"Have anyone ever told you how beautiful your eyes are?" Napalunok ako. Siya lang nag-sabi sakin non! Ang weird niya talaga! Ano bang problema niya? Is he trying to seduce me or something? Ugh! Ano ba 'tong iniisip ko. Ew! "Tama nga si mommy, maganda ka talaga." Nagulat ako ng bigla niyang nilagay yung kamay niya sa pader na nasa likod ko.
Napa-yuko ako at nararamdaman kong umiinit ang pisngi ko. "I-I know right! H-hey get off me!"
"Why? I didn't do anything. Yet." Nag-smirk siya. What the actual fu-
Tumili ako at tinulak siya.
*TSSSCCCCHHHH*
"WAAAAAAH!" Na-out of balance ako at naramdaman kong napabagsak ako sa malambot na bagay. Hindi ko alam kung ano yun kasi nakapikit ako. Pag-dilat ko, nakita ko yung mukha ni-
Tumawa siya ng malakas, "you're so adorable, you know that?"
Nanlaki yung mata ko at kaagad na tumayo. "Ew!" I glared at him.
"Gusto mo naman." nag-smirk siya. Ugh! What the hell!? Ang kapal ng mukha! Kamukha niya si Barney.
"Arrrrgh! You jelly-belly!" sigaw ko sakanya at sinamaan siya ng tingin. Tumalikod ako at umupo sa isang bangko. Yumuko ako ay hinawakan ang ulo ko. Ugh, ang sakit feeling ko magkaka-sakit ako. Kapag talaga tumigil na 'tong ulan, tatakbo agad ako sa bahay kahit ayoko pang umuwi basta magtatago ako sa creep na yan! Deshi!
"O-okay ka lang ba?" Hindi ko siya pinansin. Bahala ka diyan. "Huy?" lumapit siya sakin at hinawakan yung noo ko at nagulat ako dahil sa ginawa niya at tumingin sakanya. "Ang init mo!" Inalalayan niya 'kong tumayo at pinaupo sa couch, medyo kasing laki ko lang. "Teka, diyan ka lang." Pumunta siya sa isang malaking box at binuksan yon.
"A-anong.. ginagawa mo..?" tanong ko sakanya. Pakiramdam ko nanghihina ako. Humiga ako dahan-dahan sa sofa. Uh, ang lamig. Lumapit siya sakin at nilagyan ako ng kumot. "... piggy.." bulong ko. Dahil don napatingin siya sakin. Akala ko maiinis siya pero hindi, nginitian niya 'ko.
"Ang cute mo pa rin kahit may sakit ka." Ngumiti ako sakanya. Hindi naman pala siya ganon ka - weird. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Ugh! Inalis ko yung ngiti mula sa mukha ko.
"Um... ano bang pangalan mo?" tanong ko.
He smiled, "Kyle Evans Collins."
"Ang ganda ng pangalan mo.. hindi bagay.. sayo." Tumawa siya. Luh? Anong nakakatuwa sa sinabi ko? Sobrang masiyahin naman nito. Pero okay lang 'yon, minsan lang naman ako makakita ng taong masiyahin.
"Pang-ilan ka na sa nag-sabi sakin niyan." Napatahimik ako sa sinabi niya. Na-konsensya tuloy ako sa sinabi ko, sa mga sinabi ko sakanya kanina. Tumayo siya, "aalis muna ako."
"H-ha? Saan ka pupunta? Iiwan mo 'ko dito..?"
"May bibilhin lang ako. Saglit lang naman e, babalik din agad ako."
"P-pero..."
Ngumiti siya, "mamimiss mo 'ko? Agad-agad? Grabe siya."
"Ewan ko sayo!" Umiwas ako sa tingin niya. Ngumiti siya at binuksan yung pinto. May malakas na hangin na pumasok, kailangan niya ba talagang umalis? Delikado. Lumabas siya at sinara ang pinto.
"Ingat ka..." bulong ko.
Maya-maya bumalik siya na may dalang paper bag. Hindi ko na nakita yung iba niyang ginawa.
"A-ano yan?"
"Hindi ba halata?"
"Do you think I'm stupid!? What I mean is, para saan 'yan?"
"Sayo." Matipid niyang sagot.
"Teka.. baka may nilagay ka diyan ah?"
Tumigil siya, "anong tingin mo sakin? Ipapahamak ka? Binili ko to tsaka 'wag ka ng maarte, nga-nga."
Dahan-dahan kong binuksan ang bibig ko at sinubuan niya ko.
Pagkatapos nun tumayo ulit siya at bumalik sa tabi ko. "W-wait, anong gagawin mo?"
"Yan ka nanaman, paranoid ka nanaman. 'Wag kang O.A. Siguro naman ginagawa sayo to ng mommy mo."
Napa-yuko ako at hinayaan siyang punasan ang braso ko. "Ang lamig."
"Malamang. Alangan namang mainit, kaya nga yelo diba?"
I push him playfully, "ewan ko sayo, pilosopo." bulong ko sa sarili ko.
"Ano?"
"Wala!" Inirapan ko siya.
"Retard."
"Wh...!?" Bigla niyang nilagay yung bimpo sa noo ko.
"Sana bumaba na yung lagnat mo." Tumayo siya at tumalikod.
"W-wait.." hinawakan ko siya sa kamay, halatang nagulat siya sa ginawa ko, "T-thank you Kyle.."
"..." Humarap siya sakin at ngumiti. Nanlaki yung mata ko. Binitawan ko yung kamay niya at tumalikod. Pakiramdam ko namumula yung pisngi ko! Ugh! No! Hindi ko nakita yung kanina! Hindi!
"S-sige Kyra, um, mag-pahinga ka na muna... medyo maulan pa e kaya hindi ka pa puwedeng maka-uwi, b-baka kasi ano.. magkasakit ka lalo. Tsaka, maaga pa naman kaya pwede ka pang makapag-pahinga kahit saglit lang." Tumango ako at pinikit ang mata ko. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
BINABASA MO ANG
Can't Help Falling In Love
FanfictionNung araw na nakilala ko siya, sobra akong malungkot.. pakiramdam ko nga buhat ko na lahat ng problema sa mundo. Hahaha! Ewan, paano, bakit, hindi ko alam kung nag-kataon lang ba na dumating siya or sadyang nakalaan talaga na makilala ko siya. Well...