Entry No. 07

3.8K 69 28
                                    

''WOW! Fiesta na pala sa inyo next week, punta ako huh!''

Sabi ni Viva nang nasa canteen na kami. Recces kasi that time. Kumakain kami ng minatamis na saging at may RC Cola.

''Oo na! Kahit di ka naman invited pumupunta ka. Gate-crasher! Ay, balita ko labidoo mo na si Jestoni..''

''Oo kami na nga! Nung acquaintance party ko siya sinagot..'', nag beautiful eyes pa si Viva na parang kilig na kilig.

''Landi mo talaga, bez!''

Siniko niya ako sabay may itinuro siya sa akin. Pagtingin ko sa itinuro niya nakita kong papasok ng canteen si Janna.

''Si Janna ayan, kilos na!''

''Huh? A-anong gagawin ko?''

''Ilibre mo! Pogi points yan. Bilisan mo!''

Sinundan ko si Janna hanggang sa pilahan ng pagkain...

Natingin pa siya ng pagkain at ako naman ay parang tuod na nakatayo sa gilid niya. (=_=)

Nagulat pa si Janna nang paglingon niya sa gilid niya ay naroon ako.

''Ay, Soju! Bibili ka rin ba?''

''Ah-eh, hindi. Ililibre kita sana...''

''Totoo ba yan?'', nakangiti pa niyang sabi.

''Oo naman! Pili ka na..'', kamot sa ulo. (-_-)>

''Ikaw na kaya ang pumili, kaw manlilibre ei..''

(-_-)> kamot ulit ako sa ulo.

''Ah...Sige.'', sagot ko.

Teka, ano bang pipiliin ko? Kinakabahan ako.

Dapat yung magugustuhan niya.

Dapat yung masarap.

Dapat yung mahal para di ako magmukhang cheap!

Teka, ano ba?

Burger? Suman? Cheese Curls? Carbonara? Sopas? Lollipop?

Think! Think! Think!

Mag-isip kang mabuti Soju. Pinag-iisipang mabuti ang dapat ipakain sa love mo.

Burger? Suman? Cheese Curls? Carbonara? Sopas? Lollipop?

AHA! Alam ko na!

''Lollipop!'', sabay abot ko ng strawberry flavored lollipop kay Janna.

''T-thanks. Your'e so..Thoughtful?'', bakit ganun, parang questionable pa yun pagiging thoughtful ko?

''May bubble gum pa yan sa loob!'', pagbibida ko sa lollipop.

''O-OK.'' -_- sagot nya.

''Magkano yun ate?'', tanong ko sa tindera.

''Piso!''

Nagbayad ako tapos nagba-bye na sa kanya. For sure matutuwa si Viva sa ginawa ko.

Mr. Simple (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon