(5) The end

34 0 0
                                    

Ano, Angel?

Ang sakit!

Ilang araw ka na depressed!

Juskoo naman!

Wake up!

Move on te!

Yan ako habang naglalakad sa labas ng condo ni tita Betchay.

Doon muna ako naka-stay for the meantime. Libre naman, so why not?

"Anj?" Napatingin ako sa likod ko.

Si Matthew. Ang gwapo nya pa din. Ngayon ko lang natitigan mukha nya simula nung nagkita kami.

Nanginginig tuhod ko. Grrrr!

"Kamusta ka na? May dala akong Stick-O at gulaman!" todo ngiti nyang sabi.

Alam nyang favorite ko ang Stick-O at gulaman. Nakakainis sya!

"Anong ginagawa mo dito? Pwede umalis ka na? Baka hinahanap ka na ng syota mo." malamig kong sabi saknya.

"Please Anj? Sorry? Hindi ko na alam sasabihin ko. Sorry. Please? Eto na favorite food mo oh?" paglalambing nya.

"Peace offering, ganon? Di mo ko madadaan dyan. Hindi ko na favorite yan" e bakit ba? Nasaktan talaga me eh. tse!

"Angel Mari, I'm really sorry. Bata pa tayo nung nagpromise ako. Ang daming nagbago, ako at ikaw. Hindi na tayo yung dating Matthew at Angel. Hindi ko alam na seseryosohin mo pala lahat. Sorry."

Sobrang sakit ng mga naririnig ko.

Hindi ko na kaya.

"Akala ko iintayin mo ko Matthew. Pinanghawakan ko yun! Kung para sa'yo larong bata lang yun sa akin hindi! Ang daming pagkakataon na pwede akong ma-in love sa America. Pero lagi kang nasa isip ko. Ni minsan hindi mo nabanggit sa akin na hindi mo na ako mahihintay. Sana Matthew hindi mo ko pinaasa sa promise na binitawan mo!"

Tuloy tuloy yang lumabas sa bibig ko. Parang sasabog dibdib ko.

"Umalis ka na. Ayoko nang makita ka kahit kailan. Kakalimutan ko na lahat lahat." tumakbo ako pabalik sa condo.

Hindi ko na namalayan ng mabangga ako sa isang lalaki.

Teka, pamilyar mukha neto ah?

pero dahil umiiyak ako. Hindi ko na masyadong napagmasdan mukha nya.

"Okay ka lang Miss?" narinig kong sabi nya.

"Oo." at tumakbo na ulit ako.

My Famous BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon