Entry No. 04

4.2K 82 17
                                    

4

Ganun kami kadali natapos ang lahat sa amin ni Maira. Tinamad na naman ako mag-aral kaya pagkatapos ko ng 3rd year ay umalis na ako sa Clear City (made up city ko lang) at bumalik na ako sa Abacus (made up lang din).

The next school year, di na ako nag-aral. Talagang that time never kong ma-appreciate ang salitang ''move on''.

Pumasok ako ng trabaho as computer shop attendant. Mas okey na rin ito kesa magbilang ako ng butiki sa bahay hanggang sa matagpuan akong wala nang buhay. At ang cause of death: BOREDOM AND INSANITY.

Ayos naman ang trabaho ko. Enjoy at wantu-sawa ang PC. Kaya lang wala silang Cafe Manila kaya ako ang nagmistulang ''walking Cafe Manila''.

''PC wan, tu, tri, fur, payb...Taym na!!''

''Ate, kuya, extend pa?!''

''Hoy bata! Kanina ka pa time! Oorasan na kita!''

''Labas po ang mga tambay, naka-aircon po kami. Hindi lalabas ang aircon para sa inyo.''

Ilan lang yan sa mga famous lines ko sa shop.

Hay, talagang nawalan na ako ng interest sa love.. That time, ang pag-ihi na lang talaga ang reason para kiligin ako.

n_n

Until, i realize.. Nagiging mature na ako. I earn money for my self at natanggap ko na ang nangyari sa amin ni Maira.

I will face the world with strength on my face and a V-Sign on my both hands.

v(=_=)v

Napag-isip isip ko rin na mag-aral na next school year...

No one can bring me down!

Before mag-start ang next school year ay nag-resign na ako sa shop kasi mag-aaral na ko ulit.. Pero ayaw akong pakawalan ng boss ko kasi magaling daw ako.

ALALALALALALA!

Kaya napag-usapan namin na kapag weekdays 5PM to 9PM ako papasok ng shop tapos 9AM to 9PM kapag weekend. Tinanggap ko na kasi para may extra-money ako while studying. Oh diba, working student drama ko? :))

Ano naman kaya ang mangyayari sa muli kong pag-entrada sa new school ko?

hmm..

ABHA-HA-NGA-AN!

Mr. Simple (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon