"Misis Ice!"
Napa-simangot si Belle nung marinig nya ang tawag na yun. Kahit ndi na sya tumingin kilala na nya kung sino yung sumisigaw. Lagi na lang, araw-araw binu-bwisit sya nang gagong yun!
"Sinabi ng hindi Ice ang pangalan ko, alam mo yan, bwisit ka!"
"Basta ikaw si Misis Ice."
"Ano bang problema mo Clark? Sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos wala ka ng ginawa kundi bwisitin ako at tawagin sa ganyang pangalan. Ang mas lalo pang nakaka-inis, may Misis pa sa unahan!"
"Eh basta yun ung gusto ko tawag sa'yo. at kahit anong gawin mo, ndi ko babaguhin ang tawag ko sa'yo. Mananatili kang si Misis Ice sa paningin ko."
Pagkasabi nun ay malawak na ngumiti si Clark kay Isabelle bago sya umalis. Naiwan na naman busangot ang mukha ng dalaga.
"Grrrrr, kainis ka talagang Ice ka!"
Pero kahit naiinis sya sa binata pag tumatalikod naman ito napapangiti sya. Paanong hindi eh crush nya ito. Since first year college yung mga mata nya dito lang nakatutok, at ngayon nga na fourth year college na sila at ga-graduate na ito pa rin ung crush nya. Oo na, crush nya talaga ang kulugong Clark na yun, swerte nga nya at sa dami ng babae sa campus eh sya lang lagi inaasar nito. Tuwa pa talaga sya na inaasar sya ha!
"Belle!"
Napalingon ang dalaga ng marinig na may tumatawag sa kanya. Si Trisha pala, ang bestfriend nya since high school pa.
"Oi Bestfriend!"
"Kamusta? Mukhang byernes santo na naman yang mukha mo ah?"
"Eh alam mo na kung bakit. Wag ka na lang magtanong at lalo akong naiinis."
"Ah si Clark na naman ba?"
"Wala ng iba pa, ang nag-iisang peste sa buhay ko!"
"Peste pero crush mo?"
"Pssst, wag ka nga maingay baka may makarinig."
"Alam mo Belle, feeling ko may gusto yun sa'yo."
"Wala syang gusto sa akin, paborito nya lang nya ako asarin."
"Hindi Bestfriend, may gusto talaga yun sa'yo."
"Paano mo naman nasabi Bestfriend?"
"Eh paano since nagkakilala kayo wala na sya ginawa kundi asarin ka. Ni wala nga sya pinapayagan babae na lumapit sa kanya. At ang mas malala may sumubok pa lang lumapit sa'yong lalaki hinaharangan nya na."
"Anong sinabi mo?"
"A-aaaah wala, wala Bestfriend. Una na ako sa'yo. Daan pa ako library eh."
Pagkasabi nun ay dali-dali na itong umalis at iniwan syang naguguluhan. Lumipas ang buong araw at nakalimutan nya naman yung sinabi ng bestfriend nya.
"Belle."
Nilingon nya ang tumawag sa kanya. Nakita nya si Bryan, classmate nya.
"Oh Bryan, bakit? May kailangan ka?"
"Tatanong ko lang sana kung pauwi ka na?"
"Oo, uuwi na ako. Bakit?
"Pwede ba sumabay? Pwede ba kitang ihatid?"
"Pwede naman. Bakit mo naman ako ihahatid?"
"Eh kasi manliligaw sana ako kaya gusto ko sanang ihatid ka."
"Ah okay. Sige sa-"
Hindi na natapos ang pagsasalita ng dalaga ng bigla na lang may umakbay sa kanya na nagpatigil ng pagsasalita nya.
"Hindi mo pwedeng ihatid si Misis Ice. And for the record hindi mo sya pwedeng ligawan kaya tumigil ka na. Taken na sya. Misis Ice na nga sya di ba?"
Pagkasabi nun ay hinila na sya ng binata palabas. Pilit man nya hinihila ang mga kamay ay lalo naman yun hinihigpitan ni Clark.
"Ano ba Clark! Bitiwan mo nga ako!
"Para ano? Para sumabay ka sa mukhang bisugo na yun?"
"Eh ano naman ngayon sa'yo kung sumabay ako sa kanya? Bakit mo ba ako pinagbabawalan ha?!"
"Eh kasi nga si Misis Ice ka!"
"Yan ka na naman sa Misis Ice mo! Hindi yun ang pangalan ko! Isabelle Chloe Andrada ang pangalan ko. Bakit ba ang kulit mo?"
"Sabi ng Misis Ice ang pangalan mo. Yun lang, hindi pwede ang iba!"
Gulat ang dalaga dahil ngayon lang sya sinigawan ni Clark.
"Eh bakit nga kasi?"
"Ang manhid mo talaga Belle."
"Ako manhid? Ikaw kaya!"
"Ako pa ang manhid? Kung may manhid man sa ating dalawa, ikaw yun!"
"Hindi ako manhid!"
"Eh kung hindi ka manhid bakit hindi mo maramdamang mahal kita?"
Natulala ang dalaga sa narinig.
"A-anong sabi mo?"
"Ang sabi ko mahal kita! Wala na nga akong ginawa kundi asarin ka para ako lang mapansin mo at yang mga eyes mo eh ako lang makita! Nakakapagod kang gwardyahan alam mo ba yun? Halos araw-araw may hinaharangan akong mga lalaki para lang wag makalapit sa'yo. Nasalisihan lang ako ng bisugong yun kasi classmate mo sya. Bangasan ko yung pangit nyang mukha eh. Ang kapal-kapal manligaw sa'yo eh si Misis Ice ka na nga!"
"Ma-mahal mo ako?"
"Oo nga sabi eh. Mahal kita. Mahal na mahal kita! First year pa lang tayo mahal na kita. A-Ano, may pag-asa ba ako sa'yo?"
Napangiti ang dalaga sa narinig. Mahal sya ng kulugong ito. May katugon pala ang feeling nya dito.
"Hoy, ano na? May pag-asa ba ako o kailangan ko pa pagpalitin ang mga mata natin para lang makita mo na ako?"
"Hindi na kailangan Clark. Kahit hindi naman agad nakita ng mga mata ko yung feelings mo, naramdaman ko naman. Hindi lang talaga ako assuming. Mahal din kita. Mahal na mahal din kita kahit lagi mo na lang akong inaasar. Kainis ka talaga. May puso ka naman, bakit pati yung puso ko gusto ding maging sa'yo?"
"Eh mas nakakainis ka, may puso ka din naman ah. Eh bakit yung puso ko ninakaw mo. Hindi nga lang puso eh, pati mga mata ko ninakaw mo din. At hindi ka pa nakuntento, pati pangalan ko kinuha mo na rin, ginawa mo pang sa'yo. Ikaw talaga Misis Ice oh!"
"Hah? Paanong pati pangalan mo ninakaw ko din? At ano bang meron sa Misis Ice na yan? Lagi mo na lang akong tinatawag ng ganyan ah."
"Siyempre. Ikaw kasi si Misis Ice ko. Hindi ba't Ian Clark Estrada buong pangalan ko, Ice for short. At ikaw ang Misis Ice ko. Ang nag-iisang Misis Isabelle Chloe Estrada. Kokontra ka pa ba?"
Napangiti ang dalaga. Misis Ice? Gustong-gusto ko yan! Ang komontra, si Mister Ice na bahala dyan. Basta kami magmamahalan at gagawa ng maraming Ice hihi...landi ko na, Ang Ice ko kasi!