest speaker ng nasabing seminar at ayaw niyang magpa-special treatment. And besides nangako siya sa adviser ng klase na nag-organize na siya mismo ang magi-speaker at ayaw niyang sirain ang pangakong iyon. He can't break a promise to someone special to him na si Neriza.

"Eh, paano tayo makakabyahe nyan? Kailangan kong makaalis ngayon dahil sa seminar bukas."

"Ahm, sir, mag-commute po muna kaya kayo, may byahe naman ang bus papunta sa atin hanggang alas-nuwebe ng gabi eh. Sa terminal na lang po kayo mag-abang, sasamahan ko po kayo at pag-alis niyo ihahatid ko na po ito sa casa ng kaibigan niyo." paliwanag ni Mang Jun.

Napatingin siya sa matanda at pinag-isipan ang suhestiyon nito. Ang pagko-commute ang natitira na lang na paraan para makabyahe siya ngayong araw at makaabot sa seminar bukas. Traveling by plane is out of the options dahil MWF ang byahe ng eroplano sa probinsiya nila, at umaga lang. And tomorrow is one of the days na walang byahe ang eroplano. Napatingin siya sa gawi ng terminal na nasa labas ng mall na kinaroroonan nila at tiningnan ang sitwasyon. Mukha namang konti lang ang pasahero dahil off season. Inilabas niya ang cellphone at tinawagan ang kaibigan niyang may-ari ng isang bus line sa kanila.

"Hello, dude, can I ask a favor?"

Nang umoo ang kausap ay pinaliwanag niya ang sitwasyon at agad naman siya nitong tinulungan. Pinutol na muna nito ang pag-uusap nila dahil may kakausapin lang daw ito, at sa pagtawag nito muli niya malalaman ang mga impormasyong kailangan niya. Matapos makipag-usap ay binalingan niya ang kasamang driver.

"Tara, manong, kumain muna tayo." Tumango lang ito at sinara ang sasakyan saka sumunod sa kanya.

Pagkalipas ng halos sampung minuto ay tumawag ang kaibigan niya. Informing him na sure na dadaanan siya ng bus sa terminal ng mall. Binigay nito sa kanya ang bus number at sinigurong nakareserve na sa kanya ang isa sa mga upuan doon. Pagkatapos magpasalamat ay nagpaalam na siya at pinagpatuoy ang kanyang pagkain.

"Alabang!" sigaw ng konduktor ang pumukaw sa tahimik na pagsusulat ni France. Nang tumingin siya sa labas ng bintana ay nakita niyang papasok na ang bus sa terminal na sandali nitong hihintuan para daanan ang mga pasaherong naroroon. Kinuha na niya ang paper bag na nilagay niya sa katabing upuan at ibinalik iyon sa may ilalim ng upuan niya.

Abala siya sa pagtingin sa labas ng marinig niyang magsalita ang konduktor.

"Dito po ang upuan niyo, Sir." naramdaman niya na may umupo sa tabi niya pero hindi na siya nag-abalang lumingon.

"Patay lalaki nga ang katabi ko, ang lakas mo talagang manalangin kuya." nakapikit na kausap niya sa sarili at mahinang iniuntog ang ulo sa bintanang salamin.

Naramdaman niyang may kumalabit sa kanya kaya napilitan siyang lumingon sa kung sino man ang nang-abala sa kanya. Paglingon niya ay nakita niya ang isang nakangiting lalaki, nakapolo ito na ang manggas ay nakatupi sa may siko, at kasalukuyang nagpupunas ng pawis sa noo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Song Stories 2: OF ALL THE THINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon