Entry No. 09

3.4K 59 12
                                    

HALOS one hour na yata kaming nag-iinom at bangenge na kaming lahat.

Teka, i need some fresh air!

''Schoolmates, sandali lang ha,'' tumayo na ako.

Medyo umiikot na ang world wide ko kaya naupo muna ako dun sa mahabang bangko.

Then, may naramdaman akong tumabi sa akin. Paglingon ko, si Janna pala!

Bigla niyang inihilig ang ulo niya sa balikat ko. (o_o)

Totoo ba to?

Sinampal, kinurot, tinadyakan at ti-naekwando ko sarili ko at...THIS IS NOT A DREAM!

Hindi ba ang sabi niya paglasing na siya ay humihilig siya sa balikat ng mahal niya.

Pero hindi eh...May syota na siya. Wag kang mag-ilusyon Soju!

Talagang ninamnam ko ang moment na un. Kileeeeg!!!

''Janna, dun ka muna sa kwarto. Lasing ka na, eh,'' nakalapit na pala yung kaibigan ni Janna na si Tella.

Iniwan na ako ni Janna pero maya-maya ay sinundan ko siya sa kwarto. Nadatnan kong pinapainom ni Tella ng kape si Janna.

Biglang umalis si Tella kaya kaming dalawa na lang ang naiwan.

Nilapitan ko si Janna na nakatayo sa higaan.

''OK kana?'' tanong ko.

''Medyo. Nahilo lang ako dun sa amoy ng beer.''

''Gusto mo...Balik na tayo sa kanila?''

''Sige,'' sagot niya.

Kinuha ko yung sandals niya at ako mismo nagsuot nun sa kanya.

Tuwang-tuwa siya kasi para daw siyang Cinderella.

Magkadikit kaming bumalik sa inuman.

Umupo na ako pero si Janna ay nakatayo lang sa gilid ko. So, ang ginawa ko, I grabbed her arms while I kept saying these words: ''Janna, mahal na mahal kita kahit na di mo ako mahal...Mahal na mahal talaga kita eh!''

Hindi ko alam kung ilang beses kong sinabi yun. Corny, pero di na ako nahiya.

''Oo na. Alam ko...'', tanging sagot ni Janna habang hinahaplos niya pisngi ko.

Wala talaga akong tigil sa pagsasabi na mahal ko siya. Kahit ako, medyo nakukulitan na sa sarili ko.

''Kuya Soju, tama na yan...Lasing ka na,'' sabi sa akin ni Tella.

Ayun na nga, pinasok na nila ako sa kwarto hanggang sa makatulog na ako....

ZzzZZZzzzzzz......

to be continued...

Mr. Simple (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon