Unexpected Bond

122 2 0
                                    

Charles' POV

Ang saya at ang ganda ng first day ko dito sa Pinas. Ang ganda ni Heart, HAHA!! Nasisiraan na ata ako ng bait eh, Isang araw ko pa lang shang nakikita, gusto ko na agad? ahaha. This is ridiculous. Sabagy, hindi naman masamang mag ka crush eh. Crush na lang, Ano ba yan, feeling highschool ako, ang bading!!! hahha. Anyway, pumasok na nga pala ngayon si Insan, so eto ko ngayon naiwan sa bahay, umulan pa nga kagabi nung pauwi kami, mga mukha kaming basang sisiw eh. SI Insan nga kanina masama na yung pakiramdam pero ayun, ang kulit, pumasok pa din, at sabi nya, mamaya daw mag bike pa kami, Baliw talaga yun...

[Classroom]

Heart : (ginulat si Chester) HOY!!!

Chester : ano ka ba naman Heart. 

Heart : napakalalim nanaman ng iniisip mo alam mo yun. Hindi ko mahukay! 

Chester : alam mo naman kung bakit eh...

Heart : ang lakas talaga ng tama mo jan kay Janine. Gusto mo ng Piattos? (Inabot ang chips)

Ian : (kinuha ang Piattos) akin na lang!!!! 

Heidi : tignan mo tong lalaking to, kakain lang ng breakfast nan ah.

Heart : hindi naan ikaw inaalok ko eh! PG ka talaga!

Ian : bitin kaya yung kinain namin kanina

Heidi : wow naman. nabitin ka pa sa tapsilog with double extra rice. 

Heart : naku Heidi, alam mo naman na may dragon jan sa intestine nyan eh. Masanay ka na. Teka, nasan si Ian at Erika?

Heidi :  Ewan ko dun sa dalawang yun. Mag kaaway ata yun eh.

Ian : hindi pa kayo nasanay. eh Halos every week mag kaaway yun, naka schedule na ata yun eh.

(Biglang pumasok sina Harold, Erika at Janine ng magkakasabay)

Heidi : OMG!!! Heart!

Heart : ano yun? o Harold bakit late kayo?

Harold : eh kasi nasiraan yung sasakyan ni Janine kaya nag decide si Erika na isabay sha.

Janine : thanks nga pala Erikan and Harold. Hi Heart, Hi Heidi.

Heidi : hmmm... Erika, may tatanong pala ko sayo... (hinila si Erika out of ear shot.)

Erika : bakit Heidi? 

Heidi : anong meron? bakit kasama nyo yan?

Erika : ano ka ba, hindi mo ba narinig si Harold? Nasiraan yung car nya.

Heidi : hay naku, reasons. baka the next time feeling close na yan satin ah

Erika : hindi naman siguro. pati okay lang din naman yun if maging friend natin sha.

Heidi : ayoko, ewan ko ba pero ang init ng dugo ko jan sa babae na yan eh.. feeling ko may mali sa kanya eh.

Erika : hay naku.. napapraning ka lang. hahaha!! tara na, at baka mahuli pa tayo ni sir na nasa labas. hahaha...

Heart : bakit ganun? (tingin sa labas.)

Ian : ano bang tinitignan mo sa labas?

Heart : duh... anong oras na wala pa si Lance.

Chester : oo nga nuh. Baka umabsent, baka itour ulit si Charles.

Heart : imposible.. si Lance aabsent?--- (pumasok sa classroom si Lance.) UY!!! espren.. anyare sayo? bakit ka late? at bakit sobrang pale mo?

Lance : hindi ko nga din alam eh. mejo masama pakiramdam ko.

Heart : (lapit kay Lance sabay hawak sa forehead.) eh panong hindi sasama yang pakiramdam mo eh ang taas ng lagnat mo.bakit ka pa pumasok?

Heart's Lost (KRISJOY WITH RANZKYLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon