Kyra's POV
Saturday morning, na sa may swing nanaman ako. Mas madalas pa yata ako dito sa playground kesa sa bahay. Ang gulo kasi dun e! Lagi nalang may nag-aaway, maliliit man o simpleng bagay pinag-aawayan pa. Hindi ako masaya na nakikitang nag-aaway sila mommy at tatay, sino bang may gusto na makitang nag-aaway ang magulang nila?
Sa edad kong 'to.. well, I'm 10 years old. Hindi pa siguro ko naiintindihan ang lahat.
Naramdaman kong may pumatak sa noo ko. Tumingin ako sa kalangitan. Dumidilim. "Uulan ba?" Pabulong kong tanong sa sarili ko, "pero ayoko pang umuwi! Please! Rain, rain go away. Come again another day~"
*TSSSCCCCHHHH*
"AHHHH!" napa-yuko ako at tinakpan ang ulo ko gamit ang kamay ko. Takot ako sa kidlat! Sobra! No, 'wag ngayon please!
Bumuhos na ang malakas na ulan. "Ugh, great!" Tumingin-tingin ako sa paligid at nag-hanap ng masisilungan. Bigla kong naalala na merong tree house dito na hindi naman kalayuan. Tumakbo agad ako dun at umakyat. Wala na muna akong pake kung kanino 'to basta HINDI. AKO. UUWI.
BINABASA MO ANG
Can't Help Falling In Love
FanfictionNung araw na nakilala ko siya, sobra akong malungkot.. pakiramdam ko nga buhat ko na lahat ng problema sa mundo. Hahaha! Ewan, paano, bakit, hindi ko alam kung nag-kataon lang ba na dumating siya or sadyang nakalaan talaga na makilala ko siya. Well...