(10) Boss masungit

56 1 1
                                    

Binigay na sa akin ni tita Barbie ang listahan ng mga gagawin ni Emmanuel. Ang dami pero keri naman. Malaki din ang bayad sa akin. May pang-gimick na ulit! Wooo! Hahaha joke lang syempre.

Pumunta na ko sa unit ni Emman. Sa 5th floor sya at ako naman ay sa 3rd floor. Sabi sainyo parehas kami ng condo. Soulmate eh. Haha joke!

Ang tagal ko na nag-ddoorbell. Mala-late na sya sa taping! ugh!!

"EMMANUEL MARK GARCIA!!!!" sigaw ko habang hinahambalos ko pintuan nya.

biglang bumukas ang pinto at bumungad sa harap ko ang bagong gising na si Emman.

Ang gwapo gwapo nya!

Ay jusko! Patawarin nyo ko. Kapag ako hindi nakapagpigil susunggaban ko to!

"What the heck are you doing? Sisirain mo ba pinto ko! Hah?!"

"Aba! Pasalamat ka nga at ginising pa kita! Malay ko ba kung binabangungot ka na dyan!"

Nakakainis! Siguro nga tama sila. Magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising! grrrr

"Anong oras na ba? Mala-late na ko! Bakit ngayon ka lang!? Ayusin mo na gamit ko! Yung breakfast ko pakihanda" Wow. Utos yan ng hari!

"Yes, your majesty. Your wish is my command!" I said sarcasticly.

Inayos ko gamit nya habang nagluluto ng breakfast. Eggs and bacon lang. Alangan naman ipaghanda ko sya ng bongga!

Napatingin ako sa bedroom nya, kita kasi sa living room.

At ang napakagwapong nilalang ay naglalakad pabalik balik...

nakatwalya

basang basa

may abs

Oh tuksoooo! Layuan mo ako!!!

Amoy sunog..... wait....

"OMG!!!! Yung bacon!!!" nakalimutan ko nagluluto pala ako!

napatakbo si Emman papunta ng kitchen..

"Ano ba naman! Pwede ba gawin mo naman ng tama yan! Palpak ka naman! Bakit ba kasi ikaw kinuha ni ate Barbie! " Masungit nyang sabi habang nililinis yung nasunog kong bacon... twalya lang ang suot... basa pa... ohhhhhh

"Aray naman boss! First day ko palang. Pwede familiariaze ko muna sarili ko sa work na to?! Wala ka nang makikitang kasing ganda kong alalay kaya wag kang choosy!"

"tsk tsk. ewan ko. Bahala ka dyan!!!"

At nilayasan na nya ako.

Magbibihis na yun! Sayang! hahaha nanghinayang? Matagal ko pa makikita yan. Mehehehe

"Ano tapos ka na? Tignan mo, 15 mins na lang call time na! Baka matraffic pa tayo! Ang bagal mo!"

Nakakabwisit ka na boss! Natataranta na nga ako dito! Upakan kaya kita dyan?!

"Yes boss! Tapos na po. Napakamainipin mo naman!"

Pagdating namin sa sasakyan, sya na nagdrive.

"Nasan yung driver boss?"

"Day off nya"

"Baka naman hindi ka marunong magdrive. Ayoko pa ma-deds"

"Ibabangga ko talaga to kapag hindi ka nanahimik!"

"Ok. go boss! Ingat ka! :D"

Ang sungit! Bahala ka!

Nakakaantok

Matutulog muna me.

zzzzzzzz

My Famous BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon