(7) Hangover

30 0 0
                                    

Sobrang sakit ng ulo ko pagkagising ko.

Naka-apat na bar kami kagabi. At hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

Ako na lang mag-isa dito sa condo.

Hinatid lang siguro ako kagabi. Kung paano kami nakauwi? Hindi ko alam!

Nag-ring ang phone. Si mommy na sobrang namimiss ko na

"Mom! How are you? Hows dad? Hows Ian? How about John? I miss you all!" Tuloy tuloy kong sabi.

Nabanggit ko bang may dalawa akong kapatid na lalaki? Ako ang panganay.

Sumunod si Ian, 19 yrs old. Sobrang pasaway, pero masunurin

Bunso naman si John, 14 yrs old. Baby damulag. Gusto lagi may katabi matulog.

"Hinay hinay anak. We're good here. Your dad's at work right now. And your brothers are asleep. How are you my princess?"

"I'm fine po. Mom? Can I extend my vacation here? Pwede bang 6 months pa?" ewan ko ba. Bigla ko lang naisip mag-stay pa.

"Ano? 6 months?! Nahihibang ka ba, anak? Mauubusan ka ng pera!" pasigaw na sabi ni mommy.

"Mom, I can work here. I'll find one. Parang ang sarap lang maging independent. I'm already 21. I guess I will learn so much from this" please, I hope I can convince my mom!

"I don't know anak. Your dad and I will talk about it, okay? Magiingat ka dyan. Wag mong bibigyan ng sakit ng ulo mga tita mo."

"Yes, mommy. I miss you all. Ingat din po kayo dyan. Sana po pumayag kayo na mag-stay pa ako dito. I love you mom!"

"I love you too, anak! Bye" binaba na ni mommy ang phone.

Ugh! I hope pumayag sila. I wanna try new things.

Hanap na kaya ako ng work? hmmmmm

My Famous BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon